Matapos naming masettle ni Rain ang aming Agreement ay kumain na kaming dalawa.
"Anong tawag sa dish na ito?"
Basag ni Rain sa katahimikan."Chicken Ala Dai" sagot ko naman
"It taste like home" sagot ni Rain
"Masarap?" Tanong ko
"More than that" sagot naman ni Rain
"It's my original recipe, boneless thigh part ng chicken yan, pounded and marinated tapos rolled and fried then yung sauce ay with 4 kinds of cheese and 2 types of milk" pagmamayabang ko
"I guess di talaga ako mamomroblema sa pagkain ko haha" pabiro ni Rain
"Ano ka ba! Maliit na bagay lang yung pagpapatuloy ko sayo sa pakinabang ko dito sa property nyo" sagot ko naman.
Tumango lang si Rain at nagpatuloy kumain.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam na si Rain dahil mag iimpake pa daw sya. Gusto nya kasing lumapit as soon as possible para iwas gastos daw.
Yung lalaking yun talaga! Napakayaman pero napaka tipid!
Lumipas ang lunch at meryenda na sobrang busy ko. Tambak ang customers ngayong araw dahil sabado. Muntik ko na ngang makalimutan na mag ggym pala ako ng 5PM. Kaya, nagmadali na ako mag ayos at pumunta sa Gym.
Pagdating sa Gym ay nakita ko nanaman ang mahangin na si Junatan na parang natatawa sa akin. Anong problema ng mokong na to? Di ko na lang pinansin at nagpunta sa Threadmill para magsimulang mag jog.
Kinabit ko ang aking earphones at nagsimulang mag exercise. Nararamdaman ko na naka kondisyon ang aking katawan para mag exercise ngayon kaya parang na enjoy ko ang pag ggym. Hindi ko namalayan ang oras, mag aalas 7 na pala. Tinigil ko na ang pag eexercise at nagpunta sa wash area para magpalit at umalis na.
Saktong alas 8 naman ay nakarating na ako sa Bahay. Hindi na ako dumaan sa coffee shop dahil si Chin na ang bahalang magsarado non mamayang 12MN. Nagulat ako nang may mailawang tao na nakatayo sa labas ng bahay.
Kinilala ko muna kung sino ito at nang malaman ko kung sino ay nilapitan ko.
"Kaloka ka naman Rain! Gabi na anong ginagawa mo dito"
"Maglilipat bahay" sagot ni Rain "Nagugutom na ako, pasok na tayo" dugtong pa nya.
Hindi ko mapaniwalaan ang taong to. Napakaimposible.
"Osya halika na, kaloka ka, di ko pa nahahanda yung room mo, buti na lang alaga sa linis tong bahay" sabi ko sa kanya
Dinala ko sya sa 2nd Floor sa tabi ng kwarto ko, ito ang spare room dito sa bahay. Malinis naman to dahil weekly akong nagpapalinis dito. One reason din ay para may kasama ako hahaha minsan kasi natatakot ako mag-isa.
"Eto yung room mo, malinis yan pwede ka ng mag unpack, eto naman sa tabi yung room ko" turo ko sa kanya. "Habang nag aayos ka ng gamit mo, magluluto muna ako ng food okay?" Dagdag ko pa.
Bumaba ako sa kusina para maghanda ng makakain. Hindi naman mahirap mag-isip ng lulutuin dahil marami pa akong stock ng meat sa ref at kumpleto din ang gulay at prutas. Kahit naman nag ddiet ako hindi ko pinapabayaan ang sarili ko. "To eat right is to live right" ika nga nila.
Dahil nag work out ako today ay healthy option dapat ang food. Balak kong lutuin ay Beef Stroganoff with mushroom and Broccoli gumawa din ako ng creamy and rich mashed potatoes. Maning mani lang ang pagluluto sa akin dahil sanay ako mag-isa at bata pa lang ako marunong na ako magluto kaya nga lumaki ako ng ganito eh.
