CHAPTER 8

14 2 0
                                    

Ok..so nasa kalagitnaan ako ng class ko ngayon at grabe na talaga..ilang beses na kasing nagvivibrate yung cellphone ko..at ang malupit dun nakangiti pa rin ako..haha.. 

"Ano ba naman yan..Sino ba kasi yung text ng text??"sabi ko pero sinigurado ko na ako lang yung nakarinig..haha..

Pagkatapos ng class tinignan ko yung phone ko..and guess what..10 MESSAGES RECEIVED lang naman..tinignan ko kung sino-sino ba yung mga adik na nagtext pero pagtingin kogaling lang pala siya sa isang tao..Ok..tama kayo..galing nga sa KANYA yung mga text..

"Potek ang kulit naman nito ah.."

"Oy..Rina anong sinasabi mo dyan??"

"Ah..e kasi may nagtext sakin ng 10 beses.."

"At sino naman yun??Ang adik ah.."

"E di yung adik-adik na si Kevin.."

"Sino??Siya ba yung sa freshie fair??Ikaw ah..wala ng kuya yung tawag mo sa kanya..tapos tinetext ka pa niya..at paano naman pala niya nakuha yung number mo??"

"Ha??Ah..e..sabi kasi niya wag ko na siyang i-kuya tutal hindi ko rin naman daw siya tinuturing na kuya..saka hiningi niya yung number ko kanina e.."

"Yun naman o..magkasama sila kanina..haha.."

"Ay nako..ewan ko sa'yo.."

"Yikoi..may something sa kanila.."

"Ay sus!!Sige na nga umalis ka na..baka malate ka pa niyan e.."

"Oo na..baka masira ko pa yung moment mo e..haha.."

"Ewan ko sa'yo!!"

So ayun..nagbasa na muna ako nung mga text niya...

From:+63917*******

Rina..si Kevin to..

From:+63917*******

Rina..haha..wala lang...

From:+63917*******

Rina..anong oras ba tapos ng class mo??

From:+63917*******

Itatanong ko lang kasi...

From:+63917*******

kung...

From:+63917*******

pwedeng...

From:+63917*******

magkita ulit...

From:+63917*******

tayo mamaya...

From:+63917*******

ano...pwede ba??

Nagreply naman ako baka magalit pa yun sakin pag di ako magreply..Ayoko namang mapuno ulit yung inbox ko..

To:+63917*******

Hoy..adik ka rin e..

bakit tinadtad mo ko ng text??

pwede namang pagsamahin na lang sa isang text diba??

From:+63917*******

sorry naman..

teka lang..di mo pa sinasagot yung tanong ko ah!!

To:+63917*******

haha..ok..apology accepted..=P

tapos na yung class ko..nasa tapat na ko ng AS e..

bakit ba kasi gusto mong makipagkita ulit??

From:+63917********

ah..ok..wait ka lang dyan..malapit na ko..

Potek..hindi rin niya sinagot yung tanong ko e..

10 minutes na yung nakalipas..

"Hoy!!Akala ko ba malapit ka na kanina ha??"

"Haha..sorry naman..pero nandito naman na ako e.."

"Ewan ko sa'yo..Bakit ba kasi gusto mo na namang makipagkita??Ang tagal na nating magkausap kanina ah..?!"

Hindi siya sumasagot..Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti..

"Hoy!!Earth calling Kevin!!!Ano na nga??"

"Ah..e..tara..punta tayo sa tambayan namin.."

"Ikaw!!!Kanina ka pa talaga..Ayusin mo nga buhay mo!!"

"Don't worry nagsisimula na.."

"Huh?!E bakit ngayon pa lang??"

"May inspiration na ko e.."

"Huh?!Sino naman??"

"Akin na lang muna yun.."

"Hmm.."

I'm Still Not Over YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon