Chapter 2

26 1 0
                                    

Melissa

    Napasimangot ako ng makita ko siya.Agad akong lumiko para hindi ko siya makasalubong,napairap ko sa kawalan.Mahirap na, at baka kung ano nanaman ang kalokohang gagawin niya.Mas maganda na lang na iwasan siya kaysa mas mapalapit sakanya.

      Mas lalo akong napasimangot ng nakita kong liliko din siya.Binilisan ko ang lakad ko.Hindi ko alam kung saan siya pupunta,o sadyang susundan nanaman niya ako para may mapagtripan siya.

     Nagmadali akong pumasok sa library,pumunta ako sa pinakadulo,mas malapit kasi iyon sa mga bookshelves.Mas mabuti pang gagawin ko na lang ang mga research paper ko,para mamaya ay hindi na ako maabala sa mga gawain mamaya.Dahil pagkatapos ng klase ko ay may duty ako.Kailangan kong kumayod para maitaguyod ko ang sarili ko.Ang pag aaral ko.Para sakanya.Para saamingdalawa.

     Wala na akong pamilya .Napapikit ako ng naalala ko iyon.Ang mga panahong kailangan ko ng pamilya at pagmamahal nila.Pero itinakwil nila ako.Sino nga ba ang tatanggap saakin?Sa mga kagagahan ko at kapabayaan ko.Napangiti ako ng mapait.Kasalanan ko naman iyon.Pero kahit ganon ay may isang biyaya pa din ang binigay ng Diyos saakin.Kahit itinakwil ako at kahit wala akong mga kaibigan.May itinira saakin.Nagbuntong hininga ako at tsaka idinilat ang mga mata ko.Hindi ako nagkamali,nakatitigsiya saakin at nakaupo sa harap ko.Sanay na ako.Sanay na akong kahit anong iwas ko nandyan siya.

     "Lalim ah?"Napairap ako at hindi siya pinansin.Tumayo ako para maghanap ng mga kakailanganin kong libro.

  

     "Hindi ko talaga alam kung bakit hindi mo ako pinapansin.Gwapo naman ako at malaki katawan.And look at you,your body is so thin.And your face is so haggard.In short losyang"

    "May mga bagay kasi na mas mahalaga pang pagtuunan kaysa saiyo."Kinuha ko ang isang libro na sa tingin ko ay makakatulong saakin.Lumipat ako sa kabila at nanatili pa rin siyang nakasunod saakin.Hindi ko na pinansin ang huli niyang sinabi.Totoo naman,wala na akong oras para sa sarili ko.Para ito sakanya.Sa anakko.Kaya wala nang panahon pa para asikasuhin ang sarili ko.Kontento na ako kung anong meron ako.

 
 

      "Hindi ba ako mahalaga saiyo?"Seryoso niyang saad saakin.Humarap ako sakanya at nakipagtitigan.Tinignan ko siya ng blangko.

    "Hindi."Tumalikod ako at naglakad papunta kung saan ako nakapwesto.

    "Bakit ang sungit mo?"Tanong niya saakin.Hindi ko siya pinansin dahil busy ako sa pagbabasa.At isa pa,mas lalo siyang magpapapansin kapag pinansin ko siya.Nilipat ko sa kabilang page at minadaling kinopya ito.Kailangan ko nang magmadali dahil alas quatro na ng hapon.

      Tumayo agad ako at lumabas na ng library.Nilagay ko ang mga gamit ko sa locker na kakailanganin ko lang bukas.

     "Hindi mo talaga ako papansinin ano?"Sabi niya sa likod ko.Sinarado ko muna ang locker ko bago humarap sakanya.Huminga muna ako ng malalim bago sagutin ang tanong niya.Bakit ba ang kulit niya?Hindi ba niya nahahalata na naaalibadbadran ako sakanya?He must know if someone not like his presence.Ayaw sakanya pero ipinagpipilitan pa ang sarili.

     "Ano bang kailangan mo saakin?Hindi ka ba aware na ayoko sayo?Ayokong kausap ka.Ayokong mapalapit sayo.Ayoko sa prensensya mo.Wala kang makukuha saakin.Naghihirap na ako,iyon naman ang gusto mo hindi ba?Ang maghirap ako?Nakikitang umiiyak?Nagluluksa?Masaya ka na ba?Malamang hindi pa."Napangiti ako ng mapait at pinunasan ang luha ko."Gusto mo maghirap pa ako?Sige deal ako dyan.Sanay na ako."

Voices of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon