TPT 5

10 0 4
                                    

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Ilang beses na kaming nakapunta dito pero hindi pa kami sanay. Ang atmosphere dito ay hindi ko kinakaya.

Tahimik kaming nakaupo sa may living room, kami ni Leen. Ito kasing si Ken, pa-espesyal masyado. Halo-halo ka boy?

Dumating ang kasambahay nila, naglapg sya ng pagkain sa round table saming harapan. Wala itong kibo habang ginagawa ang trabaho nya. I'm about to say thank you when Ken came in. Umalis ang katulong nila.

I sighed.

"Finally, Nek Nosus!" Kung wala kami dito, baka nasigawan na naman nya ang kaibigan.

"Wag kang maingay, bawal maingay dito." Sabi ni Ken na may kaunting pagsaway. Halata namang bawal ang maingay dito, sobrang tahimik, aircon lang naririnig ko.

"Can we leave now?" I asked. Ayoko dito noh.

"Teka..." Binaba ni Leen ang kinakain nyang tinapay. "...naiihi ako. Pa-CR muna."

Naiwan ako sa living room. Sinamahan nya si Leen papuntang CR. Don't get us wrong. Kabisado naman namin ang first floor ng bahay nila pero kung ako si Leen, magpapasama talaga ako. Ewan ko ba, wala akong tiwala sa mga tao sa bahay na ito, maski sa maids nila. Buti na nga lang at wala ang parents ni Ken. I would never want to cross paths with them.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. This house is really beautiful. High ceiling, big and grand staircase, mataas din ang mga bintana, tanaw mo mula sa loob ang garden, may pools and their interior design is a combinations of antique and modern.

Nanatili ang tingin ko sa my garden. Ganito yung gusto kong bahay eh, may malaking garden. Napapitlag ako nang may biglang sumilip mula sa puno pero nawala rin agad.

Sino 'yon?

Hindi ko nakita ang mukha nya. Nakafacemask kasi sya at may bonet. Gagi magnanakaw ba yon? Ang sabi kasi ni Ken maids at sya lang daw ang nandito ngayon.

Napatayo ako upang puntahan ito sa labas nang biglang dumating sila Ken.

"Oh, bakit?" Tanong ni Ken sakin.

"Parang may tao.." nanatili sa labas ang tingin ko.

Hinawakan ako ni Leen sa braso. "Tara na Josh."

Napagpasyahan naming umalis na at huwag intindihin ang nakita ko.

May pagkamalayo ang bahay ni Ken sa mismong bayan. Kapag nag-commute lang, siguro nasa dalawang oras ang byahe pero dahil yayamanin sila, nagpahatid kami sakanilang driver.

"Hay sa wakas! Dumating din kayo. Wala na, lumamig na mga pagkain." Bungad samin ni Pablo. Nakapamewang pa nga hahahaha!

"Huwag ka ngang highblood." Kinuha ni Ken ang isang party hat na nakapatong sa lamesa, sinuot nya ito. "Happy birthday sakin!" Sigaw nito at nagpogi pose pa.

Lumabas si mama mula sa kusina, may dala syang bagong lutong pasta. "Happy birthday, Ken." Bati nya.

"Yiiee.." niyakap niya si mama. "I feel the love!"

"Nako, ikaw talagang bata ka." Si Ken na ang nagbuhat ng dala ni mama at naglapag sa lamesa.

Napangiti ako habang pinagmamasdan sila. At least, I know that Ken really feel at home. Masaya akong tinuturing syang parang anak ni mama, lahat sila. I can see happiness through his eyes. And I don't want it to vanish.

Ang kwento ni Ken sa'min noon ay wala sakanila ng nagse-celebrate ng kanyang birthday. Nung una nagulat ako syempre, parang nasa kanya na kaya ang lahat. Mayaman sila, matalino sya, gwapo, mabait...pero nagkamali ako, may kulang pala.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE "perfect" TOWNWhere stories live. Discover now