Mababait na Nilalang
Today 19:19
Ruru:
may naisip ako!!Momo:
Habang nasa CR ka???
Lumabas ka na lang para mag usap tayo dito
HahahaRuru:
nooo! mas nakakaisip ako sa loob ng cr haha
eniweiz
napapaisip kasi ako dito kay koya pakboyMomo:
Why
AnmeronRuru:
napapaisip din ako in general
ano ba ang stalker? ano ang creepy? nasaan yong line between sa dalawang yon?Nana:
Siya. Both.Ruru:
pero di ba tayo
we "stalk" people online kaya alam natin nangyayari sa kanila
encouraged nga sa hr na "iistalk" yong applicants para makilala sila
pero bat nagiging creepy?Momo:
Well
First and foremost
Importante ang consent
May consent ba si fuccboi dungis to add her linkedin?
To go to Why??Nana:
😅Ruru:
well technically rin
public coffee shop ang y
at simula nung pumunta si koya pakboy
wala naman siyang ginawa kundi maging customer
ay wait!
nag bartender din pala kasi hindi maaasahan tong staff ng taon ni nana 😆Momo:
Eh
But he's still fishy
How did he know na si ate nagmamanage ng Why
Bakit of all the times, now lang siya dumating sa Why?Ruru:
di ba inadd niya si nana sa linkedin? baka andon?Nana:
Wala doon. Matagal ko nang hindi naa-update yong linkedin ko. Last update doon nung kaka-resign ko lang to manage the cafe. Wala pang bakas ng cafe sa linkedin.Momo:
And! Paano nya nalaman yong name ni ate para mahanap sa linkedin?
Di ba you didnt tell him your name ate?Nana:
Hindi. 🙃Ruru:
ay ano ba yan ang stalker nga 😆
pero napapaisip din ako
kapag pogi, iisipin natin "fate" na nagkita ulit
bakit kapag tatuan, stalker na agad?! HUHU xDMomo:
Well
Pogi man or not, we should be wary
Hindi dapat open arms lagi
Kaya ingat ate nana!
Do you want me to hire a bodyguard for you?
Ano ba kasing pinag usapan nyo sa versus?Nana:
Wala...Momo:
Then how did he know where you're working??Nana:
Si Rayne, nagtext. 😳Ruru:
ansabeNana:
Momo:
WTF
Stalker talaga!Ruru:
gusto ko tong buhat bangko si rayne na maaasahan siya lagi
at napilitan maniwala si nana
dasal dasal na lang 😆Nana:
Naiinis na ako sa lalaking yan. Ano pa bang kailangan nya sa akin? 😬
BINABASA MO ANG
siklab na may sakdal laya (epistolary)
Romance❝ Magpapakasal na ang first love ni Nana for 10 years. Ang masaklap? Hindi siya ang bride. Huhu. ❞ Y Chronicles Universe #SNMSL1 of Kabulastugan Boys Series MNR COLLABORATION with @cappuchienooo & @nayinK