TPT 3

6 0 0
                                    

Halos ilang linggo na ang lumipas, wala parin kaming prof sa unang subject. Hindi na kami nagpetition o nagreklamo, sanay na kami.

Maganda naman ang school namin. Maganda ang facilities, hindi kataasan ang mga building pero malawak ito, may garden, may stage, may simbahan, at malawak na space para sa outdoor events. Nakakatanggap ang school na ito ng mga awards, both international at local. Kung hindi ka nagaaral dito, aakalain mong perpekto ito. Pero pag nararanasan mo na mismo ang bulok na sistema, aayawan mo na lang din at baka lumipat ka pa ng school.

I really wanted to transfer to another university, kaso hindi ko maiwan ang mga kaibigan ko. Gusto nila na sa YIU magtapos ng college--mali, gusto ng parents nila na dito magtapos ang mga anak nila.

"Ma, alis na ho ako." Paalam ko sa aking nanay.

"Mag-ingat ka."

Pinuntahan ko sya sa kusina para i-kiss sa noo. "Mag-iingat po ako." Tumango lang sya bilang sagot.

Palabas na sana ako ng kusina nang makita ko ang lunchbox sa lamesa. Napangiti ako nang makita kong may laman itong pagkain at nakaready na.

"Dadalhin ko po itong lunchbox ma."

Hindi ko na sya hinintay pa na sumagot, kinuha ko na ito at umalis nang tuluyan.

Malayo sa mismong kalsada ang bahay namin kaya naglakad pa ako bago makasakay sa jeep.

Tirik ang araw at tagaktak na ang pawis ko. Pero wala akong pakielam, yakap yakap ang lunchbox na ginawa ni mama ay masaya akong nakatanaw sa bintana.

Ang mga bahay ay unti-unting napalitan ng mga puno't bakanteng lote. Mabuti na lamang at Sabado, hindi gaanong mabigat ang trapiko. Usually kasi, one hour ang byahe ngayon ay 30 minutes lang.

"Oh, mukhang matagal kang hindi nakadalaw dito ah." Bati sa akin ng police guard.

"Kaya nga po eh. Naging busy lang po."

"Mukhang masarap yan ah." Tukoy nya sa lunchbox na dala ko.

Ngumiti ako. "Syempre po, si mama ang naghanda nito."

Nginitian nya lamang ako atsaka pinapasok.

Kinapkapan ako ng isa pang police at pinapirma sakanilang logbook. Pagkatapos ay pinapasok na nila ako sa loob.

Ilang buwan na ba akong hindi nakakabisita? Nasa limang buwan na ba?

Pinaupo ako ng police sa usual spot kung saan kami naguusap ni papa. Ilang minuto lang ay pumasok si papa. Agad ko syang niyakap, niyakap nya naman ako pabalik.

"Ang laki-laki na ng anak ko ah."

Ilang months lang akong hindi nakadalaw pero miss na miss ko ang yakap nya. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha saking mata. I bit my lower lip so I can prevent it to drop. Naramdaman ko ang paghaplos ng kanyang kamay sa 'king likod. Napalunok ako upang pigilan muli ang nagbabadyang pagtulo ng luha ko. Hindi nya ako pwedeng makitang mahina, ako na lang ang nasasandalan nya.

Kumawala ako sa pagkakayakap. "Ano ba yan pa, hindi ako makahinga sa yakap mo."

Naupo kaming pareho, magkatapat. "Mukhang busy ka sa pagaaral ah."

Nakayuko lamang ako. Hindi ko kayang titigan sya, pakiramdam ko maiiyak ako pag tinignan ko sya. "Opo eh, sorry po kung ngayon lang po ako ulit nakadalaw."

Tinuon ko ang atensyon ko sa pagaayos ng dala kong pagkain.

"Magaral kang mabuti, anak. Wag kang gumaya sa tatay mo."

I again bit my lower lip. "Scholar yata 'to pa!" Pagmamalaki ko. "Saka....wala namang mali sayo." Halos pabulong kong sinabi.

Ilang sandali kaming natahimik. He cleared his throat.

"Ka...kamusta ang nanay mo?"

Natigilan ako. Ramdam ko ang lungkot sa tono ng kanyang boses. Doon na ako napatingala sakanya, nasa pagkain ang tingin nya.

Inobserbahan ko si papa. Namayat ito, medyo malago na ang kanyang balbas at bigote. Mukha rin syang puyat.

Napabuntong hininga ako.

"Okay naman si mama." Nagsimula kaming kumain.

Hindi ko maiwasang malungkot. Simula kasi nung guilty ang hatol ng judge kay papa, hindi na sila naging maayos ni mama. Hindi rin bumibisita si mama kay papa mula noon.

Medyo naiinis ako, kasi sumuko na si mama. Pero ako, naniniwala akong inosente si papa. Sadyang malakas lang ang kapit ng umaakusa sakanya sa korte. Tsk, hindi na ako magtataka dahil nasa politika ang kabilang panig. Sino ba naman kami? Simpleng mamamayan lang. Hindi rin kami mayaman. Pero ilalaban ko 'to, may pagasa pa naman. Alam kong mapapawalang sala ang tatay ko at tanging tunay na hustisya ang mananaig.

Kakapit ako sa pangako ni Leen.

"Kapit lang tayo pa."

"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
THE "perfect" TOWNWhere stories live. Discover now