chapter 3

7 1 0
                                    

"Wow, hindi na ako sanay na wala kang kung anuman d'yan sa kamay mo, Astrid." natatawang puna ni Anton, kaklase ko nang makita akong hindi na nakasuot ng arm sling.






"Siraulo ka talaga." pabiro ko s'yang sinamaan ng tingin, tumawa lang s'ya.







"Buti nalang okay ka na bhie, may lab tayo bukas!" sabat ni Trixie. Actually, naghihintay kami ng prof ngayon kaya for the mean time nagchichimisan muna kami. Nasa unahan 'yung isa kong ka-close na blockmate, 'yung isa naman absent kaya kami munang tatlo ang nagkwekwentuhan.






"Kulang pa nga mga apparatus ko. Bibili pa ako mamaya, alam ko namang 'di magpapahiram si Tonton." tumingin naman sa akin si Anton, inirapan ko s'ya.






"Buti alam mo." we laugh because of that until our professor came in.






May mga sari-sariling lakad sila Anton at Trixie. Itong si Anton, mag-rereview tapos 'tong si Trixie, may jowa. Si Andra may part-time job tapos absent naman si Marg, wala tuloy akong makasamang bumili ng mga lab tools ko para bukas.






Meron kaya no'n sa mall? Nakalimutan ko pang tanungin 'yung mga 'yun kanina!






I dialed Margaret's number. Siguro naman kahit absent s'ya nakabili na s'ya ng gamit.







"Hello Marg?"







[Hey there, As! Na-miss mo naman ako agad!]






"Baliw, bakit ka nga pala absent?"







[Shh, 'wag kang maingay nasa boracay kami ngayon huhuhu. Nagyaya kasi 'yung tita ko na bagong dating sa abroad kaya I'm here!]







"Taray, kala ko dahil iniiwasan mo si Anton!" humagalpak ako ng tawa dahil do'n. Even if I don't see Marg reaction, I know that she cringed when I said that.






[Gaga, pinaalala mo pa!]






"Sabi ng 'wag aamin sa kaibigan eh, 'yan tuloy!"






Mahaba pa ang introduction namin bago ko pa s'ya natanong ng sad'ya ko sa kan'ya. Sa mall daw s'ya bumili. Sa isang medical tools keme shop daw sa 2nd floor ng mall. Pinatay ko na rin ang tawag nang malaman ko ang pakay ko.








Walking distance lang naman ang mall rito pero dahil it's freaking hot, magje-jeep nalang ako papunta doon.






Nang makarating ako sa mall ay agad akong pumunta sa second floor para hanapin 'yung shop. Bago pa lang daw kasi 'yun kaya siguro di ko pa nababalitaan. Hindi naman ako nagtagal sa paghahanap.






Infairness, nandito naman lahat ng kailangan ko pero ang mamahal! Mauubos yata ang allowance ko dito!






Kumuha na ako ng test tube rack at iba ko pang kailangan. Buti nalang nakabox 'yung mga 'yun kasi made of glass sila, baka mabasag. I carefully place all of them to the countertop.






Dalawang paper bags ang dala ko pag-uwi. 'Yung magaan-gaan na paper bag 'yung binuhat ko sa kanang kamay kasi under recovery pa rin 'to, baka mabigla mas'yado.







Ang hassle mag-byahe ngayon! Masusundo kaya ako ni Mama? May asistant naman s'ya sa botika eh, baka naman makakasaglit s'ya kasi ang dami ko talagang dala! Ayaw ko mag-byahe ng ganito.






Huminto muna ako sa may railings ng mall at binaba ang mga dala ko para i-text si Mama.





Habang binubuksan ko ang phone ko ay may naaninag akong huminto sa harapan ko, akmang kukuhanin 'yung isa kong paper bag. I quick grab that hand and twisted it. Akala n'ya ha!






"The heck?!" daing n'ya. Nilingon ko s'ya at nakita kong si Malachi 'yun. What the heck rin?!






Binitawan ko na 'yung kamay n'ya at sinamaan naman n'ya ako ng tingin.







"That hurts!" he said in a loud and irritated voices. I sighed. Buti nalang wala mas'yadong tao dito sa gilis namin at baka marinig kami.






"Bakit mo kasi kukuhanin 'yung paper bag ko! Alam mo ba kung ano ang laman n'yan? Mahal pa 'yan sa buhay mo!"






"Psh. I just want to help you carrying those bags!"






"Bakit mo ako tutulungan? Do I need your help?"








Napatahimik s'ya sa sinabi ko. Napakamot rin ng ulo. Bakit kasi manggugulat s'ya ng gano'n?






"I want to help you because..." napatigil s'ya, "I'm.... guilty?" I raised my brow. Hindi pa s'ya sure?





"Bakit mo ako tinatanong kung guilty ka? Wala ka bang isip at konsensya?"





"Yeah, right. I'm guilty. I was so rude to you last time. I also think I was also the reason of your accident. Gusto kong bumawi." Medyo nanlaki naman ang mata ko do'n sa panghuli n'yang sinabi. Hindi dahil sa tagalog 'yun ha, ano bang ibig-sabihin n'ya ng babawi? Nakakatawa lang isipin.






Naalala ko lang, hindi ko pa napapacheck 'ying cctv do'n, kasi bakit pa? Buhay pa naman ako at may magbabago ba sa buhay ko kung na-confirm ko kung sino 'yun?






"Seryoso ka ba d'yan?" hindi ko talaga mapigilang matawa. Tumango s'ya habang kinukuha 'yung mga paper bags ko.






"Weh? Hindi mo pa nga ako kilala, hindi pa rin kita kilala. Ano nga ulit name mo?" Eme lang 'yan. Alam ko namang s'ya si Malachi pero hindi pa s'ya nagpapakilala sa aking ng personal! Stranger pa kami sa isa't isa!






"Malachi."







"Ano nickname mo?" tanong ko ulit. Sa tingin ko napupuno na ito sa akin.







"Chi."







"Surname?"







"Santillan."







"Magkamag-anak kayo ni Kuya Hezekiah?" sa dami kong tanong parang anytime sasabog na 'to. Napahinga pa s'ya ng malalim.







"Nope."






"Seco—"






"Can we go now, Astridelle?" tingnan n'yo lalaking 'to, hindi 'man lang ako pinasagot sa tanong n'ya at naglakad na paalis!






Naglakad na rin ako papalapit sa kan'ya. Hindi na ako nagulat kung alam n'ya buong pangalan o kahit buong pagkatao ko. Instant sikat na kaya ako sa school! Buti nga hindi na ako mukhang pasyente lagi kapag naglalakad sa school, kaunti nalang ang umuusisa sa mga galaw ko.






Tumakbo na ako para maabutan si Malachi. Ang bilis n'yang maglakad!







"Sandali lang!" sigaw ko at para naman s'yang walang narinig.





---

Note:

Malachi - Ma/la/kay

:D



stillTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon