Chapter 1: FACE OF THE ACADEMY

133 5 2
                                    

AFTER STORY

Written by: Maryl Arisana

~No Prologue~

Chapter I : FACE OF THE ACADEMY

Maryl’s POV

“anu ba!bitiwan mo nga ako!nasa library tayo tapos nanggugulo ka?!pwede ba!tantanan mo nga ako!”sabi ni sheena. Kaibigan ko. Eto talagang si Sheena, masyadong pakipot. E gusto niya naman si Ian, naku!

Nag-aaral yung tao, kailangan may sagabal?!tumayo ako pagkatapos nagpasya akong lumayas na sa pagitan ng dalawang yun, nakakarindi sa tenga!paglabas ko sa ASDFGHJKL library, bumungad na naman sa akin ang nagkumpol-kumpol na tao sa may harap ng bulletin board.

“-____- anong meron?!”tanong ko dun sa kalalabas palang na tao mula sa library.

“….”pero wala akong natanggap na sagot, sa halip nakita ko lang na nakanganga na siya. Lechugas!>3> kelangang ngumanga sa harapan ko?

Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad, at dahil matangkad ako. Nakita ko kaagad kung ano yung nakapaskil, oh! FACE OF THE ACADEMY? Mga pauso talaga ng school oh! Wala akong balak tignan yan. Malamang nakapaskil na naman ang pangalan ko diyan. Pustahan tayo! Nasa No. 1 pa.

Nakakailang hakbang palang ako narinig ko na yung bulungan ng mga estudyante..

“what?si Miss Tan na naman?”

“whoa!No. 1 na naman si Maris!” yeah! They call me Maris, yun ang endearment nila sa akin. Short for Maryl Arisana, wala naman kasi akong pinahihintulutan na tumawag ng ganun sa akin. Except him.

Speaking of him, nakikita ko na siyang papalakad papunta sa akin.

Suot-suot niya yung backpack niya, tapos napakagwapo niya talagang tignan sa suot niya. Naka varsity cheverloo lang naman kasi siya, and I bet. Kakatapos lang ng game nila.

“hello baby!”bati niya sa akin. Punyemas!wala na yatang tatalo pa sa kagwapuhan ng boyfriend ko!muahahaha! ang swerte ko talaga!

“hi din baby!”tapos inakbayan niya ako. Eek!buti nalang bagong ligo to kundi naku, tinulak ko na to. Ayoko namang madaplisan ng pawis niya kahit mahal ko yan!^__^v

“ano yung pinagkakaguluhan nila?”tanong niya sa akin..

“the usual type. Face of the Academy. You know! Ayoko na ngang sumali dun. Pwede naman na sila Ara, si Sheena, e bakit ako pa?!i mean, lahat naman talaga kami kasali dun. Pero ayoko na talagang makita pa yung pangalan ko dun.please lang!”

Tumigil siya sa paglalakad pagkatapos iniharap niya ako sakanya at hinalikan ang dulo ng ilong ko.

O_O omo!PDA!

“wag ka ng magreklamo. Dapat naman talagang nandun ka.ipagpatuloy mo nalang. I love you so much Maryl Arisana Tan..”

>///< ang lechugas!bakit ba ang sweet ng boyfriend ko!

“I love you too Leo Aaron Hong.”sabi ko sakanya.

“tirik na tirik ang araw!nilalanggam ako sa inyo!maghiwalay nga kayo!shooo!”dumating si Ara, Athena Rachelle Dayerno. Kaibigan ko.

Actually 4 kaming magkakaibigan. Si Anastasya Sheena Zhang, at Anastacia Jamie Zhang magkapatid.

Tapos si Ara. At ako.kaso wala si Ajai, asa Harvard siya nag-aral!XD

“panira ka ng moment!”binatukan ko nga!kung kelan nagmomoment yung tao saka sumulpot!=P

“itatakas ko nalang muna tong girlfriend ko!paalam ara!”hinawakan niya yung kamay ko saka kami tumakbo palabas ng campus, pakiramdam ko namumula na talaga ako.daig ko pa ang kamatis. Pinagtitinginan kami ng mga tao. Kasalukuyan lang naman kasi kaming magkaholding hands ngayon ng sizzling hot na boyfriend ko!muahahah!oh ayan!mainggit kayo!CHOS!

AFTER STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon