Chapter 1

4 1 0
                                    

Layla pov's

"Woooohhhhg hahahaha, ganyan nga!"
"Sge pa paduguin mo ang ilong"
"Ang galing!!"
"Oh san ka pupusta?"

Nagising ako sa ingay at sigawan ng mga tao, may away nanamn segurong nagaganao, kaya lumabas ako para silipin yun, at hindi nga ako nag kakamali, laging may away dito sa lugar namin, at dahil don maraming nag pupustahan, kumbaga hanap buhay na nila ito

Uminom muna ako ng tubig bago pumunta ng banyo at naligo, pagka tapos kong maligo lumabas na ako ng banyo, at saktong pag labas ko pumasok su kuya sa apartment ko, na may dala dalang mga echo bag

"Oh sis ito na stock mo this month, kompleto na dyan lahat ng kailangan mo, kaya no worries kana" sabi ni kuya at nginitian ako, ngumiti din ako, at gusto kong umiyak kasi, ambait ng kuya ko, actually lahat ng kuya ko mababait, and yeah marami akong kuya anim sila lahat at ako ang pam pito

"Kuya thank you" naka yukong sabi ko, nahihiya akong ipakita muka ko kasi naiiyak na ako eh

"Naku wala yung sis, syempre kapatid kita no, oh pano mauna na ako ha, at may laman na pala atm mo nilagyan na namin yun, kaya mag bihis kana diyan kasi ihahatid na kita sa scholl" sabi ni kuya at tinap ulo ko tsaka siya lumabas ng apartment, kung nagtataka kayo kong bakit ako nag a-apartment, well I'm an abandoned child, kaya ganon

Nag bihis na agad ako at kumuha ng tinapay sa ref, at dalidali pumunta ng kotse ng kuya ko, mamaya ko nalang e a-arange yung dala ng kuya ko, late na kasi ako sa school

Habang nag tatakbo ako papuntang sasakyan, maraming bumati sa akin, at hindi na bago sa akin yun, kasi sanay na ako sa kanila, ganyan ka bait ang mga tao dito, kahit tirahan to ng mga gangster mababait parin naman nakatira dito

Bat ko nasabi na tirahan ito ng mga gangster? Kasi totoo naman lahat ng nakatira dito ay gangster, at yung mga ding ding dito puno ng vandalism hahaha

Nakarating na ako sa sasakyan ng kuya ko at agad na pumasok sa loob

"Ahhm kuya don mo lang ulit ako ibaba sa likod ng school ah" sabi ko kay kuya, kita ko naman ang lungkot sa kanyang mata

"Sge sis" sagot niya

Habang nasa byahe kami chineck ko muna phone ko at bumungad sa akin ang message ng kaibigan ko, may gig daw kami mamaya kaya na excite naman ako

Alam kong binibigyan ako nila kuya ng pera pero di ako masyadong umaasa don

Nakarating na kami sa school at nag paalam ako kay kuya at dali daling lumabas ng kotse, ayaw kong may makakita sa amin lalo na at napakaraming cctv sa school

Tumakbo ako papuntang room kasi di abot aa oras kong maglalakad lng ako

*Bogshh*

"Aray!" Sigaw ko sabay hawang sa may pwet ko
"Ang sakit non ah" bulong ko at tumayo, di ko na tinignan kong sinong naka bangga sa akin, alam ko naman na walang planong humingi ng tawad yun, kasi lahat ng nag aaral dito mayayaman maliban sa akin hahaha ako lng yata scholar dito

Ng makarating ako ng room, agad akong sinalubong ng kaibigan ko na may laking ngiti sa muka

"Nginingiti mo dyan?" Tanong ko at pumasok na ng room, pero nakakapagtaka dahil wala pa si maam cela
"Wala sila maam ngayon, may meeting sila, kasi yung may ari ng school nag pa conduct ng meeting kaya it's our freedom huehue" masayang sabi ng kaibigan ko na may paiyak iyak pa, niyaya naman niya ako sa canteen, at tamang tama hindi pa ako kumakain

"Hoy layla umalis kana kaya sa tinitirhan mo, nakakatakot don eh, di ako maka punta kasi nakakatakot mga tao, at ang balita pa puro daw mga gangster, hindi kaba natatakot?" Tanong ni greta, nginitian ko naman siya
"Bat naman ako matatakot, ang babait ng mga yun, oo sa itsura nakakatakot silang tignan, pero kamag nakilala mo na sila, ambabait nila, sila yung naging magulang ko, sila yung natatakbuhan ko sa lahat, kaya ayaw kong umalis do" mahinahong sagot ko at nag order ng kakainin ko

What love is (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon