PROLOGUE

3.4K 161 15
                                    

PROLOGUE

"Okay, class. Our topic for today is all about reincarnation...."

I mentally rolled my eyes when i heard our history subject said. Awtomatikong bumagsak ang aking likod sa sandalan ng upuan habang ngumunguya ng bubble gum. History, i really hate this subject. It's too boring for my liking.

Nag patuloy siya sa pag sasalita patungkol sa reincarnation habang nakaguhit ang masayang ngiti sa kanyang labi. Kumikinang din ang kanyang maamong mga mata. Humikab ako at tamad na nag taas ng kamay upang makuha ang kanyang atensyon. I can't do this anymore. I want to sleep.

She smiled at me. "Yes, Luna?"

"May i go to use the restroom?" Walang gana kong tanong.

Ngunit kahit hindi naman siya pumayag ay lalabas parin ako ng classroom. Humingi lang ako ng pahintulot dahil baka may mag report na naman sa akin kila mommy at daddy.

Nakita kong mas lumawak ang ngiti ni Miss Fairlyn noong marinig niya ang sinabi ko. Kita kong parang kumislap pa ang mga mata niya.

She quickly nodded her head to me. "Sure, Luna. But make it quick, okay? I have a quiz later for this topic."

Kinuha ko na ang dala-dala kong isang itim na notebook at isang ballpen bago ako nag lakad palabas ng classroom. Heto lang ang dala ko dahil hindi naman ako mahilig mag take down notes. Kapag may quizzes naman ay awtomatikong may mag bibigay ng papel sa akin para gamitin.

Tumaas ang kilay ko noong malagpasan ko si Miss Fairlyn na ngayon ay titig na titig sa akin habang nakangiti. Bahagyang nag salubong ang aking kilay noong tuluyan na akong makalabas ng classroom. Miss Fairlyn is really weird. She's always creeping me out the way she looked and smiled at me.

Maamo ang mukha niya. Maganda at magaling mag turo. Pero ramdam kong mayroon talagang kakaiba sa katauhan niya. Lalong lalo na sa mga kinikilos niya palagi.

Minsan ay bigla niya na lamang akong lalapitan para kausapin. It's not all about my grades or any related from my study. She's just going to spit some nonsense things. Tapos pag nakitang hindi ako interesado ay tititigan niya ako na para bang may gusto pa siyang sabihin sa akin ngunit pinipigilan niya lamang ang kanyang sarili. Sumusulpot din siya kung saan saan. Minsan ay nagugulat pa akong nasa tabi ko na pala siya. She's really a creep.

"Is that Luna? Saan kaya siya pupunta?"

"Baka vacant class siya,"

"Ang ganda talaga niya, 'no?"

"Oo. Masama nga lang ang ugali,"

Umikot ang mata ko noong marinig ko ang bulungan ng mga estudyante sa isang classroom na nadaanan ko. Pasimple ko silang malamig na tinignan dahilan upang mabilis silang mag iwas ng tingin sa akin at yumuko.

Umismid ako at hindi na sila pinansin bago ako nag patuloy sa pag lalakad. Hindi naman talaga ako pupunta sa banyo ngayon. Dahil ang plano ko ay umuwi sa bahay, kumain at matulog. Wala rin naman doon ang parents ko dahil nasa out of town business sila. Ang kapatid ko naman ay wala rin doon for some confidential reasons.

After a couple of minutes of walking. I finally reach my destination. Ang likod ng University kung saan madalas kong dinadaanan upang lumabas ng campus.

Nag iinat ako habang nakatingala sa mataas na pader ng aming campus. It's full of plants here. Maging ang pader ay may mga halaman narin na gumagapang, may mga lumot narin sa ibang bahagi.

I then looked at the CCTV footage here before raising my middle finger. I'm hella sure that this day will not end without my mom scolding me about this. Paniguradong mag susumbong na naman ang sipsip na si dean upang sabihin ang kalokohang ginawa ko ngayong araw.

Reincarnated | √Where stories live. Discover now