Mababait na Nilalang
Today 14:34
Ruru:
gusto ko lang ichika @Nana na tinigil namin ni momo ang mga work namin para i-like yung pagiging martyr mo sa twitter xD
sklMomo:
HAHAHAHAHAHANana:
Masaya naman talaga ako para sa kanila. 🥺Ruru:
yung masaya pero naka 🥺
geh xDMomo:
Ate wala kang maloloko sa amin dito
Tayong tatlo na lang nandito sa gc naglolokohan pa ba tayo??
HahahaNana:
Wala naman kasi akong magagawa? Si Baste talaga at Ate Nice ang bagay. Sila talaga yon. Highschool pa lang, sila na. Anong panama ko sa ganon katagal na relationship? Bunso nga lang tingin sa akin e. 🙃Hindi naman ako umaasa na mag-break sila pero ito na kasi yon e kaya masakit din talaga?
Ruru:
oks lang naman masaktan
siguro wag ka lang magpanggap na masaya ka rin????
ata??Nana:
Ano bang dapat na i-react ko sa kanila? :(Ruru:
angry reax
HAHAHA
chzMomo:
Hahahaha
Kasi ate, ikaw lang din tumutusok sa sarili mong sugat sa pagreply pa sa kanya
Pupunta pa ng why!!
@.@
Di ka ba napapagod masaktan?
Ayoko sana iopen pero pag nasa cr ka, we can hear your sobbing 😔
Gusto naming iiyak mo lang yung sakit pero a week and a half ago na rin kasi since the news
And lumalapit ka pa rin kay basteNana:
Thanks for letting me cry 🥺Hindi ko lang din kasi pwedeng hindi siya replyan? Alam nyo namang hindi ako mapakali kapag hindi ako nagrereply sa mga messages or tweets. Naba-bother akong mang-snob?
Ruru:
samantalang kami, hindi nirereplyan?!?!?
hindi ka ba bothered na di mo nireplyan si The Momo?! :))
dami daming naghahangad ng tweet reply nyan tapos ikaw . . .
tsk tsk! xDMomo:
Gagu! hahahaNana:
Kayo naman yan e. Okay lang yan. 😆Momo:
Pero ate kasi iwasan mo na siya ☹️Nana:
Okay lang ako.
Magiging okay din ako, promise! 🥰Ruru:
haysxt
@Momo anong oras ka uwi?Momo:
7pm siguro
BakitRuru:
uwi rin ako maaga maya
samahan mo ako pagawa tayo rebulto ng martyr mong tropa xDMomo:
HAHAHA
St nana the martyr na yang si ateNana:
Ang sama! 😆Ruru:
iwan mo na yang y mamaya @Nana
sama ka samin ni momo
ikaw ung itatayo namin sa monumento xDMomo:
Hahaha
Okay okay ganito ate
Decide ka na sa xylo
Baka maubos ko na tong pera ko kaka-eshop 😆Nana:
Nag-decide na ako last time pa. No pa rin sa bar. Sa cafe mo na lang igastos yang pera nyo please? 😁
#SNMSL1
#ychronicles
BINABASA MO ANG
siklab na may sakdal laya (epistolary)
Romance❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boys Series MNR COLLABORATION with @cappuchienooo & @nayinK