"Siguro mas ok kung gumawa ulit tayo ng isang team? hm dagdagan natin yung mga volunteers sa pagtuturo ng mga bata. The more na maraming taong magtuturo the more na madaming matututo, sa tingin ko lang ah kahit apat na grupo lang ang matitira sa pagbibigay ng relief kakayanin na" nagtinginan ang mga kasamahan ko na para bang pinagdududahan ang suggestion ko.
"Hindi ba parang mahihirapan naman yung apat na matitira sa pag ppack ng relief tapos ipamimigay pa nila yun"
"Sigurado naman na may mga social workers na tutulong sakanila at ibang volunteers na galing ibang org/foundation. Mas magandang i focus natin yung iba munang activities" tumango tango sila maliban kay Kara na ang sama ng tingin sa akin.
"I don't think so. Kung dadami ang magtuturo dadami din ang mga bata at baka kukulangin ang budget natin para sa free foods nila" sabi ni Kara habang maarteng tinitignan ang kuko Matagal ko ng napapansin ang pag question niya sa mga suggestions ko kaya minsan medyo napipikon na ako.
"Diba yun naman ang goal natin? ang dumami ang batang matulungan." hindi ko naiwasang hindi umirap sa kanya at para ma relax ng kaunti ang sarili kinuha ko ang mineral water na nasa harap ko at uminom "Duh dadagdag pa yan sa problema. We need more money." hindi ko alam kung pang ilang irap na ang ginawa ko dahil sa inis sakanya.
"Sa tingin ko hindi naman magiging problema ang pera kung masisipag tayong maghanap ng sponsors kaya sang-ayon ako kay Briya" nagtinginan kami ni Kersty at nagngitian and I mouthed 'thanks' "besides, I can ask my dad to donate also Briya's and ibang mga volunteers na may sobrang pera kahit magkano lang" napatango naman kaming lahat kay kersty na ngayon ay ngiting ngiti na para bang nanalo sa laban.
Ganon na nga ang napagkasunduan, dadagdagan ang mga volunteers sa pagtuturo sa mga street children at magiging apat na grupo nalang ang tutulong sa repacking ng mga relief para sa mga sinalanta ng bagyo sa Bicol.
Dalawang taon na kaming kasali ni Kersty sa Organization na ito, we are all volunteers. We teach children at tumutulong sa mga taong nanganagilangan pero this will be our last month as volunteers kasi gusto naming mag focus muna sa mga buhay namin and work, pinaplano naming mag sponsor nalang.
"Bri tara kela Ally tayo ngayon, balita ko andoon mga pinsan niya. Kilala mo pa ba sina Miggy and Benj? hala baka nandon yun lalandiin ko talaga" kinikilig na usal ni Kersty na may pahampas hampas pa sakin
"Pwede ba pagkatapos nalang ng pagsali natin sa org ka maglandi nakakahiya parang hindi magandang tignan" naglakad nako papuntang parking nang magsalita siya ulit
"gaga! parang ang bait mo ah. Sino kayang nakisayaw sa kung sinong lalaki sa club nung isang araw na parang kilala yung lalaki? dinidikit pa pwet ewww!" hinampas ko siya at tinignan ng masama
"I'm Drunk that time ok?!" sabi ko at sumakay na sa sariling sasakyan
"tara na kasi daan na tayo kela ally! saglit lang naman!" nagmamakaawang usal niya at sumakay na din sa sariling sasakyan, akala ko titigilan na niya ako nang biglang bumusina siya at binaba ang bintana ng sasakyan niya
"ANO NA? SUMUNOD KA SAKIN AH!" Sigaw niya kasi hindi kami masyadong magkarinigan dahil nakabukas ang makina ng sasakyan namin.
"MAGPAPASAHOD AKO NGAYON IKAW NALANG!" Sigaw ko pabalik at nauna ng paandarin ang sasakyan.
Nagttrabaho ako ngayon sa Restaurant na niregalo nina Daddy sakin noong 18th birthday ko I actually don't know kung trabaho ba ang pagpapasahod sa mga Empleyado ko yun lang naman kasi ang talagang ginagawa ko don maliban nalang sa pag approve ng mga bagong menu at minsan humaharap sa mga galit na costumers.