Chapter 4

590 24 6
                                    

Xandra

Pagkatapos kong gawin ang mga ritwal ko ay humiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata. Pagod ako ngayong araw.

Pagod na pagod dahil sa mga nalaman ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapakali sa mga sinabi ni caleb saakin.

Like? Oo gago ang buong Class Z pero paano nila masasabing sila ang maykasalanan kaya namatay 'yong nag iisang babae sakanila dati?

Hindi naman ata tama na ibintang agad sa buong Class Z ang kasalanan lalo na't wala silang ebidensya. At isa pa aksidente lang ang nangyari kaya bakit kailangan gawin sa buong Class Z 'yon?

Hay bwiset! Lalong sumasakit 'yong ulo ko! Niyakap kona lang ang stitch ko at natulog na. Grabe pagod ko ngayon mga lods.

---

Nagising ako hindi dahil sa alarm o ano. Nagising ako dahil sa sakit ng katawan ko, tinignan ko ang orasan at 8:00 na. Jusko po late na naman ako!

Agad akong kumilos kahit na masakit ang katawan ko't masakit ang ulo. Inayos ko ang kama ko at pumasok na sa cr para gawin ang aking ritwal.

Pangatlong late kona 'to kingina. Nagmadali ako sa pagligo pagkatapos ay nagmadali akong magbihis. Lumabas na ako ng kwarto kasama 'yong bag ko at syempre kumain muna ako bago umalis.

Like duh? Okay lang malate atleast busog pagkapasok. Nagmadali akong kumain at pumara ng tricycle.

Syempre bago ako umalis ay siniguro kong nakalock lahat at nabigyan ko ng pagkain si oreo. Habang nasa tricycle ako roon na ako nag suklay dahil wala akong oras kanina para magsuklay kaya rito nalang atleast mahangin pa.

Sakto namang pagkatapos kong magsuklay ay siya namang pag hinto ng tricycle sa tapat ng campus kaya agad akong nag bayad at tumakbo sa loob. Binati ako ni kuyang guard pero hindi ko siya magawang mabati dahil nagmamadali ako.

Habang tumatakbo ako papunta sa building namin ay nadaan ko 'yong gym dahil maraming tao. Nakisingit muna ako sakanila at nakita ko ang mga kaklase ko sa loob. So wala palang klase dahil nandito sila?

Tangina nagmadali pa naman ako. At dahil nakisingit ako ay napunta ako sa harapan. Medyo nahihilo ako pero keri naman.

Naglalaro ng basketball ang buong Class Z laban sa kabilang building. Medyo mainit ang labanan dahil magkaharap ang captain ng kabila at si hades na siyang captain din na may hawak na bola. Nagkatitigan kami ni hades at ngumisi naman siya saakin.

Bigla akong nang hina at medyo kumikirot na 'yong ulo ko kaya nawala ang tingin ko sa laro. Napahawak ako sa ulo ko at ang paningin ko ay nagiging blurd na.

"Xandra tabi!"

"Xandra matatamaan ka ng bola!"

"Alis d'yan!"

"Xandra!"

May tumatawag saakin pero hindi ko ito malingon dahil sa sakit ng ulo ko at nang hihina kong katawan.

"Xandraaaaa!!!!"

At doon na may tumama saakin na bola. Natumba ako sa sahig pero ang paningin ko ay blurd pa rin hanggang ngayon.

May lumapit saaking mga lalake pero hindi ko maaninag ang mga mukha nila.

"Xandra?!"

"Fuck!"

"Okay ka lang ba? Xandra?!"

"Shit ang init!"

Class ZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon