Sheena POV
Alas singko palang ng umaga ng magising ako. Alas syete darating ang aming sundo mula sa academy. Naligo na ako at nag prepara. Pagkatapos ay pumunta na ako sa kusina upang magluto.
"Good Morning Sheena!" Bungad ni Rica ng makita ako.
"Ang aga mo ah, first time kitang makitang nagising ng maaga." Sagot ko.
"Syempre, eggzoited aketch. Nakaluto na din pala ako."
Pareho kaming marunong magluto. Dahil parehas kaming ulilang lubos ay kailangan naming matuto sa mga gawaing bahay upang patuloy na mamuhay.
Tumingin ako sa oras at ayos sa orasan ay 6:15am na.
"Okay. Kumain na tayo. Malapit na dumating yung ating sundo."
Habang kumakain ay nakita ko sa vision ko na darating ang aming sundo nang 6:50 kaya minadali ko ng kumain.
"Rica, bilisan mo. Ibababa mo pa ang ating gamit."
"Yes boss! Haha."
Ilang minuto pa at hindi nga ako nagkamali. Saktong 6:50am nang may bumusina sa harapan ng aming tahanan. Sabay na kaming lumabas ni Rica. At sumakay sa sasakyan.
"Good morning ma'am." Bati sa amin ng taong sumundo sa amin.
"Good morning din kuya!" Maligayang sagot ni Rica
"Morning." Plain na sagot ko. Hindi ako gaanong nakikipag usap pag hindi ko masyadong kakilala o kaclose.
Bago magsimula ang byahe ay ginamitan ko muna ng spell ang bahay ko upang malayo ito sa kung ano mang masamang mangyari. Madaming sekreto na nakapaloob sa bahay na ito na ako lang ang nakakaalam.
MYTHIC ACADEMY
Basa ko sa nakaukit sa malaking gate sa harap namin.
"Welcome to Mythic academy ma'am!" Masiglang sabi ng taong sumundo at naghatid sa amin.
Ginala ko ang aking mata at ako ay namangha sa aking nakita ngunit hindi mo masasalamin ang pagkamangha sa aking mukha sapagkat sanay ako na halos walang ipinapakitang emosyon.
"WOW!!! Ang ganda dito Sheena!" Manghang sabi ng katabi ko. "Ang daming gwapoooo!!"
"Tsk." Sagot ko.
"Ma'am, hanggang dito ko na lang po kayo mahahatid. Ako na po ang bahala sa mga gamit nyo. Maari na po kayo mag punta sa headmaster's office. Ito po ang mapa ng akademya." Sabay abot sa amin ng tig isang mapa.
"Salamat kuya."
"Thank you"
Sabay naming sabi ni Rica at bumaba na kami ng sasakyan. Tiningnan ko ang mapang ibinigay. Mapa ito ng academy ngunit walang label. Tiningnan ko ang likod at may nakita akong nakasulat. 'Say the place you want to go'
"Headmaster's office" I said.
Biglang umilaw yung mapang hawak ko at nagkameron ng dilaw na arrow sa isang drawing ng building. Meron din akong nakitang kulay pulang dot. Agad kong napagtanto kung ano ito. Ang dilaw ay nangangahulugan ng lugar na pupuntahan mo at ang pula ay kung nasan ako.
"Let's go." I said as I walk to the direction of the place we need to go.
"Wait! Saan ba dito ang headmaster's office?! Wala namang label itong mapa."
"Look at the back of the map."
BINABASA MO ANG
Hidden Identity
FantasyMula pagkabata, kahit naninirahan sila sa mundo ng mortal, alam na nya kung sino sya. Kung ano sila. Magulang nya mismo ang nagsabi nito. Ayon pa sa kanila "kailangan alam mo ang lahat tungkol sa pamilya at mundo natin kung sakaling kailanganin mong...