CHAPTER 2

147 4 1
                                    




"Okay na siguro to" sabi niya sa sarili niya habang inaamoy ang adobong niluto niya. Nakabukas ang pinto ng guest house kaya pumasok na ito
"Hello po?" Dahan dahan siyang pumasok
"Ahmmm Sir? Maam? may Tao ba? Are you here? Is anybody here?" sabi niya sabay lapag sa lamesa ng tapper ware na may adobo
"Sino ka?" biglang may nag salita sa likod niya kaya nagulat ito
"Mamaaaaaa!!!" Sigaw niya
"Ohhhh!! kalma.. sorry nagulat kita" sabi ni Sejun
"Sino yun?" Biglang sulpot ni Justin
*Teka parang pamilyar sila!!* sabi niya sa isip niya habang sinusubukan na alalahanin saan niya nakita ang mga kaharap niya
"Nandito na ba yung mag lilinis?" Paika ikang nag lakad si Stell palabas ng kwarto niya sumunod naman si Josh
"Ohhh miss okay kana?" tanong niya. Hindi naman makapag salita si Erin dahil inaalala pa rin niya ang apat na nasa harap niya habang tinititigan ang mga ito
"Teka!! Kayo yunnn!!! pero lima kayo diba?" Habang turo turo niya ang apat
"Ha?" Sabi ni Josh
"kilala niyo po kami?" Tanong ni Sejun
"Oh bat nandito kayo?" tanong ni Ken habang nakahubad pang itaas
"Woahhh!!!" Sabay talikod ni Erin kaya napatingin si Ken sa kanya
"Hoy mag damit ka nga!" Sabi ni Justin sabay tapon ng maliit na tuwalya kay Ken. Nasa sala silang lima habang si Erin ay nakaupo rin kaharap ang lima
"So ikaw pala yung kapatid ni ate Glaz" pambabasag ng katahimikan ni Sejun
"Oo" mahinhing sabi ni Erin sabay ngiti ng awkward
"Ikaw rin yung mag lilinis ng kalat dito sa bahay" sabi ni Justin
"Oo"
"At ikaw rin yung sumuka sa harapan ko kagabi" sabi ni Ken
"Oo----"
"Ano?" Sabay sabay na tanong ni Sejun, Stell at Justin
"Ano kasi-- ano hindi ko naman sinasadya talaga yun eee, lasing lang talaga" kabadong pag papaliwanag ni Erin
"Kaya pala ang baho ng kabilang cr" sabi ni Justin
"Sorry na!!--- ahhh nag dala ako ng adobo, peace offering ko" nakangiting sabi ni Erin pero kinakabahan parin ito
"Uyyy, tara kain na tayo!!" Sabi ni Stell
"Teka mamaya na!" Pamimigil ni Ken
"B-bakit?" Tanong ni Erin
"Ikaw mag lilinis dito diba?" tumango si Erin habang nakatingin kay Ken
"Ahhh tama may nga rules lang kami dito" sabi ni Sejun
"A-ano"
"Wag mo sanang ipo-post sa social media kung nasaan kami ngayon, medyo kasi---"
"Alam ko wag kang mag alala, tsaka hindi niyo naman ako die hard fan medyo kilala ko lang kayo kaibigan ko patay na patay sa inyo" pamumutol ni Erin kay Sejun habang nakangiti
"Wag mo rin sana akong kukunan ng mga stolen pic or kaming lima, hanggat nandito kami hindi pa kasi ako medyo komportable" mahinahong sabi ni Josh
"Okay" simpleng sagot ni Erin habang nakangiti
"Ahhh ako ano siguro ano nalang, sana malinis po yung kwarto namin ni Sejun" Tumango naman si Erin sabay tingin kay Stell
"Ah ako wala akong rules gusto ko lang na eenjoy ang 3weeks vacation namin" nakangiting sabi ni Stell
"At lalong lalo na wag maingay!!!" Biglang sabi ni Ken
"Waaaa ako pa talaga ang maingay!!" Bulong niya
"Ano?" naka kunot noong sabi ni Ken
"Sabi ko lalamig na ang adobo, hindi masarap pag malamig na" sabi ni Erin.



Nasa hapag na sila at hinihintay ni Erin ang mga sasabihin nila sa niluto niya
"Mmmm ang sarap naman" sabi ni Stell
"Oo nga, pwede ba ikaw nalang cook namin?" sabi ni Justin
"Anong masarap ee ang alat nga eee" sabi ni Ken
"Hoooyyy!!" Bulong ni Justin
"Hindi, wag ka maniwala kay Ken duling lang yang dila niya, masarap" sabay thumbs up ni Sejun
"Duling? Papano?" bulong ni Ken
"Mabuti pa kayo naaaprecciate luto ko di gaya ng iba dyan!" Sabi ni Erin sabay irap
"Ako ba pinaparinggan mo?" Sabi ni Ken
"Aba uso umilag pre!" Sabi ni Erin
"Tsssssk!" Sabay walk out ni Ken
"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Justin
"Hayaan mo na yun baka may tupak lang" sabi ni Stell
"Ikaw kumain ka na rin!!" Sabi ni Sejun.
Habang nag pupunas ng plato si Erin biglang lumapit si Stell sa kanya habang pa ika ikang nag lalakad
"Tulongan na kita" sabi ni Stell
"Ha? ahh hindi na wag na, kaya ko naman eee" sabi ni Erin
"Di okay lang wala naman akong magawa eee" sabay kuha ni Stell ng pamunas at plato
"Ahh sige"
"Nag aaral ka pa ba?" Tanong ni Stell
"Ahh oo, graduating na"
"Ahh ilang taon kana?"
"Mag 2-23 na ko this year" sabi ni Erin
"Mmm, mas matanda pa pala ako sayo uyyy pero wag mo na akong tawaging kuya ha hahaha"
"Hahaha sige sabi mo yan ah" sabi ni Erin nakita ni Ken si Erin at Stell na nag tatawanan
"Tssskkk!" Sabay pasok ulit sa kwarto niya.