Mabilis lang naluto ang hapunan kaya hinanda ko na ang lamesa. Maya maya lang ay anjan na si Rain.
"Sakto ang baba mo, kain na Ulan" sabi ko
"Ulan?" Tanong niya
"Rain" sagot ko naman
"Ahhhhh kala ko kung ano na eh" sagot naman nya.
"Where have you been pala? At parang gabi na uwi mo? From your shop ba?" Tanong nya
"Nope, galing ako sa gym" sagot ko habang natakal ng 1 cup ng rice "Hanggang 11 naman ang Coffee shop pero si Chin na ang bahala don, bale nung 5 nag gym ako tapos eto" sagot ko naman.
Napatango si Rain at sumubo ng kanin, mashed potatoes at ulam. Nanlaki ang mata nyang napatingin sa akin. Ako naman ay nagtaka kung bakit.
"This is so good!" Sabi naman ni Rain
Hindi ako makapaniwala sa lalaking to, parang bata minsan.
"Hindi ka ba nakakakain niyan sa Italy?" Tanong ko sa kanya.
"Nakakasawa na ang Italian food, buong buhay ko yun ang kinakain ko" malungkot niyang tugon
"Ihanda mo sarili mo, ipapatikim ko lang ng specialty ko sayo at nang maiba naman yung kinakain mo" sabi ko naman
"Thanks! I really appreciate that!" Sabi ni Rain
"Bakit ka nga pala nag ddiet? You look fine naman"
Nabigla ako sa tanong ni Rain. Bakit nga ba ako nag didiet?
"Sawa na ako maging Extra Large" sagot ko sa kanya.
"Well, I can see that you are extra special as well. You can cook perfectly and you run your own business. There's nothing wrong with being a plus-size, don't get me wrong, this is my personal preference" sagot nya habang nanguya-nguya pa.
"My body, my rules, charot" yun na lang ang naisagot ko sa napakahaba niyang sinabi.
Isang mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Ako naman ay tahimik na inubos ang aking hapunan. Pagod na rin kasi ako at gusto ko nang magpahinga kaagad.
Nang mapansin ko na tapos na kumain si Rain ay kinuha ko ang kanyang pinggan at dinala sa lababo. "Ako muna mag huhugas, may pamahiin kasi na wag paghuhugasin ang bisita kapag di pa siya nakakatulog sa bahay mo ng overnight" sabi ko
"No problem, I'll help you with the chores naman" sagot ni Rain. Nagkibit balikat na lang ako.
Tahimik na umalis si Rain at bumalik sa kaniyang kwarto. Ako Naman ay nagsimula nang maghugas ng mga pinagkainan namin. Iniisip ko kung ano ang pwede naming almusal bukas. Ano ba yan! kakakain pa lang namin tapos pagkain nanaman ang nasa isip ko!
Nang matapos na akong maghugas ay sinilip ko ang ref. Tinignan ko kung ano ang pwedeng lutuin bukas. Nakita kong may bacon, sausage at itlog pa, yun nalang siguro ang lulutuin ko. Nakita kong may sourdough bread pa ako kaya nakaisip na ako ng ipapares sa mga karne. Gagawa na lang ako ng marinated garlic bread, bukas ko na lang iooven para fresh pero ibababad ko na para manuot ang lasa. Ibabalot ko din sa foil para makulong yung lasa at aroma ng bawang. Pagkatapos ay umakyat na ako sa kwarto para magpahinga.
YOU ARE READING
Pumapayat Na Ba Ko?
Romance"Maganda ka sana kaso MATABA ka" Yan ang paulit ulit na sinasabi sa akin ng mga tao, nakakaumay na. Ang daming beauty standards ng lipunan pero hindi ako nagpapaapekto, nasa akin ang desisyon kung mag dadiet ako o hindi! Dahil dito, naging linya ko...