Chapter 12

18K 470 22
                                    

"Boss narito na ang impormasyong nakalap ni Lhander at Adriel, pati ang kuta nila ay na-trace na din ng mga bata natin." Imporma ni Adriano sa malakas na boses.

Naiangat ko naman ang ulo sa narinig ko.

"A-anong s-sinasabi mo?" Kinakabahan at nagtataka kong tanong.

Dahil doon ay nakuha ko ang atensyon ni Adriano at King na noon ay nakatingin sa matanda.

Napatingin ito sa akin at kay King, papalit-palit.

"Proceed Adriano." Sa walang emosyong utos nito.

Agad naman sumunod ang lalaki, binuksan ang isang high-tech computer at isinalpak ang isang USB, may binuksang file at nag-flash sa harapan naming lahat ang mga iba't ibang mukha pati na ang mga building, ngunit nakuha ng isang larawan ang atensyon ko, doon ay may isang malaking mansyon na halos bawat sulok niyon ay puno ng kalalakihan, nakasuot sila lahat ng itim na damit katulad ng nakita ko sa terrace ng kwartong kinalalagyan ko kanina.

Tumayo ang nagpakilalang Lhander kanina at tumayo sa gitna, parang sa mga magre-report lang.

Matapos maihanda lahat ni Adriano ay umalis ito at tumungo sa may gilid ni King.

Ako naman ay gulong-gulo sa nangyayari, para akong batang mangmang na naghahanap ng sagot pero wala akong mahanap.

Naputol ang pag-iisip ko ng tumikhim si Lhander, hindi ko tuloy maiwasang pakatitigan siya at mapansin ang pagiging gwapong binata niya pero lahat naman sila ay iba ang gandang lalaki.

Their whole being speaks authority, ang pagkakaiba lang ay ang ugali nila. Mayroong seryoso at masiyahin.

"This man here is Altheo De Maunas, his grandfather were the founder of Liux Mafia. His son Altheo De Maunas ll handle the mafia when his father died in an accident but they presume it was a murder case but due to lack of evidences, the court denied the case. Altheo become unguarded, delinquent and thoughtless, their familia's enemy took advantage of the situation and took all their money including his poeple. He got depression and died after a year, little did he know he has son to one of her women. His son named Theo De Maunas discovered about their extinct mafia and tried to reinstitute their familia by eliminating us, he has plans to rob some money in your company abroad too. Christian Lee, your appointed CEO of Venom franchise were one of his men and has been stealing a hundred billion from your company. That incident happened last week were their tricked para mawala sa pansin mo ang nangyayari sa kumpanya mo " Mahabang litanya nito.

Halos manose-bleed ako kaka-intindi pero isa lang ang pumasok sa isip ko, Mafia, this gentleman here are group of Mafia organization.

Ang alam ko sa mafia ay grupo ng mga taong delikado, gumagawa ng mga illegal na gawain. Lalo tuloy akong nangamba para sa buhay ko, kung pwede lang ay maglaho nalang ako bigla. Ayoko na dito.

Tahimik lang ang lahat, hindi napapansin ang nanginginig na ako sa tabi nila, naiiyak nanaman ako. Walang hiyang luha ito, mga traidor!

"Relaxed yourself there woman. Prepare yourself because you're going with us." Malumanay ngunit malamig pa din nitong sabi.

"A-anong s-sasama? Saan niyo ko d-dalhin?" Nanginginig ang labing tanong ko.

"Were attacking my enemy, your co-members?" Nakangisi at tila nabubuhayang aniya.

"A-ano?! B-bakit pati ako k-kasama?! At saka ilang ulit ko ba dapat sabihin sa iyong hindi ako miyembro ng kahit anong m-mafia'ng sinasabi mo?!" Galit kong ani rito.

"Fine! Then your not. But you'll still be coming with us. I'll just have to be sure if you were one of them." Nakangisi nitong sabi.

"P-pero..." Pinutol niya ang noo'y pagtanggi ko sana.

The Possessive Mafia Babies (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon