"Ngayon mo palang ba makikita ang SB19 sa personal?" nakangiting tanong ni Ms. Claire kay Erin habang nakasunod
"Po?" gulat na tanong ni Erin
"Parang kinakabahan ka kasi"
"Ahhh, hahaha!"
"Chillax SB19 lang yan" nakangiting sabi ni Ms. Claire
*Hindi naman po ako kinakabahan makita sila, kinakabahan ako sa magiging reaksyon ni Ken jusko, imbis na masaya ako bat ganito? ha?*.Nakarating na sila sa tapat ng pinto ng conference room kung saan nasa loob ang SB19 at kitang kita niya kahit blurr ang salamin ang likod ni Ken na naka kulay itim
"Ah Ms. Claire tumatawag po ate ko pwede ko pong sagutin? Baka emergency po ee, may sakit po kasi siya ngayon" Kinakabahan niyang sabi
"Really? okay sige, tawagin nalang kita sa loob" sabi ni Ms. Claire sabay pasok sa loob.
"Kinakabahan ako na excited, gusto kong makita reaksyon niya, ano kaya reaksyon niya? kinakabahan ako na parang na tatae sakit na ng tiyan ko. Aaaaaaa ewan kooooo" sabi niya sa sarili niya habang nakasandal sa dingding na salamin habang nasa dibdib ang kamay at cellphone niya."Boys, kamusta?" nakangiting sabi niya
"Ms. Claire!" Sabi ni Stell
"Hi po Ms. Claire!" Sabi ni Justin
"Okay naman po kami dito, medyo hindi pa kami tapos sa kanta" sabi ni Sejun "Nga pala boys siguro na balitaan niyo na na may bagong assistant ako, and i want you to meet her" tahimik lang na nakikinig ang lima
"Ms. Agustin you may come in" nakangiting sabi ni Ms. Claire.
Huminga muna ng malalim si Erin bago pumasok sa conference room
"Meet Ms. Erin Agustin, simula ngayon makakatrabaho na natin siya, at kahit wala ako sa mga events niyo alam niyo naman diba busy rin ako sa wedding preps ko siya ang gagawa ng trabaho ko" nakangiting sabi ni Ms. Claire. Nag katinginan naman ang apat habang si Ken ay umiwas ng tingin kay Erin
"Mag pakilala ka sa kanila" sabi ni Ms. Claire
"Hi, kamusta ako nga pala si Erin Agustin, looking forward ako na makatrabaho kayong lahat!!" Masayang sabi ni Erin, natahimik naman ang lima kaya si Sejun na ang bumasag nito
"H-hiiii!! Nice to meet you!! Looking forward din ako na makasama ka sa trabaho! Welcome" masayang sabi ni Sejun
"Ahhh thank you!" Sabi naman ni Erin
"Oo haha welcome sa team!" Sabi ni Stell
"Alagaan mo kami ng mabuti Erin" mapanuksong ngiti naman ni Justin
"Ikaw na bahala samin ah" sabi naman ni Josh, nag sitinginan naman sila kay Ken na nakayuko pati si Erin
"Ken!!" Bulong ni Stell na katabi niya sabay tapik sa braso
"Ah. Oh welcome" sabi ni Ken sabay lihis ng tingin
"Ano yun?" Bulong ni Justin
"Yun lang?" sabi naman ni Josh
"Well, iwan na namin kayo at itotour ko pa si Erin dito" sabi mi Ms. Claire bago umalis.
*Ano yun? yun na yung reaksyon niya? blank face?, hindi niya ko kilala ganern? nasaktan ako doon ah!! Nakakainis? hindi yun yung expectation ko!
"Eriiin miss na kita bat nandito ka binibisita mo ba ako?!! sabay yakap niya sakin--- ayy hindi obvious na obvious naman siguro yun para kay Ms. Claire "Oh bat nandito ka? anong ginagawa mo dito?" Ano ba yan parang bumalik naman siya sa pagiging mainitin ang ulo--- ayyy iwan ko parang dissapointed ako, galit ba siya sakin? Ayaw niya ba akong makita???!!!*
"Erin nakikinig ka ba?" tanong ni Ms. Claire na nahalatang lutang si Erin
"Po? Ahhh s-sorry po, iniisip ko lang ate ko sa bahay" palusot ni Erin
"Well hindi naman talaga maiiwasang mag isip ka sa kamag anak mong may sakit at mag isa sa bahay but always remember this Erin be professional okay"
"O-opo, sorry po"
"Okay may iuutos ako sayo, bukas kasi gagamitin natin ang make up brush para sa pictorial ng SB19 sa bagong commercial nila so paki tignan lahat ng make ups natin baka may kulang and then report me if ever na may kulang okay?!"
"Yes Miss!" Sabay alis niya papunta sa dressing room. Nag lalakad na papunta sa dressing room si Erin mag isa at walang katao tao sa hallway ng bigla nalang siyang hinila sa isang storage room
"Ahhmaamajsbjjajakkk!!"
"Shhhh!! Wag kang maingay!!" Bulong ni Ken sa kanya na kanina pa nag hihintay sa may hallway
"GEzzzzz!!" Sabay hampas niya sa may dibdib ni Ken
"Ginulat mo ko!!!" Sabay hawak niya sa dibdib niya
"Ano? may gagawin pa ko!" Naiinis niyang sabi
"Mamaya na!!"
"Alis na kasi!!" Sabay tulak niya kay Ken papalayo pero niyakap siya nito
"H-hooy!! Anong drama to? Wag mo kong dramahan naiinis ako sayo"
"Ikaw na nga may kasalan sakin ikaw pa galit" sabi ni Ken, tinulak naman ni Erin si Ken
"Ano? akoo?"
"Oo, hindi mo kaya sinasagot tawag ko sayo!! Alam mo ba nakailang tawag ako sayo? Akala ko nag tatampo ka kasi natulogan kita noong isang gabi!"
"Waa ako pa talaga, excuse me no ikaw nga tong nakakainis eee tiniis kong hindi sagutin mga tawag at text mo para surpresahin na dito na ako nag tra-trabaho pero anong reaksyon yung kanina? "AH OH WELCOME" ano yun? hindi ka naman masaya nakita mo ko eee tssssk" sabay gaya pa ng boses ni Ken
"Nagulat rin kaya ako!!, Hindi ko lang pinahalata kasi nandoon si Ms. Claire, tsaka sino ba naman ang ayaw na katrabaho niya girlfriend niya? araw araw na kitang makikita tsaka makakasama"
"May day off ako" mataray niyang sabi
"Edi pupuntahan kita sa inyo pag di ako busy sa day off mo!, pero ito talaga, masaya ako kasi makakasama na kita" sabay yakap kay Erin
"Bagay sayo new look mo" sabi ni Ken habang naka yakap
"Wee di nga?"
"Oo nga, ang cute mo, may pa bangs bangs ka pa ha! Hahaha"
"Tsssk" nakangiting sabi ni Erin
"Ang saya ko talaga ngayon, namiss din kita" sabi ni Ken habang naka yakap pa kay Erin
"Talaga masaya ka?"
"Opo!"
"Nagulat ka kanina?"
"Opo!" Sabay kawala ni Erin sa yakap ni Ken
"Pano ang gulat, sige nga!" Natatawang sabi ni Erin.
BINABASA MO ANG
My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)
FanfictionOrdinaryong babae na nahulog sa isang idol pero habang tumatagal si idol nag kakagusto na rin. Ano kaya mangyayari sa lovestory ng pinaka sikat at ordinaryong babae? Wanna know? Go read this, enjoy❤️ i follow back❤️