Kabanata 12: Ang sakit

248 19 9
                                    

Camilla

Nang makarating kami sa kanila ay nauna siyang bumaba nang kotse upang pagbuksan ako ng pintuan.

"Thank you," I snorted as I got out of the car.

Ipinulupot ko ang mga kamay ko sa braso ni Storm. Ang akala ko nga ay tatanggalin niya iyon pero tumingin lang siya sa akin at nagsimula na kaming maglakad papasok sa loob ng bahay niya.

"Pagkahatid ko sa'yo sa kwarto mo magpahinga ka na kaagad. Ako na ang bahalang magpaliwanag sa kuya mo bukas." He said without looking at me. Sabay alis nang mga kamay kong nakakapit sa braso niya. "Mag palit ka na rin ng damit ipapadala ko nalang sa kwarto mo mamaya." He complained at sabay kaming umakyat sa second floor ng bahay.

He led me to my room and we stopped at a brown door. Humarap ako sa kaniya at nagtama ang mga tingin namin.

"Thank you dahil pinagbigyan mo ako." I muttered.

Nakita kong nagbukas sara ang bibig niya. And I expected na may sasabihin siya sa akin pero wala at nanatili nalang tikom ang bibig niya.

"Magpahinga ka na.... Good night,"

He said and he turned his back on me and started to step away when I spoke which made stopped him.

"Why do you keep pushing me away from you?" I asked him directly.

Isang minuto ang lumipas bago siya tuluyang magsalita.

"Take a rest, Camilla. Let's not talk about this." He said.

"Pero gusto kong pag usapan natin ito Storm. Gusto kong malaman kung bakit patuloy mo akong pinagtatabuyan." Agaran kong sagot. Ramdam ko din ang tensyon sa pagitan naming dalawa.

Sa wakas ay humarap na siya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanyang mga mata. Wala akong makitang kahit anong emosyon roon. Nakatingin lang siya sa akin na tila ba para akong isang estranghera sa kanyang paningin.

I wiped away the tears blocking my sight.

"S-Storm..." I called his name and I tried to hold his hand but he averted away.

"Stopped it Cami—."

"No. I won't stop until I know you're telling me the reason!" Putol ko sa sasabihin nya.

Nagtitigan lang kami buong oras. Ramdam ko unti-unti naring bibigay ang mga binti ko.

"Ayokong masaktan ka Camilla, itigil mo na ito."

"Don't you know that you are already hurting me because you keep pushing me away!" Halos pasigaw ko na sabi sa kaniya.

Nanatili lang siyang nakatingin sa akin. At nasasaktan ako sa paraan nang pagtitig niya. Para bang tila papel na pinunit ang puso ko sa piraso-piraso.

"When you find out the real reason why I'm keeping you away from me, you might get hurt even more."

"Tell me, I want to know."

He took a deep breath and held me on both my shoulders.

"Please Camilla stop this. Hindi ako ang lalaking para sa'yo. Masyadong magulo ang buhay ko at ayaw kong madamay ka pa!"

Nanatili lang akong nakatitig sa kaniya. Mula sa aking balikat ay umakyat ang kaniyang isang kamay sa tapat nang aking mukha. He wiped away my tears using his thumb.

"Alam mo bang mas nasasaktan ako kapag patuloy kitang pinagtatabuyan." He said almost a whispered. "Pero pilit kong pinipigilan ang sarili kong mahulog sa'yo kasi alam kong sa huli pareho lang tayong masasaktan." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Storm. "I fell in love with you too Camilla," saglit siyang tumigil bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Pero may pumipigil sa aking gustuhin at mahalin ka." Pagkasabing pagkasabi niya niyon ay binitawan na niya ako.

Tinalikuran na niya ako pero nanatili pa rin siyang nakatayo roon. Nakatulala ako at parang sirang plakang paulit-ulit sa utak ko ang mga sinabi niya sa akin.

Gusto niya ako. Ayaw niya akong nasasaktan ng dahil sakanya pero hindi naman niya sinabi na mahal niya ako.

"Minsan nangangarap ako na maging ibon para makalipad papunta sa iyo kasi ang taas-taas mo. Nung una natakot ako dahil baka ihulog mo lang ako pero ito sumugal ako, pilit kitang inaabot kahit nahihirapan at nasasaktan na ako. Sana dumating ang araw na ikaw naman ang bumaba para abutin ang tulad ko." Sabi ko at inayos ang sarili ko. "Good night, Storm." Akmang papasok na ako sa loob ng kwarto upang magpahinga nang magsalita siya.

"Itigil mo na ang paglipad Camilla dahil kahit kailan hinding-hindi mo ako maabot." Sabi niya at natigilan ako. Parang tinusok nang milyon-milyong karayom ang puso ko.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin. Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit na nararamdamam ko. Dali-dali akong lumapit sakanya. At kusang lumapat ang kamay ko sa mukha niya.

"Tama na Storm ayako ng marinig pa ang mga dahilan mo." Nabasag na ang boses ko dahil doon. Tinignan ko siya nang diretso sa kaniyang mga mata.

"Hayaan mona lang ako na mahalin ka hanggang sa ako na mismo magsabi sa sarili ko na tama na." Pagpapatuloy ko. Naglakad na ako paalis at nilagpasan siya.

Pumasok na ako sa kwarto at unti-unti kong sinandal ang likod ko sa may pintuan habang patuloy sa pag-iyak.

Dear tadhana,

Bakit hinayaan mo akong mag mahal ng taong hindi naman ako kayang mahalin pabalik. Ang sakit.

Until I Make You Mine (SOON TO BE PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon