Me Myself and I (Short Story)

11 0 0
                                    

Isang-araw sa isang Park.

May isang babae at mukha itong malungkot, nakaupo ito at nakatulala sa hangin.
kaya agad itong nilapitan ng isang teenager na puro abubot ang buhok.

  "Hi misss! How are you today?" her young version asked.

Sa pag-aakalang English speaking ang kausap dahil nakita nito ang ID lace niya na nagta-trabaho sa isang BPO.

"I'm good, thankyou for asking," Jen uttered.

"Are you okay Ms. Jen?"

"Yes, I'm good," Jen replied solely as if she is only soeaking to herself.

"Pasensiya napo kayo kasi napansin ko na medyo malungkot kayo, ako po si Len-len," sabay tabi nito sa dalaga.

At dahil masayahin ito ay nagpasiya itong kausapin ang dalaga.

"May problema po ba kayo?" magalang na tanong ni len-len sa kanya.

"Pagod lang, Night shift kasi ako tapos ako pa gumagawa sa lahat ng gawaing bahay. Ako lang kasi mag-isa sa apartment na tinutuluyan ko."

"Bakit?"

"Wala  po kayo kasama sa bahay?"

"Hindi po ba kayo natatakot mag-isa?" Lenlen asked frantically.

"Yes, I'm an independent woman now since my Auntie and Uncle died a year 'ago' she uttered, to the young girl beside her.

Habang nag-uusap ang dalawa meron silang nakitang papalapit na isang masayahin na dalaga.

The newcomer shrugged her shoulder and smile.

"Hi," masayang bati nito sa dalawa.

Instead of a welcoming smile, a frantic look crossed to Jen's face.

"Hello, masayang tugon ni Lenlen dito." Sabay kaway sa babae.

Mukhang wala itong problema sa buhay at punong-puno ito ng pag-asa.

Agad itong umupo sa tabi nila.

"How are you Girls?"

"Ok naman," masayang sagot ni lenlen.

"I'm good," matamlay na sagot ni Jen.

"Why are you sad?" tanong ng babae.

"Because I'm still in a process of moving on to my Auntie and Uncle's death. Also I need to pay a lot of bills like my own house, my apartment, and my tuition."

"Andami naman po pala ng iniisip niyo Ate Jen, ako may Tita Nanay, na palaging nag-aasikaso, pinag-aaral nila ako. pero ayoko mas gusto ko ng magtrabaho at yun lovelife ko," masayang kwento ni Lenlen.

"Alam mo Jen, lahat ng effort mo ngayon iyak at lungkot it will be worth it soon," nakangiting saad ng babae.
"Napagdaanan ko na lahat yan, but look at me now? Graduate nako, may negosyo at higit sa lahat nakakatulong nako sa mga tao o animal shelter na gusto ko.

"Hindi nadin ako isang empleyado ng isang company, at malapit ko na matapos bayaran yung sarili kong bahay."

"Gusto ko lang sabihin na kung ano man ang pinagdadaanan niyo ngayon, magiging maayos din ang lahat," mahabang lintanya nito sabay tapik sa balikat ng dalaga at dalagita.

Ngumiti lang sina Jen at Lenlen.

"At gusto ko magpasalamat sa inyong dalawa.

"Sayo Len-len, Kung hindi sa mga pagkakamali mo hindi ako matututo," baling nito kay Lenlen.

"Sayo Jen, Kung hindi sa lakas ng loob at tiyaga mo, wala ako sa kinatatayuan ko," baling nito sa kanya.

"Hindi ko maa-abot ito kung wala kayo, Salamat!" untag nito sa kanilang dalawa.

"Sorry ate Jen, Kung hindi ko siguro inuna ang puro kalokohan ko noon hindi ka mahihirapan ng ganyan. at kung seneryoso ko lang ang buhay noon, hindi ka mag hahabol na maka-graduate at sabay sa pagbili ng bahay .
At sana buhay pa si Tita at Tito." Sabay pahid ng luha sa mga matang sambit ni Lenlen.

"Huwag kang mag-alala Len, Napatawad na kita at sisikapin kong maitama ang mga mali mong nagawa noon," nakangiti namang saad ni Jen.

Akmang tatalikod na ang babae ng bigla itong tinawag nina Len-len at Jen.

"Ate! Ano ngang pangalan mo?" tanong ni Lenlen.

"Just call me Kiarahearty09," nakangiting sagot nito.

"Bakit kiarahearty09?" takang tanong ni len-len.

"That's my pen-name." Sabay kindat nito sa kanila.

Nagtinginan ang dalawa at naalala nila 
ang mga panahon pinag-aralan pa nila kung pano ang tamang pagsusulat.

Sabay silang napangiti ng mapagtanto kung sino iyon.

Wakas.

The Other Side of Me. ( completed)Where stories live. Discover now