Chapter 3

2 1 0
                                    

Layla pov's

Nandito kami ngayon sa mall napag usapan namin ng mga kapatid ko na mag mamall kami kasi matagal tagal narin kaminh hindi gumagala

"Kuya kiefer kain muna tayo, nagugutom na ako eh, kasi naman itong si harvie at mike di na ako pinakain kuya" sabi ko kay kuya kiefer, e kasi tong dalawang kumag nagmamadali kaya ito gutom na ako

"Sge saan mo gustong kumain?" Sabi ni kuya nag isip naman kaming lahat

"Korean restaurant!" Sabay naming sigaw at nag takbuhan kami papunta don syempre nauna ako kasi ako ang pinaka mabilis tumakbo sa amin

"tteokboki, ramin, sushi, at jajamyeon sa akin kuya" sabi ko nag order naman yung iba at masaya kaming kumain

Pagka tapos naming kumain nag arcade naman kami

"Pabili po token 50" sabi ko don sa tindera, at binigyan na niya ako, namili naman ako ng lalaruin ko at napunta ako don sa basketball yeeeey

Habang naglalaro ako nakatingin lng sakin yung mga kapatid ko habang naka ngiti, pero patuloy pa din ako sa pag lalaro, habang may nag sipasukan na mga lalaki at may isang babae patungo sila sa pwesto ko at nag laro din sila

Tumingin sa akin yung isang lalaki ang nag smirk, pero di ko na pinansin tinignan ko mga kapatid ko pero di na sila nakangiti, pero pinag patuloy ko lang pag lalaro ko

"Wow galing mo ah na shot mo lahat" sabi nong isang lalaki na may blonde na buhok

"Ahh chamba lang, tsaka madali lng maka shot basta dito sa arcade" sagot ko naman pero binato niya ako ng bola buti nasalo ko naman

"Ang yabang mo ah" sigaw niya sa akin, susugurin niya sana ako kaso pinigilan siya ng mga kasama niya

Chris pov's

Naka ngiti naming tinitignan si layla na nag lalaro ng basketball, habang masaya siyang nag lalaro may pumasok na mga lalake at may isang babae, kilala namin sila

"Bro, sila ling yun oh papunta sila sa pwesto ni layla" sabi ko sa mga kapatid ko, pero hinayaan lng namin sila tinignan parin namin si layla pero hindi na kami nakangiti, nag uusap si layla at si mark yung blonde ang buhok hanggang sa sumigaw ito

"Ang yabang mo ah!" Sigaw niya at binato si layla ng bola buti nasalo ito ni layla, nabigla kami don kasi pano niya yun nagawa,susugurin na niya sana kapatid namin pero pinigilan siya ng mga kasama niya at tsaka na kami lumapit

"Anong ginagawa niyo sa isang inosenting babae?" Mauturidad na sabi ng kapatid kong si kiefer siya pinaka matanda sa amin 22 na siya at si kuya raven 21at ako naman 21 kambal kami ni raven at si harold 20 si harvie naman 19 at 18 naman si mike tapos 17 si layla

"Oh hi kief long time no see alvarez brothers" sabi ni ling na nag papacute

"Tinatanong ko kayo, anong ginagawa niyo sa inosenteng babae!" This time sumigaw na siya

"Wala pinupuri lng namin siya ang galing kasing mag basketball, kaya ayan so nayabangan seguro si mark kaya ayon" mahinahong sabi ni ling naiinis din ako sa babaeng to si ling ay kapatid ni night

"Aalis na po ako" singit ni layla at nag mamadaling umalis sinundan naman siya ng kambal ko baka anong mangyari

"Kilala niyo yung babaeng yun? Kaano ano niyo?" Tanong ulit ni ling, chismosa talaga to

"Wala kana don, may pagka chismosa ka rin pala" sabi ko pero tong malditang to inirapan ako

"Baka girlfriend mo yun" panunuksong sabi niya

"Ulol" sabi ko at iniwan na namin sila don

Layla pov's

Umalis na ako don kasi baka ano pang isipin ng mga yun lalo na at mag ka kilala lng sila ng mga kapatid ko

What love is (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon