5🦄

58 18 21
                                    

I pushed him quickly to get away.

I don't know why, but I suddenly felt a weakening of my knee. Those eyes, as if pulling me to sleep. Fortunately, he didn't carve me anymore. Instead, pumunta siya sa kusina para uminom na lang ng tubig.

I suddenly felt relieved. I guess I'm just over reacting to how he treats me. Kailangan kong masanay to vibe with him. I try to think that everything he says is just a joke because that's how it used to be.

"Gutom ka na ba? Baka matagalan pa si Fin, lalo na at medyo

nagkakalabuan ata sila ng jowa niya." I immediately composed myself not to worry about what I'm thinking. Ako lang nagpapahirap sa sarili ko eh.

"Hintayin na lang natin si Fin, baka parating na rin." He nodded before turning to his closet to find a shirt to wear.

"Wait ka lang diyan ha, liligo lang ako." paalam niya.

"Sige lang, take your time. I'm not your responsibility." Lumingon siya sa akin. Na para bang may masama akong nasabi.

"Bakit, gusto mo sumama? Pwede rin may tiga-hilod ako." His reaction was so emotionless as if he had just said it normally.

"No thanks." tipid kong sagot. Medyo naiilang pa ako sa nangyari kanina.

Alas 6 na nang hapon pagabi na dahil medyo madilim na mula sa labas. I can see the city lights from their sliding window. Isang room lang ang apartment na tinitirahan nilang dalawa.

One room belongs to Fin while the opening bed belongs to Scytrix. It's arranged intentionally because it looks like a space for a sala set.

Naiwan akong mag-isa sa sala. So I stood up to roam around the room. The room is normal, a simple room for a two-guy. Walang masyadong kagamitan, well, what do you expect, sa mga lalaki? They're not the type of person that will try to beautify their room...Well, maybe there's some.

Sa pag-iikot ay napansin ko ang litrato na nakalagay sa maliit na lamesa malapit sa drawer ni Scytrix. It's a picture of him together with a woman and a little girl. Well, the girl seems familiar.

Napabalik ako nang tingin sa itsura ng batang babaeng katabi niya. That's the child I saved!

I can't believe it, kapatid niya ba ito? I can see their resemblance and the woman's face... I don't know how to name it, but she looks sad. She looked hurt, and at the same time she had sores on her face and she was quite thin. She wasn't smiling either in the picture.

However, this picture wants to tell something. They all looked unhappy and miserable. Muntik ko pang masagi ang picture frame buti na lamang ay hindi natuluyang bumagsak. I don't know why I was surprised when they opened the door, when in fact they couldn't see me. Lutang ka ba Siri?

Nagulat ako nang makilala ang kasama ni Fin. Tumatawa pa silang pumasok sa loob bago inilapag ang mga pinamili.

I'm right. Si Gigi ang girlfriend ni Fin.

It was as if something had pierced my throat when I saw them smiling. I can't watch them anymore, I'm embarrassed, I don't seem to belong. And of course it's quite painful for me to see my bestfriend getting along with my ultimate crush. Wala eh, patay ka na. That's life, wala kang hawak sa kung ano man ang desisyon nila.

Para hindi tuluyang malungkot I decided to go out first. Ayokong masilayan pa ang mga precious moment nila together na parang ako ang viewer nilang dalawa.

I sighed.

Kaagad akong tumagos palabas, nagpasya akong maglakad lakad. Para na rin maging familiar ako sa lugar.

Naisip kong puntahan ang bahay namin to visit my family. Sa sobrang saya ko sa paglalakad naisip ko na hindi pala ako nakapag-paalam kay Scytrix na lalabas. But I think hindi naman siya magagalit, saglit lang naman ako. As if naman napakaimportante kong multo.

Maraming nagbago mula sa daan, sa infrastructures na bagong patayo lamang. I miss walking around this city, pakiramdam ko kahit patay na ako ay parang buhay na buhay pa rin ako. I couldn't imagine myself when I'm still alive to be this free. Not that, I'm a prisoner sa bahay, minsan pinapayagan but I have my curfew.

I belong to a very strict family.

Natutuwa ako kapag tumatagos ako sa mga sasakyan na hindi man lang nakakaramdam ng sakit mula sa pagkakabangga. It's not bad to be a ghost. I giggled. On my way to our house, may nadaanan akong bakery. Sa tingin ko ay bago lang, so I decided to enter to have a taste for my favorite.

Hesitant ako nang itagos ko ang kamay ko para sana kumuha ng cupcake. It's an act of stealing Siri! Baka hindi ka na talaga makapasok sa langit!

Nalungkot ako, but I really want to taste this blueberry cheesecake...hindi naman nila ako maririnig kahit magpaalam at bumili ako.

I'm about to get the blueberry cheecake. But I suddenly wondered when I couldn't get it. Tumatagos lang sa kamay ko! Bakit?

In my frustration and my eagerness to get this blueberry cheesecake I tried to focus but nothing happened.

Pero bakit kanina nakakakain pa ako! Maybe I will try later pag-uwi. Mabilis akong naglakad papalapit sa bahay para tumagos. But a strong bond stopped me. What the heck! I tried again but I failed to enter our house. Nakapagtataka, napaisip ako. Mabilis akong tumakbo pauwi sa apartment. I'm afraid I might not be able to enter Fin's apartment!

I speed up para makabalik nang mabilis, perks of being a ghost. Kahit saan pwedeng tumagos. Hinihingal akong nakarating sa tapat ng pinto sa apartment. I close my eyes before I slowly try to enter. Hindi ako makapaniwalang nakapasok ako, pero bakit sa labas hindi? Weird. Napangiti pa ako nang makapasok, kaso lang ay napatalon ako sa biglaang pagbukas ng pinto at hinihingal na si Scytrix ang iniluwa nito.

Kaagad nanlaki ang mata niya nang makita ako. I know that he'd finished taking a bath but how come he was very sweaty and looked like kagagaling niya sa matinding pagtakbo.

Hindi kaya'y hinanap niya ako? Bakit naman?

Kaming dalawa lang ang tao sa dito, mukhang nasa kwarto ang dalawa. Kumirot agad ang puso ko sa naisip. Nang tignan kong muli si Scytrix ay namumula na ang tainga niya bago naglakad papalapit sa akin. Nanlaki ang mata ko nang hapitin niya ang bewang ko papalapit sa kaniya.

"Huwag mo na ulit subukang mawala sa paningin ko. Pasaway kang multo ka, nag-alala ako." after he said those words, he immediately grab my waist totally to align with his. Not letting me to talk back.

He hugged me effortlessly, my heartbeat increased rapidly when he spoke once again in the side of my ear.

"Dito ka lang, huwag kang aalis sa tabi ko." pakiramdam ko tumaas lahat ng balahibo ko. Parte pa rin ba ito ng pagiging bolero niya?

How does a joke make my heart beat faster? What a sincere joke, it makes my heart melt.

Itutuloy.....

The Adventure of Soulsiri(COMPLETED) Where stories live. Discover now