Chapter 4

3.7K 179 15
                                    

Unedited...

"Ano 'yan?" tanong niya nang may bitbit na paperbag si Rafael.

"Damit mo," sagot nito at inabot sa kanya ang paperbag. "Kasya naman yata 'yan sa 'yo."

"Saan galing?"

"Binili ko. Ayaw mo namang sumama. Ito para 'to kay Sabina."

"Bakit nag-abala ka pa?" sinilip niya ang laman ng bag. In fairness, hindi basta-basta ang brand nito.

"Hindi naman ako naabala," sagot nito. Hindi niya inaasahan ang sunod nitong ginawa, hinalikan siya ni Rafael sa kanang pisngi kaya natigilan siya. "Where's our daughter?"

"Sa kusina, kinukulit si Manang Jelai."

"Ah, mukhang masarap ang luto ni Manang Jelai a," sabi ni Rafael.

"Kikiam," sagot ni Tangerine. "Gusto kong kumain ng kikiam e."

"Masarap magtimpla ng sauce si Manang Jelai."

"Okay. Kumusta ang date?"

"Wala nga kaming relasyon ni Petra. Kaibigan ko lang siya at niloloko ka lang niya."

"Niloloko? Sya ang dreamgirl mo! Ang sabi mo gusto mo ang ganyang katawan at hindi kagaya sa akin na parang kawayan lang!"

"Ba't ba palagi mong binabalik ang nakaraan?"

"Dahil ganun ka sa akin noon! Masyado kang hard!"

"I'm always hard on you, baby."

"Huwag mo 'kong tawaging baby!" inis na sabi niya. Naalala niyang iyon ang gusto niyang itawag sa kanya noon ni Rafael pero hindi naman ginagawa ng mokong.

"Akala ko ba gusto mo?"

"People change."

"Same with your feelings?"

Nagkasalubong ang mga mata nila pero inirapan niya ito para pagtakpan ang kakaibang nararamdaman.

Dumiretso si Rafael sa kusina para puntahan ang anak.

"Daddy!" Agad na binuhat niya ang anak at pinaliguan ng halik sa mukha.

"How's my baby?"

"Dad? We're eating kikiam!" Sabi niya at pinakita pa ang hawak na may kagat na kikiam.

"Good. Do you like it?"

"Super!" sagot nito at hinalikan ang ama sa mga labi tapos tinitigan sa mga mata. "Daddy? Let's play."

"Sure. Look, may binili akong damit at new doll mo."

"Wow!" manghang sabi nito at niyakap sa leeg ang ama. "I love you, daddy."

"I love you too, baby. Tara, laro tayo sa playground."

Buhat ang anak, lumabas sila sa bahay. Naramdaman niyang sinusundan sila ni Tangerine hanggang makarating sa playground area. Pinasakay niya sa swing ang anak at hinarap si Tangerine.

"Handa ka na talagang magkapamilya, 'no? Kumpleto na ang bahay mo eh. May playground na rin," puna ng dalaga.

"That's my goal naman. Siyempre nagtatrabaho ako para sa magiging pamilya ko," sagot niya.

"Talaga? At hindi mo inaasahan na mapaaga ang goal mo," sabi ni Tangerine.

"To be honest, yes," sagot ng binata kaya nakaramdam ng lungkot si Tangerine. Kung wala silang anak, malamang sa ibang babae nito pinangarap na bumuo ng pamilya. Naupo siya sa kabilang swing at pinagmasdan ang anak na tuwang-tuwa sa pagduduyan ng ama nito.

My Secret PregnancyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon