Chapter 1

4.3K 182 23
                                    




Unedited....






"Okay ka lang?" tanong ni Grey sa akin kaya tumango ako.

"Oo naman."

"Malapit na tayo," sabi niya kaya napabuntonghininga ako. This is it! Kailangan ko nang harapin ang buo kong pamilya. Walong na taon na ang nakalipas pero ang kakambal ko lang ang naging kasangga ko sa lahat ng oras.

"Okay," sagot ko at nilagay ang earphone sa tainga pero agad niyang hinatak at tinago.

"Ikaw ang magpaliwanag kina Daddy," sabi niya kaya napangiwi ako. Nagpaalam ako na sa ibang bansa mag-aral dahil pangarap kong maging isang fashion designer at ngayon ay taas noo kong ipagmalaking kilala ako sa fashion industry sa ibang bansa nang walang tulong mula sa pangalan ng pamilya. Noong high school ako, madalas nilang sinasabing pangit ng design ko at kaya lang ako nakilala ay dahil sa mukha ko at sa pamilya ko. Nakaka-pressure. Gusto kong tumayo sa sariling mga paa ko pero sa paningin ng lahat, wala akong pangalan kung hindi dahil sa pamilya ko.

I decided na mangibang bansa na kung saan, naging malaya ako. Walang nakakaalam ng tunay kong pagkatao at malayo sa panghuhusga ng lahat. I worked with models sa Paris.

"I am so proud of myself," bulong ko kaya napatingin itong pogi kong kakambal sa akin.

"Proud?" he raised his brows na para bang napaka-impossible ng sinabi ko.

"Because I am so sikat at marami na akong napanalunang patimpalak plus my model won the national costume," nakangiting sabi ko. Lately, nanalo bilang best in national costume sa Miss Universe ang gawa ko.

"Is that concerns you a lot?" tanong niya at kinain ang tinapay na bigay ng Qatar airways. Kakagising lang niya kaya ngayon lang siya kakain kung kailan palapag na ang eroplanong sinasakyan namin. "Or si Daddy?"

Napabuntonghininga ako. Madalas naman akong umuuwi sa Pinas lalo na kapag may occasion pero iba ngayon. Mas lalo akong kinabahan nang matanaw ko ang maliliit na building sa baba ng sinasakyan naming eroplano kasabay ng pagsakit ng magkabilang tainga ko.

"Come what may," sagot ko at ngumuya ng bubble gum para maibsan ang sakit ng tainga. Ito ang pinakaayaw ko kapag sumakay sa eroplano, ang pagsakit na lang bigla ng tainga ko dahil sa pagbago ng pressure.

Iilan pa lang ang nakakaalam ng sikreto ko.

"Saan ka didiretso?" tanong niya.

"I miss her!" nakalabing sagot ko. One week na kaming hindi nagkita kaya sabik na sabik akong makita si Sabina. Nauna siyang umuwi sa Pinas kasama ang naging matalik kong kaibigan na yaya niya kaya doon na ako didiretso.

"Make sure na pupunta ka bukas sa bahay," sabi niya kaya tumango ako. Hindi alam ni Daddy na uuwi ako. Birthday niya bukas kaya i-surprise ko siya ng apo. Yes, Sabina is my secret daughter. Siya talaga ang pinakarason kung bakit ako nangibang bansa. I was three months pregnant at nang manganak ako ay itinago ko ang baby sa at ipinapaalam sa pamilya na anak ito ng bestfriend kong si Mariel. Si Grey at Kuya Red lang ang nakakaalam ng sikreto ko at sila rin ang sumusuporta sa akin financially. Tatlo kaming magkapatid at unica hija ako kaya kahit na mali, sinusuportahan pa rin nila ako. Noong pumunta si Daddy sa Japan, nakapanganak na ako kaya hindi niya nalaman at my sumusuporta ring pamilya mula sa Lacson kaya naging madali ang pagtago ko kay Sabina.

"Oo naman, pwede bang hindi eh, birthday ni Daddy," sagot ko. I felt guilty, sa totoo lang. Mahal ko si Daddy at sobrang proud ako sa pagiging responsable niyang ama sa amin. Buti pa siya, kahit na nahihirapan, handa siyang gawin at talikuran at kasikatan para sa aming mga anak niya.

My Secret PregnancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon