"Behave yourself, will you?"
Sinamaan ko ng tingin si Fourth dahil busy siya sa pagre-review habang ako naman ay walang ginawa dito sa tabi niya kundi ang magbalanse ng water bottle sa balikat ko o 'di kaya sa ulo ko.
"Inaano ba kita diyan? Nananahimik ako dito, e," umirap ako.
He bit his lower lip, obviously holding back his annoyance towards me. I secretly celebrated inside me because I'm totally enjoying this. Ang saya palang panooring mainis 'tong hayop na 'to.
Bigla na lang siyang tumayo kaya tumayo na rin ako, handa nang sumunod sa kanya, pero sinamaan niya lang ako ng tingin, "No, you stay here. I'll review, so go away. Your face is killing every living braincells I have."
"Wow, may brain ka pala? Congrats," pang-aasar ko.
Inirapan niya naman ako kaya napanganga ako. Bigla niya na lang akong iniwan habang ako naman ay hindi pa rin maka-get over sa ginawa niyang pag-irap. Napaka-sungit niya talaga! Saan ba 'yon pinaglihi ng magulang niya? Nakakabilib rin minsan attitude niya, ah?
"Emerald? Emerald!" Napaigtad naman ako nang bigla na lang may yumakap sa 'kin na 'di ko naman kilala. "Oh my god, kailan ka nakauwi?! Ba't 'di mo man lang ako tinawagan or in-inform man lang?! Nakakatampo na, ah!"
I looked at her like she lost her head because never in my life I have ever seen her!
"Gulat ka na nahuli kita, 'no?" Sinundot niya pa ang tagiliran ko. Seriously, what the fvck is going on? "Wow, you got a new hairstyle! Bagay naman pala sa 'yo ang wavy! Bakit straight 'yong gusto mo dati-"
"Let's go," hindi na natapos nung babae ang sinasabi niya dahil bigla na lang sumulpot si Fourth at hinila ako palayo.
Nakakunot pa rin ang noo ko sa pagtataka hanggang sa makalabas na kami sa café. Hinila niya 'ko papasok sa kotse niya kaya wala akong nagawa. Hindi rin gumagana ng maayos ang utak ko dahil hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari sa loob ng café
"Who the hell was that?" Tanong ni Fourth na kakapasok lang ng sasakyan.
"Hindi ko rin alam! Bigla niya na lang akong niyakap! Nagulat ako dun, ah!" I said. He tilted his head as he started the engine. "Tapos ang weird dahil tinawag niya 'kong 'Emerald'. Duh, maling bato na naman ang nabanggit niya!" Sabi ko. Napansin ko na bigla siyang natigilan dahil sa huling sinabi ko. Ta's bigla ko na lang naalala na tinawag niya rin akong 'Emerald' nung una naming pagkikita. "Hindi ba tinawag mo rin akong 'Emerald' nung una tayong nagkita?" Paninigurado ko.
Hindi niya 'ko sinagot kaya napanguso ako. Napalingon naman siya bigla at kumunot ang noo nang mapatingin sa labi ko.
"Why are you pouting? Pangarap mo bang maging bibe?"
Napanganga ulit ako bago mahinang natawa, "Wow, ano 'yon? Joke ba 'yon?" I giggled. "Marunong ka palang magbiro? Isa pa nga."
He glared at me before he started the car.
"Shut up."
Napanguso na lang ulit ako dahil naramdaman ko na ang gutom. Grabe, hindi na nga ako nakapag-breakfast dahil hindi ako marunong magluto tapos hindi ko pa nakain ang brunch na in-order ko! Dinagdagan pa ng kasungitan ng hayop na nasa tabi ko!
"Stop pouting, will you?" Inis na singhal ni Fourth sa 'kin. Kanina ko pa napapansin 'to, ah. Ano ba naman 'yan, ngunguso ka na nga lang sisitahin ka pa.
"Gutom na 'ko," mas ngumuso pa ako dahil naramdaman ko na talaga ang pagkulo ng tiyan ko. "'Di ako nakapag-breakfast tapos 'di ko man lang nagalaw 'yong in-order ko," I pouted again.
YOU ARE READING
L I E S (ON-GOING)
Mystery / ThrillerLiving with lies is just like living in hell, knowing that the persons you trust the most are lying to you. It's harder to accept the truth especially when it has something to do with who you really are. Sabi nga nila 'mabuti ng mamuhay sa kasinunga...