FIRST

2 1 0
                                    





PALINGA- LINGA si Bastien at hinahanap niya ang susundo sa kanya. Kasalukuyang hinihila niya ang kaniyang bagahe papalabas ng elevator.

Inayos niya ang pagkakasuot ng kaniyang shades at ang balabal sa kanyang leeg. Bitbit niya sa kaliwang kamay ang papel na may lamang address ng kaniyang tutuluyan at ang kaniyang passport at camera. Nakaipit sa kaniyang passport ang papel na may nakasulat na address ng kaniyang tutuluyan.

"Uh, sorry..." Rinig niyang sabi ng isang boses babae. Mahaba ang wavy brown nitong buhok nakasuot ng bonnet at face mask.

"Sorry din..." Aniya sa babaeng nakabangga niya pala. Ang tanga mo talaga Bastien kahit kailan! Aniya sa sarili niya saka tumango nalang sa babaeng nasa harap niya.

"BASTIIIEENN!" Rinig niyang tawag ng isang nakakairitang boses sa kaniya. May hawak pa itong placard na may pangalan niya saka iyon kinaway-kaway upang kunin ang atensyon niya.

Hinila niyang muli ang nag iisa niyang malaking maleta at pinuntahan niya ang nag iingay at tumatawag ng kaniyang pangalan.

"Attention seeker ka talaga kahit kailan, Andrei." Saway niya sa kaibigan.

"Hindi ka pa nasanay, Bastien. Ganyan talaga ang gagong iyan. Papansin." Ani Dion habang nakakrus pa ang kaniyang mga braso sa dibdib nito.

"Hampasin kita diyan ng placard eh, Dion."

"Tss! Wag na nga kayong magtalo! Hatid nyo nalang ako sa bahay ko!" Singhal niya sa dalawang malapit nang magsapakan.

Mga isip bata ang mga gago

Sumunod nalang siya sa kaniyang mga kaibigan na naglalakad habang nagtatalo. Hanggang sa huminto sila sa harap ng isang pulang sports car.

"Kanino to?" Tanong niya sa dalawa.

"Mine," si Dion. "Yan... Mahirap ka na ngayon, Bastien." Saka niya binuksan ang driver's seat.

Pareho naman silang sumakay ni Andrei sa back seat. Inirapan naman sila ni Dion. "Ano ako, driver nyo? May driver bang ganito ka gwapo?"

Umaktong tila nandidiri si Andrei. "Gago, mandiri ka nga sa pinagsasasabi mo, Dion!"

"Oh, kandong mo 'to, Andrei. Natatamad akong ilagay to sa back compartment." Saka niya ipinikit ang mga mata niya at pinagsiksikan ang maketa niya kay Andrei.

"OY, oy!" Pamumukaw ni Andrei kay Bastien na nakatulog pala sa biyahe. Sinapal sampal pa nito ang mukha ng binatang himbing sa pagtulog. Nasa tapat sila ngayon ng bahay na tutuluyan nilang tatlo-- bahay ni Bastien na binili niya last year nung binigyan ito ng two weeks vacation.

"Tulak mo na palabas, dre. Magigising yan talaga. Wide awake..." Nakangising sabi ni Dion at nilabas ang maleta ni Bastien.

"Kawawa, dre. Di na nga mayaman. Gagalusan pa natin?"

"Rinig na rinig ko kayo, mga gago." Aniya habang nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata. Bumuntong-hininga siya saka lumabas ng kotse.

Napatingin siya sa bahay na sikretong binili niya last year. Hindi naman ito madidiskubre ng kaniyang ama dahil sa ibang pangalan naman iyon nakaaddress gamit ang bank account niya sa ibang pangalan.

Hindi lang kayo ang may utak, dad.

Hinayaan lamang ni Bastien si Andrei na hila-hila ang nag iisa niyang maleta. Habang naglalakad papasok sa kabahayan ay tinaggal niya ang headphones na nasa tainga niya na hindi naman tumutunog. Accessories lang ba kumbaga.

"Ah, Im free..." Anito at humilata sa sofa pagkapasok niya sa bahay. Nakita naman niya ang remote na nakapatong sa coffee table saka pinindot ito.

"Gago talaga ang mga nakatira rito!" Sabi nito nang makitang mature content ang nasa TV.

Billet-douxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon