Chapter 1

34 0 0
                                    

Melissa

     

     Malalim akong nagbuntong hininga.Nakatitig lang ako sakanya habang natutulog siya.Pinagmasdan ko ang mga pilik mata niyang makapal.Ang tangos ng kanyang ilong,at ang manipis niyang labi.Hindi mapagkakailang gwapo nga siya.

      Dahan dahan akong tumayo at tinanggal ang kamay niyang nakayakap saakin.Maingat ko itong inangat at inayos ko ang paghiga niya.Kinumutan ko na din para hindi malamigan.Madalas kasi itong nawawala sa ayos ang kanyang pwesto.Minsan ang ulo niyang nakapwesto sa headboard ay napupunta sa paanan.Animo'y pa counter clockwise.Napangiti ako sa naisip ko at binigyan ko pa siya ng huling sulyap at syaka lumabas.

      Pumunta ako sa cr at nagbabad doon.Tinanggal ko ang damit ko hanggang sa wala nang natira.Hinayaan kong bumagsak ang tubig sa aking katawan at pumikit.

       Hindi ko alam kung bakit bigla akong naluha.Naalala ko nanaman ang mga nangyari.Ang nangyaring tila empyerno ang buhay ko.Ang mga panahong masaya ako noon ay naglaho na.Nagsisisi ako kung bakit ko iyon nagawa.Dahil sa kapabayaan at katangahan ko.Nangyari ito,pero ganumpaman--nagpapasalamat ako sa Diyos.Pinalitan niya ito ng anghel...anghel na nagbigay ng pag-asa uli na bigyang kulang ang buhay ko.Na kailangan kong maging matatag at lumaban.Dahil ito sakanya---ang anak ko.

     Umiling ako at nagpasyang bilisan ang kilos ko.Masyado akong nag aaksaya ng oras.Kailangan ko pang linisin ang bahay dahil nung mga nakaraang araw ay hindi ako nakapaglinis.Sabado ngayon at mabuti na lang wala akong pasok.

      Madali kong nalinis ang mga kalat.Hindi naman ganon kadumi ang bahay kaya mabilis lang ako.Nagluto ako ng pangtanghalian namin.Maaga kasing nagising si Hunter kaya tulog siya ngayon.Pasado alas sinco nang siya'y nagising at mag-aalas onse na.

      Saktong paglagay ko juice sa lamesa ay narinig ko na ang pababa nyang yapak.Agad akong pumunta sa hagdan at sinalubong siya dahil baka malaglag siya.Mahirap na at baka mapano siya ay diko kakayanin.Hindi naman sa over-protective ako pero kailangan kong magingat.

     "Diba sinabi ko sayo,wag kang bababa ng hagdan ng hindi mo ako tinatawag?"Tanong ko sakanya .Tumango lang sya at tsaka ko binuhat papunta sa kusina.Dumiretso ako sa lababo at ginabayan ko siyang magmu-lumog.Inurong ko ang lamesa at inayos ang upo.

     "Do you want to play with mommy?"tanong ko sakanya habang nilalagyan ko ang pinggan nya.Apat na taon na si Hunter.At pumapasok na sa eskwela.Alam kong masyadong advance pero matalino kasi ang anak ko.Noong nasa sinapupunan ko siya lagi akong nagbabasa.Bukod doon,masasabi kong matalino ako.Ngunit hindi ko alam kung bakit kaunti lang ang namana nya saakin.Tanging ang labi lang ang nakuha nya saakin at ang maputi nyang balat,sabihin na din natin na namana nya ang talino ko,pero nung bata ako hindi kasing talino nya.Seryoso din ako noong bata pa ako.At ngayon nakikita ko sakanya ang sarili ko.Napangiti ako ng marahan,at umiling-iling.Anak ko nga ito.


     "Hindi."Napawi ang ngiti ko,nagbuntong hininga ako,masyado siyang seryoso,pinagsisisihan ko ata kung bakit saakin siya nagmana----nagmana sa pagiging seryoso.


     "Okay,pero sa susunod play with me okay?"Tumango lang siya at nagpatuloy na kumain.Tinititigan ko siya habang sinusubo nya ang kutsara.Tanging tunog lang ng kutsara at tinidor lang ang gumagawa ng ingay sa paligid.Tahimik siya lagi at pati saakin ay masungit.Ayaw niya sa mataong lugar.Hindi siya sweet.Hindi din siya showy saakin.Pero kapag matutulog kami ay lagi siyang nakayakap saakin.

     "Staring is rude mom."Hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin.Napasimangot naman ako at nagsimula nang kumain.Minsan natanong ko sa sarili ko,bakit ang sungit nya?

Voices of BetrayalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon