12

2.7K 111 1
                                    

CHAPTER 12 - ʟᴜᴋsᴏ ɴɢ ᴅᴜɢᴏ ᴏʀ ʟᴏᴠᴇ??

•Prince Sean Clyde Andrei Light's POV•

Narito ako sa king silid

Nagpaplano akong tumakas.Hindi kasi ako pinapayagan nina Ina at Ama na lumabas.Marahil nag-iingat lamang sila sapagkat ayaw na nilang maulit ang nangyari sa aking kapatid na prinsesa

Nawala ang aking kapatid at hinala nina ina ay kinuha ito ng dark mages at pinaslang.Ayaw ng mangyari uli iyon kaya pinabantayan ako nina ina at ama,Iniingatan nila ako ng sobra at ayaw na daw nila akong mawala.

Narito ako sa bintana ng aking silid,balak kong tumalon at tumakas.Lagi nalang akong nakakulong at gusto kong masilayan ang labas ng palasyo.

Pagkababa ko ay tumakbo na ako agad at di ko alam kung saan ako pupunta

Napunta ako sa isang gubat,hanggang sa napunta ako sa isang kweba

Pumasok ako doon at gumawa ng apoy.

Umupo muna ako

Naalala ko nanaman ang aking kapatid.Gustong gusto ko nang mahanap at makita ang aking kapatid. Hindi namin alam kung nasaan na ang aking kapatid. Noong sumugod ang kampon ng kasamaan at tinago kami ni Ina ay mayroong isang dark mage na kumuha sa aking kapatid,sinubukan kong kuhain ang kapatid ko ngunit tinapunan nya ako ng bola ng kanyang kapangyarihan kaya ako'y nahimatay

Hindi ko napansin na lumuluha na pala ako. Ang aking iyak ay napalitan ng hagulgol.

Ang aking kapatid,Scarlet Crystal Amethyst Rein Light,sana makita ka na namin kapatid ko

Hindi ko napansin na lumakas pala ang aking iyak

Gustong gusto ko nang makita ang aking kapatid. Gusto kong sumaksi sa sabay na paglaki natin ngunit nawala ka :(

Ilang minuto akong umiiyak ng may naramdaman akong nakatingin saakin kaya inangat ko ang aking tingin

Ganun nalang ang gulat ko ng may nakita akong batang babae na nakatayo at nakatingin saakin

Hindi ko alam kung bakit bumilis ang tibok ng aking puso

"Anong g-ginagawa mo r-rito" tanong ko sakanya

"Narinig ko kasi yung iyak mo"sagot nya

Hala! N-narinig nya yung iyak ko?!

Nakakahiya,siguro'y iniisip nya na 'ang isang prinsipe'ng katulad ko ay umiiyak?!nakakahiya!'

"H-huh" pinunasan ko ang aking mga luha

Ayokong isipin nya na kalalaki kong tao ay umiiyak ako

"Bakit ka umiiyak?"tanong nya

Tinanong nya talaga huh?!

"Uhm wala"tanging sagot ko

Lalo lang akong mahihiya.

Hindi ko naman pinapahalata na nahihiya ako sa magandang binibini na ito

"Wehh??Ang alam ko kasi ang umiiyak ay dahil sa sobrang lungkot or sobrang saya. Hindi ka naman masaya basi sa ekspresyon mo So,malungkot ka!Kaya tell me makikinig ako"sabi nya

Tama sya malungkot ako

Ngunit..."Hindi naman kita kilala ah?"sabi sakanya

"Ako nga pala si Scarlet Amethyst Firious" pagpapakilala nya

Kay gandang pangalan katulad nya at...kapangalang nya ang aking kapatid

At sandali--Firious?

"Huh? Firious?" tumango sya "Ibing sabihin ay isa kang prinsesa? Prinsesa ng kaharian ng apoy?" tanong ko

The Most Powerful Princess (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon