THIRD

0 0 0
                                    

BASTIEN sighed while playing the fidget spinner infront of him habang nakahilig sa counter island ng kusina. Nakatuon lamang ang kaniyang mga mata sa spinner na kasalukuyang pinapaikot niya ngayon.

Wala pa ring reply mula sa pinadalhan niya ng sulat kahapon.

Hindi niya mawari kung bakit siya nalulungkot ng ganoon. First time niyang naramdaman ang ganitong kalungkutang bumabalot sa kabuuan niya. Siguro ay wala talaga siyang pakialam dati sa paligid at sa mga nangyayari sa paligid niya kaya hindi naman siya nakakaramdam ng samu'tsaring emosyon.

Dati, kadalasan kapag nasa palasyo siya ay parang tuod lang siyabg nakakulong sa kaniyang kwarto kapag natatapos niya ang napakaboring na 'prince duty' niya. Homeschooled siya at napagbigyang makapag-aral sa isang university sa Spain nung nag kolehiyo siya. Nakilala niya sina Andrei at Dion dahil na rin family friend ng Hari ng España ang Duke ng Castillejos at Madrid.

Naging magkaibigan sila dahil magkapareho sila ng nais—ang makatakas sa mga mahihigpit na magulang na nais ipakasal sila sa mga babaeng... Hindi nila mahal. Katulad ng nangyari kay Bastien. Mariin niyang tinanggihan ang maikasal siya kay Odette. Kahit pa na halos ipagtulakan ni Odette ang sarili sa kaniya ay hinding-hindi niya ito papatulan.

Ayaw niya sa babaeng ginagawang canvas ang pagmumukha, masyadong maarte sa lahat, kumilos, magsalita at kung ano-ano pa. Ayaw rin niya sa babaeng malandi.

Napukaw lamang ang atensyon ni Bastien nang narining niyang may sumigaw mula sa labas.

"Bastien! Mukhang may sulat ka." Si Dion.

"Dre, sa sinabi mong iyan, bigla akong kinilabutan." Ani Andrei hababg sumisimsim ng gatas. "Baka galing yan sa Spain dre at nahanap nila kung saan ka tumitira? Oh, Mierda."(Shit.) Saka pa umaktong kinikilabutan si Andrei.

"Bakla mo." Aniya saka siya tumayo at sinalubong si Dion at inagaw sa binata ang hawak-hawak nitong purple envelope.

"Infairness, parang tunay tayong pinoy kapag nananagalog tayo." kumento pa ni Andrei. "Nakakatuwa! I love being filipino citizen."

"Tss. Nakalimutan mo na yata Andrei na kalahi tayo ng nanakop at umalila sa kanila." Si Dion at umupo sa sofa.

Kasalukuyang nasa sala ngayon silang lahat. Ngiting-ngiti si Bastien habang hinahawakan ang kulay ube na sobre.

"Hoy, makapagsalita ka dyan Montague, parang tayo mismo ang nanakop sa kanila. For your fucking information Montague, hindi ako yun duhh."

"Hoy ganun pa rin naman yon. Kalahi pa rin tayo ng mga kastilang nanakop sa mga filipino ng 333 years! Lalo na ni Bastien. Lolo niya yun."

"So iniinsist mo talaga?"

"Nagsasabi lang naman ako."

"So? Pakialam ko naman?! I. Don't. Need. Your. Opinion!"

"Bat naman ako nasali?" Bulong ni Bastien sa sarili.

Hinayaan na lamang ni Bastien na magtalo ang dalawa. He just covered his ears at pumanik sa kaniyang kwarto. Hindi maalis sa kaniyang labi ang kaniyang ngiti habang binasa ang sulat na kakarating lamang sakanya. Then he immediately wrote a reply for the sender at isinantabi muna ito at kaniya namag ihahatid sa post office kinabukasan.

"Uyyy si Bastien may kapen-pal..." Tudyo naman ni Andrei sakanya at sinundot pa ang tagiliran nito. Uso pa pala iyan? Yuck, modern na ngayon dre, imbes na pahirapan mo yung sarili mo sa kakasulat edi sana hiningi mo nalang yung number niya at nakipag chikahan ka sa kapen-pal mo magdamag!" Si Andrei. Nakasandal ito sa pintuan habang may mapang-asar na ngisi sa labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 03, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Billet-douxTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon