Hwaiting(fighting)

4 0 0
                                    

Tinitingala ng maraming tao
Kilala sa buong mundo
Gamit lamang ang musika
Lahat ng tao ay napapakanta

May masaya, may malungkot
Ang bawat kanta ay may hugot
May nakakaindak
Na napapasayaw ka sa galak

Sa likod ng mga kanta
Isang grupo ang may likha
Sayaw kasama ng musika
Nagbibigay tuwa sa madla

Ilang taon na ang lumipas
Maraming bagay na ang nabago
Nagsimula sa ibaba papunta sa taas
Sama-sama hanggang sa wakas

Muntikan ng mabuwag
Kailanman hindi maduduwag
Lalaban hanggat kaya
Di lang para sa grupo kundi sa lahat

❄️Where stories live. Discover now