Makalipas ang ilang araw na si Erin ang naglilinis ng bahay ng lima naging close na din siya sa mga ito at minsan siya na rin ang nag luluto sa lima.
Kakatapos niya lang mag linis ng guest house kaya pinag hahanda niya ng meryenda ang mga bagong kaibigan niya. Nag hihiwa si Erin ng apple habang si Stell ay kumakain ng strawberry
"Matamis?" Tanong ni Erin
"Mmm subukan mo ohhh" sabay bigay ng strawberry
"Oo nga" nakangiting sabi ni Erin
"Ako rin Stell suboan mo ko ng strawberry!!" sabi ni Sejun
"Kumuha ka ng sayo uyy!"
"Ee bakit si Erin sinusuboan mo?" sabi ni Sejun sabay labasan ng tatlo
"E kasi nag babalat siya ng apple kaya sinubuan ko na! ikaw malisya ka talaga!!" Sabi ni Stell
"Uyyy pahingi" sabi ni Justin
"Oh ba! Ito ohhh" sabi ni Erin sabay bigay ng malaking hiwa ng apple, kumuha na rin si Josh ng strawberry at isang hiwa ng apple
"So anong plano natin? di ba tayo mag b-beach? hindi mo ba kami ito-tour Erin?" sabi ni Josh sabay kagat ng apple
"Itour? sige ba saan niyo gusto?"
"Ayun, bukas maligo tayo sa dagat!!!" Sabi ni Justin
"Sige ba, kaso papano kung may makakita satin?" sabi ni Sejun
"Ahhhh alam ko na! May private resort yung friend ni Glaz, pwede akong mag request doon na tayo tayo lang-- malapit lang naman yun dito eee" sabi ni Erin
"Talaga? ano game?" Excited na sabi ni Justin
"Sige gameeee!!" Sabi ng lahat.
"Close ka na pala sa mga guest natin?" sabi ni Glaz
"Mababait naman sila eee pwera lang sa isa" sabi ni Erin
"Ha? sino?"
"Si manok" sabi ni Erin
"Manok? teka may dala silang manok?"
"Mmm isa sa mga member nila"
"Ha? bat diko nakita noong dumating sila?" Biglang nag ring ang cellphone ni Erin kaya agad niya itong sinagot
"Oh Kate bakit?"
"Samahan mo ko total ikaw naman marunong sa mga make up na yan, samahan mo ko dali treat kita" sabi ni Kate
"Talaga? teka para saan ba yan?"
"Ahh may blind date kasi ako, kaya mag aayos lang ng unti!"
"Uyyyyy mag kakaboyfriend na isa sa bestfriend koooo"
"Ano ka ba, sige na halika na!" Agad na umalis si Erin ng bahay, habang iniinom ni Ken ang softdrinks niya at nakapamulsa ang isang kamay nakita niya si Erin papalabas ng gate
"Lakwatsera talaga tong babaeng to" sabi ni Ken sabay alis sa harap ng bintana. Gabi na at tapos na silang mamili ng kailangan ni Kate
"Sigurado ka ayaw mo ng mag pahatid sa inyo?" sabi ni Kate habang nakapulopot ang kamay niya sa braso ni Erin at bitbit ang shopping bag sa kabilang kamay
"Malapit lang naman yung bahay namin no tsaka palakas na ng palakas ang ulan, mauna ka na" sabi ni Erin
"Sure ka ha!" Paninigurado ni Kate
"Mmmm tawagan mo ko kung nakauwi ka na okay?!"
"Sige babye ingat!" sabi ni Kate sabay alis. Nag hintay pa ng kaunti si Erin para tumila ang ulan pero lumakas pa ito ng lumakas kaya medyo na babasa na siya at giniginaw dahil sa aircon ng mall na lumalabas
"ACHUUUU~~~ ahhh excuse me" sabi niya sabay ihamas ng mag kabilang braso niya
"Nako naman!! tawagan ko si paminta" sabay kuha niya ng cellphone pero may nakasagi sa kanya kaya nahulog niya ang cellphone niya at nabasa
"Sorry miss" sabi ng nakasagi
"Ahh okay lang" awkward na ngiti niya
"Hayyyyy pag minamalas ka naman talaga ohhhh hoooy bumukas kaaaa!!--- ahhh ewan ko bahala na" sabay tabon niya sa ulo at akmang tatakbo pero nagulat siya dahil may humatak sa jacket niya pa balik kaya napasandal siya sa dibdib ng taong humila sa kanya, tinignan naman siya ng taong yun kaya nag ka titigan sila habang nakasandal pa siya sa dibdib ng lalaking humila sa kanya pabalik.

My Boyfriend is a Ppop Idol (SB19 FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon