"Sheena, ano na? Walwal mamaya?"
"Hindi ako makakasama, mag eensayo pa ako."
"Ensayo na naman? Malakas ka na. Mag enjoy ka naman sa life. YOLO you know?"
"Puwit mo Rica! Hindi sasapat ang lakas na meron ako sa kakaharapin ko. Alam mo yan."
"Pero-'
"Rica, sa sunod na. Sasama na ako. Pangako."
"Sya sige na nga. Sa sunod na lang. Sasama na lang ako sayo."
Sabay na kami naglakad ni Rica pauwi sa aking bahay. Oo bahay ko, Wala na kasi akong magulang. Pinatay sila ng mga kalaban ng kabutihan. Kaya heto ako, nageensayo palagi upang sakaling magtungo na ako sa paaralang kelangan kong pasukan ay handang handa ako.
Ako ng pala si Sheena Alvarez. Yung kausap ko kanina ay si Rica Villanueva. Actually, sa bahay ko na sya pinapatira. Ulilang lubos. Parehas kami. Kalahi namin ang pamilya nya, kaya ginawa ko syang kanang kamay. Alam niya ang buhay na pinagdaanan ko. Ganun din ako sa kanya. Pareho kami labing pitong taong gulang.
Nakarating na kami sa tahanan namin. Nagdiretso na akong pinto. Habang binubuksan ko ang pinto ay inutusan ko muna si Rica.
"Rica, pakitingin nga ng mail box. Baka nandun na yung hinihintay natin."
"Sige" mabilis niyang sabi at diretso sa lugar kung asan ang mail box.
"Sheena, may mga letter na dito. Dalawa sayo, isa sakin" sabi nito ng nakalapit sakin.
Nagdire diretso na kami sa loob. Umupo sa sofa at binasa ang mga sulat.
Ang isang sulat ay hindi ko na pinagtuunan ng pansin dahil isa lamang itong loveletter ng kung sinong hindi ko naman kilala. At yung isa naman ay ang sulat na inaabangan ko mula pa nung ika labing limang kaarawan ko.
To: Ms. Sheena Alvarez
Good day! This is an invitation from Mhytical Academy. We are inviting you to join and enroll in our academy for you have an ability of a Mhytic. Just sign below and the service will come to your home the day after tomorrow. I'm hoping that you will be one of our students.
From: Mhytical Academy Mistress
_____________________
Please sign here*****
"SHEENNAAAAA!!! ITO NA YUNG INAANTAY NATIN! WAHHH. EXCITED NA AKO!!!" sigaw ni rica.
"Jeez! Ano ba Rica! Ang ingay ingay mo! Manahimik ka nga jan. Alam ko! Nabasa ko nga diba?" Inis na sabi ko dahil sa kaingayan nito.
"Kumuha ka ng ballpen."
"Eto na o, nakapirma na din ako. Haha."
"Tssshh. Ang ingay mo!" Sabi ko habang pinipirmahan ko ang sulat sakin.
"Mag handa ka. Bukas na tayo mag ensayo. Pagbibigyan kita sa walwal mo. Tawagan mo sina James."
"TALAGA?!!! OMY OMY!!"
"Ang ingay mo! Bilis bago pa magbago ang isip ko".
"Eto na. Sandali naman"
"Hello james? Walwal na itey! Pumayag na si Sheena".
"Oo. Oo".
Iniwan ko na sya sa sala at nag diretso na ako sa aking kwarto. Kinuha ko ang litrato ng aking mga magulang at humiga sa kama.
"Mama, papa. Papasok na ako sa eskwelahan. Unang hakbang na ito para maipaghiganti ko kayo. Gagawin ko po ang lahat para mawakasan ang kasamaan".
-----End of chapter 1
BINABASA MO ANG
Hidden Identity
FantasyMula pagkabata, kahit naninirahan sila sa mundo ng mortal, alam na nya kung sino sya. Kung ano sila. Magulang nya mismo ang nagsabi nito. Ayon pa sa kanila "kailangan alam mo ang lahat tungkol sa pamilya at mundo natin kung sakaling kailanganin mong...