Chapter 6: Pahinga
Sky's POV
Isang linggo na ang nakalipas simula ng ihatid at sundo ako ni Rigel dito sa bahay. Isang linggo na rin kaming di nagkakausap ni colorpeps. Nagbabagong buhay na ata ang loko kaya di na ako ginugulo. Sabagay, busy rin naman ako tapos may naghahatid at sundo na rin sakin.
"Let's go?" wika ni Dragon na kasalukuyang nakatayo sa may pinto ng kwarto ko.
"Let's go" nakangiti kong wika.
Agad naman nyang kinuha ang bag bago ako inalalayan habang nababa sa hagdan. Naks parang di nagtatransform bilang dragon ah.
Papunta kami ngayon sa... hindi ko alam dahil ayaw nyang sabihin.
"Where are we going?" tanong ko habang nakatingin sa mga puno na nadadaaan namin. Ilang oras na rin kaming nasa biyahe at hanggang ngayon di ko parin alam kung saan kami pupunta. Nakakasampung tanong na nga ata ako kung saan kami pupunta pero kahit isang clue wala akong napala.
At dahil ayaw akong pansinin ng lalaking to, kinuha ko na lang ang aking phone bago binuksan ang youtube.
Maya-maya lang ay narinig ko ang pagtawa nito dahilan para mapatingin ako sa kanya.
Agad ko itong tinaasan ng kilay bago tinanong ng "What's funny?'
"Are you serious?" tanong nito bago pinagpatuloy ang pagtawa habang nagmamaneho ito.
Di ko na sya pinansin, sa halip ay itinuloy ko na ang pinapanood ko.
Baa baa black sheep
Have you any wool?
Yes sir yes sir
Three bags full
"Bakit kaba tawa nang tawa? Baliw kaba?" inis na tanong ko dito
"Wala lang ang cute mo kasi" Saad nito bago saglit na lumingon sakin habang nakangiti.
"Ewan ko sayo"
Rigel's POV
Pagkadating naming dito sa Matabungkay ay agad ko naman pinuntahan ang mga kasama ko para icheck kung ayos na ang lahat. Hinayaan ko munang matulog si Sky sa kotse para di sya makahalata sa plano. Ngayon araw ko sya tatanungin kung pwede ko ba syang maging girlfriend. Nandito kami ngayon sa isang beach sa matabungkay at mamaya doon ko sya tatanungin sa tabi ng dagat habang pinapanood namin ang sunset.
"Wake up baby" Mahina kong wika bago ko ito hinalikan sa noo nya dahilan para magising ito. "We're here" dagdag ko.
"Where are we?"
"Matabungkay baby, let's go we're going to watch the sunset"

YOU ARE READING
The Missing Star In The Sky
Teen FictionSky Villaruel was always dreaming about a man since she was a child. She does not know or even meet this man once. Thus, she always trying her best to find this man. She almost spend her time in browsing and searching to find it. What if one day she...