Chapter 71 (Sides of the Sons)

12.2K 410 90
                                    

THIRD PERSON POV


Killa, Killen and Kion together with their titamommy are tied in a chair, a modern bomb was tied around their body and one wrong move, everything will be Blown away. Isa itong uri ng pasabog na hindi kailangan ng timer, a one push into the remote -like device from the controller and it’ll be the end of the kids and surely, other innocent lives would be taken too. Nasa highest ground sila ng building na kinatitirikan ng kumpanya ni Klein kung nasaan ang hide out at nangyayari ang mga illegal na transaction nila ng mga kasamahan.

The boys were relaxed and silent into the other side of the room while Cayen are being horrified, it’s too much for her to handle. At ang isipin na kasama niya pa ang mga bata ay lalong nagpapahina sa kanya. She’s been praying and crying nonstop silently, calling the names of saints she knows.

“Can you stop?! Kanina pa ako naiirita sa pa-iyak-iyak mong babae ka at pag ako hindi nakapagtimpi ay baka unahin na kita! Tutal naman ay wala kang silbi sakin!” sigaw ni Klein sa dalaga na mas lalong ikinatakot nito. She tried very hard not to create any noise, for a moment, dahil hindi niya din napigilan ang bunganga at nagsalita.

“Ano ba kasi ito kuya? Hindi naman ikaw to ah, at saka kung may problema ka wag mo namang idamay ang mga bata. You’ve been with them almost a decade, and I know that in the deepest part of your heart, you did loved them and still love. Tama ba ako kuya?” Cayen said in nervous tone but with the determination to convince him.

“Hhmm, you really don’t know me but I can’t blame you. I just did a very good job at pretending! Hahaha. But yeah, you’re right, mahal ko sila pero ganon talaga, money is more than anything to me except Mystie, she has the quality of a queen that suit me.” Sabay ng demonyo nitong ngisi.

“Oo nga, magaling ka nga kuya. Kaya siguro hindi ka pa rin nagawang mahalin ni ate Mystie kahit ilang taon na ikaw yung nandiyan. You’ve been insincere pala since day one!” galit na ani nito.

“Sino nga namang magmamahal sa taong kasukla-suklam pala ang kalooban? Hmm, no wonder!” mapang liit na dagdag nito na mas lalong nag-paliyab sa galit ng demonyong Klein.

“Kaya niya ako hindi magawang mahalin ay dahil buhay pa rin ang putang inang Vinomous na iyon na walang ibang ginawa kundi saktan lang siya! Parehas lang naman kaming demonyo ng gago ang lamang niya lang ay pera, pero tignan natin kung hindi niya isusuko lahat iyon sa akin kapag nalaman niyang hawak ko ang buhay ng tatlong anak niya!” ani nitong masama ang tingin sa babae.

Then suddenly, ikinasa niya ang baril na hawak at saka ipina-ikot ikot sa daliri.

“I’d better kill you than let you talk nonsense. Pasensya na, mas lalo mo kasing pinapainit ulo ko” Ani Klein na dahan-dahang iniangat ang braso habang hawak-hawak ang baril.

Nakapaskil ang demonyong ngisi nito at mapaglarong tumingin muna sa mga bata.

“I’m sorry kids, you have to witness this, di bale at masaya ang gagawin ko, di ba nga mahilig kayo sa mga action movies? Watch me, eto na yun. Hahaha.” Tila ba nababaliw na ani pa nito, pero walang umimik sa mga bata, pare-parehong malamig ang ekspresyon ng mga mata, tila walang interes sa mga nangyayari sa paligid nila.

Habang naka-angat ang kanang braso ay kinuha naman ni Klein ang basong may lamang alak gamit ang kaliwa, tinunga niya iyon at ng maubos ay lumapit ang isang lalaking nakaitim na kasamahan niya at linagyan ulit ng alak ang baso saka lumayo ng ilang metro pagkatapos. Nasa kulang dalawampung katao sina Klein sa loob ng hide out, ang karamihan sa mga kasamahan niya ay nasa labas at nagsisilbing look out niya, halos lahat naman ng empleyado ng kumpanya ay tauhan niya at parehong may kinalaman sa itatayo niyang Mafia organization kung sakaling makamkam niya lahat ng ari-arian ni King.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon