"I can't go there nay, malapit na mag ber-months, hindi ko maiwan ang coffee shop dahil full pack dito kapag ganung season"
Kinukulit nanaman ako ng nanay na umuwing USA sa last quarter ng taon. I just can't, di ko talaga gusto.
"Duday hindi na talaga natapos ang dahilan mo! Miss na miss ka na namin, ayaw mo ba kaming makasama?"
Napahilot ako sa sintido dahil sa sinabi ng nanay ko, sad ghOrL mode nanaman sya!
"Edi bisitahin nyo nalang ako dito, Pilipino naman kayo eh! tsaka miss nyo na pala ako, edi dapat kayo ang dumayo, HAHAHAHA!"
"Hay nako Duday! Kelan ba ako mananalo sayo? Oh sya, keep in touch ha? Magpahinga ka rin, wag magpakapagod masyado. I love you and I miss you"
"I love you too nay! Ingat kayo lagi ni tatay, miss ko na rin po kayo. Sige na po at mag aayos na ako sa shop"
Tinapos ko na ang tawag at kinuha ang susi ng kotse ko. Papaalis na sana ako nang mag ring ulit ang phone ko. Nag message si Chin
"Good morning, miss Dai! May naghihintay sayo dito sa shop, Rain ang pangalan"
Napakunot noo ako, wala naman akong naka set na appointment ngayon ah? Dali dali akong nagtungo sa kotse at sumibat na.
Sino kayang Rain yun? Wala naman akong kilala na Rain ang pangalan.
Within 2 minutes nakarating agad ako sa shop. Napaka aga namang meeting to! Buti nalang at maaga akong nagising today!
Nilapitan ko si Chin para tanungin kung saan naka pwesto etong Rain na sinasabi nya.
"Good morning Chin, where is he?"
"Good morning, miss Dai! nasa Quiet Lounge po"
"Bakit hindi sa Business Corner? Walang upuan sa QL!"
"He chose that place miss Dai, mas comfortable daw po"
"I see, thank you! Serve ka nalang ng food and drinks ok? Owners Delight for 2, I'll go ahead"
"Copy that miss Dai!"
Tumango lang ako at nagpunta na sa QL, ang weird ng bisita ko at napili ang QL. Usually sa Business Corner ko inaacommodate ang mga bisita ko, but this guy chose the QL.
Pagdating ko sa QL may ilang customer din ang naroroon, and there, sa aking favourite spot ay may isang lalaki. I assumed na sya si Rain dahil sya lang naman ang nagiisa na nakaupo don kaya lumapit ako.
"Good morning, uhmmn Mr. Rain?"
Lumingon siya sa akin, at dun ko napagtanto na siya yung lalaking businessman kahapon! Naka smart casual lang sya ngayon.
"Good morning, have a seat"
"Hinahanap mo daw ako?"
"Yea' it was a good timing yesterday na nakita kita. I have been staying for 3 months near this shop. Palagi din ako nandito pero di kita nakikita. As I can see, your shop isn't that big pero malaki ang sales. I came to discuss this matter with you. I know you are aware that my grandpa passed away 5 years ago"
Nanlaki ang mata ko, 5 years ago?, Yung bff ata ni lolo ang tinutukoy nya!
"Yes. I am talking about Lolo D, 3 months after he signed the Agreement, he passed away. I wasn't able to inform you because I was devastated that time."
Medyo teary eyed ako, anong gusto nyang gawin? Babawiin na ba nya ang property?
"Am I going to close my business?"
Maiyak iyak kong sabi..
Napatigil din si Chin na nagseserve ng food namin. Hindi pwede, marami akong pinapasahid dito, maraming umaasa sa akin.
"Calm down, I am not going to do that."
Napahiwa nalang ako sa Salmon steak na nasa harapan ko. Parang natatae ako na naiiyak sa narinig ko.
"I want a new Agreement dahil wala naman na si lolo. Hindi ko ipapasara ang shop mo kaso..." Napapakamot sya sa ulo nya "Italy is messed right now and, gusto kong dito na mag stay. However l, andito yung shop mo, pero ayoko namang ipasarado dahil may utang ng loob pa rin ang lolo ko sa lolo mo. It's not a good choice din to rent a whole house tapos ako lang mag isa. This is my proposal, will lend you this property but you will lend me a home"
Sa dami ng sinabi nya parang wala akong naabsorb.
"Let me read the Agreement"
Yun ang nasagot ko.
Eto ang laman ng Agreement:
1. Sa ancestral house sya titira at sagot ko ang pagkain nya (wow ha?);
2.Hanggat operating ang coffee shop ko ay mananatili sya sa Ancestral house namin;
3.renewable ang Agreement depende sa Mutual Agreement of both parties.
Simple lang ang Agreement pero as long as it means na hindi ako mag cclose ng business, ay ok na ako.
"Fine, malungkot din naman tumira mag isa sa malaking bahay"
Yun lang ang nasagot ko
"It's settled then. Sign the Agreement"
Hayssss lolo,! Tama ba naging desisyon ko?
YOU ARE READING
Pumapayat Na Ba Ko?
Romance"Maganda ka sana kaso MATABA ka" Yan ang paulit ulit na sinasabi sa akin ng mga tao, nakakaumay na. Ang daming beauty standards ng lipunan pero hindi ako nagpapaapekto, nasa akin ang desisyon kung mag dadiet ako o hindi! Dahil dito, naging linya ko...