Nagising ako nang may naramdaman akong may nakatitig sa akin.
"Powder give mama extra 5 minutes please" sabi ko ng hindi pa minumulat ang mata at kinapa-kapa ang alaga ko at napatalon ako sa gulat nang iba ang makapa ko at sigurado akong wala kina Powder at Salady ang nakapa ko and, nasa bahay ng parents ko sila!
"Hey goodmorning!" napakusot ako ng mata para masiguradong tama ang nakita ko.
"Ano-anong ginagawa mo dito? paano ka nakapasok?" tanong ko kay Stryker na ang sarap ng upo sa kama 'ko' ngayon.
"Bat wala namang laman ang ref mo?naghihirap kana ba?" natatawang tanong ni Ally habang nakasilip sa kwarto ko.
"Bakit kayo nandito?" tinignan ko sila ng salitan habang may nagtatakang mata.
"Napadaan ako diyan sa may coffee shop sa tabi ng condo mo, naisipan kong puntahan ka and to my surprise nandito si Stryker naghihintay sa tapad ng unit mo sakto naiwan mo yung duplcate na susi last time nung umalis tayo kaya ayan." sabi niya habang pinapakita ako iniinom na kape
"Kanina kapa?" sabay tingin ka styker na nakatitig lang sakin
"8am" mabilis kong kinuha ang cellphone ko at nakitang 10:25 na!
"Sorry napasarap tulog ko, maghintay ka nalang sa sala magaayos lang ako" hindi ko na siya hinintay pang sumagot at nag lakad na papuntang banyo.
Nagsuot lang ako ng maong short at fitted crop top na white at pinarisan ng nike na tsinelas, sa mall lang naman kami para mag grocery. Lumabas na ako sa kwarto at nakita si Stryker at Ally na walang imik na nanonood ng TV.