Having fun.
Zariyah's POV
Kinagabihan,pinatawag kaming lahat para mag bonfire.Mag kakahiwalay kami,kaming mga 4th year kasama ang head adviser namin.
"So everyone,pinapunta tayo rito to rest at sa last day pa naman gaganapin ang event so bette have fun.Iiwan namin kayo dito sa bonfire para may privacy kayong mga students"sabi nung head adviser ng 1st year,umalis sila at naiwan kaming lahat dito.
"Okay let's play Two Truth and A Lie"sabi ni Miko,ang gwapong bakla ng section C.
"Gusto namin yan"
"Boring naman"
"Sige yan na lang"
Ilan lang yan sa mga naririnig ko
"I'll go first"pag pepresinta ni Lyzette.
"Okay"sabi ni Miko
"1.I have a boyfriend,2.mataas grades ko lagi,and last doctor isn't really my ambition"sabi niya,i raise my hand para sagutin
"Unang una Lyzette,wag ka na mag assume na mag kaka boyfriend ka pa at yun ang lie,yung pangalawa truth wanna know why?Dahil nung hindi pa tayo mag kaibigan noon,lagi kang nakikipag compete sakin kaya matataas grades mo and last hindi talaga doctor ambition mo pero isa kang tanga dahil mas pinili mo mag medicine kesa mag fashion tsk"mahabang saad ko pero walang ka emo emosyon ang mukha ko
"Grabe ka naman sa tanga,pero love parin naman kita"sabi ni Lyzette kaya inismiran ko na lang siya.
"Caiden ikaw naman"sabi ni Miko
"1.May gusto ako kay Shane,2.Badboy ako,last matalino ako"sabi niya,nagulat pa nga ang iba dahil binanggit niya ang pangalan ni Shane.Tsk di naman totoo,ginamit pa si Shane
Nagtaas ng kamay si Shane
"First is the lie though.Hindi ko aakalain na hindi ka lang pala badboy playboy karin naman pala"sabi ni Shane at inirapan si Jared,tsk landi pa more.May boyfriend si Shane sa America at alam kong loyal yan.
Matapos namin mag laro ng TTAAL ay nagkwentuhan naman sila habang ako nakikinig lang,ng biglang mag ring ang cellphone ko.It's mom...
"Mom?"
[Hey sweetie,how are you?]
"Fine mom,but i miss you"
[We miss you too sweetie,pero pagbalik namin at kapag nakabalik ka na may pag uusapan tayo]
"O-okay?"
[Sige na,enjoy there sweetie.I love you]
Hindi ko pa nasasabi yung i love you too ay binabaan na niya ako.Tsk ...
Inabot na kami ng midnight kaya napag pasasyahan namin na matulog na at bukas na lang mag langoy.
*
Maaga akong nagising at yung pito mga tulog mantika pa kaya lumabas muna ako ng kwarto para mag lakad lakad ulit sa may dalampasigan.
"Ate Ganda,bili na po kayo"sabi nung batang babaeng lumapit saakin at may hawak siyang souvenir ng resort namin.
"How much is this."tanong ko dun sa mga bata
"Ano daw sabi?"bulong nung bata sa katabi kaya napatawa ako
"Sabi ko,magkano ba toh?"nakangiting tanong ko
"Ate ganda,25 pesos lang yan."sabi nung isa pang bata
"Pabili ako ng walong ganyan"sabi ko sakanila,binigyan naman nila ako ng walo
Inabot ko sakanila ang isang libo na dala ko.
"200 lang ate yan lahat,kay ang sukli ay 800"sabi nung bata,natawa naman ako dahil sa kakyutan nila
"Sainyo na yung sukli,para pambili nyu ng mga kaylangan nyu"sabi ko sakanila at ginulo ang buhok nila
"Salamat ate ganda"sabi nila at nagtakbuhan na sa may ice cream parlor.
Naalala ko tuloy nung bata ako,gusgusin din ako kagaya nila dahil dito sa resort namin mismo ako lumaki.Natuto pa nga ako nuon ng Surfing,Scuba Diving at mag patakbo ng mga speed boat
Nang makabalik ako sa room namin ay naabutan kong gising na yung apat na lalaki at yung tatalong babae na lang ang natutulog.
"San ka galing?"tanong ni Lance
"Sa may dalampasigan lang,BTW.I buy this for us all"sabi ko at binigay sakanilang apat yung binili ko
Sinabit naman nila iyon sa mga bag nila.Hindi na ako sanay ngumiti kaya pinatili ko na lang ang walang emosyon kong mukha.Ginising ko yung tatlo at lumabas na kami para makapag swimming na sa dagat.
______________________________
Enjoy reading:)))
YOU ARE READING
Marrying The Campus Badboy
Teen FictionWarning:Errors Ahead Status:On-Going Genre:Drama Date Started:03/20/2021 Date Finished:-