Selda

3 0 0
                                    

Sa apat na sulok ng kahon
Nakulong ng matagal
Isang munting bintanang nagbibigay liwanag
Kadiliman ang namamayagpag

Walang magawa
Batas na nakatalaga
Pilit kang ibinababa
Pabalik sa seldang ginawa

Nakayukong nagmamakaawa
Sanay palayain na
Sa kulungang pilit na nagpapaniwala
Lahat ng bagay ay masama

Ilang araw,buwan, at taon ang lumipas
Tanaw ang mga ibong nagpapakitang gilas
Nakahawak sa rehas
Nag-iisip kung paano makakatakas

Araw ay palubog na
Tanaw na buwan sa kalangitan
Kadiliman ay babalik na
At wala ng magagawa pa

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 29, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

❄️Where stories live. Discover now