MPMHP 12

349 12 0
                                    

Loisa's POV


Ngayon na gaganapin yung surprise party para Lolo "Mam Loisa san po ilalagay to?"- tanong nung isang katulong namin "Dun na lang po sa tabi ng stage, okay na po ba yung mga food?"-sabi ko. "Ay kanina pa po okay. Sige po maiwan ko po muna kayo."-sabi niya.

Matutuwa kaya si Lolo??

"Hi!!" "Ay put- Nakakagulat ka naman"-sabi ko si Josh lang pala kala ko kung sino.

"Pwede ba tumulong?"-tanong niya sa akin "Sige! ^__^"- sagot ko.

Marami rami na rin kaming natutulong, kaso may di pa ayos eh?

"Yung stage di pa ayos"-sabi sa akin ni Josh "Oo nga no."-sabi ko.

"Oy pede tumulong?"-tanong nung dalawa. "Sige."-sagot ko.

Habang nagtutulong tulong kami sa stage nagkakatuwaan kami, ang corny kasi ni Maris.

"Anong patatas ang Chief?"-tanong niya "Ano?"-sabay sabay naming tanong, "Edi POTATO-chief!"- sagot niya. "Ang corny mo bff"- sabi ko sa kanya.

Maris's POV

Buti na lang may gagawin kami ngayon, kasi papapuntahin na naman ako ni Daddy sa office nya tapos dun lang ako maghapon. Kaya ayoko ng walang pasok eh. Nabobored lang naman ako sa office nya eh, wifi kain lang trabaho ko.

"Lalim ng iniisip mo?"-biglang sabat ni Manolo "Wala nga akong iniisip eh."- palusot ko.

"meryenda muna daw tayo sabi ni Loisa, tara sa loob nandun sila."-sabi niya, sumunod na lang ako. Baka magalit na naman yan sa akin eh.

"Loisa shakeys ba to?"-tanong ko "oo. Bakit?"-sabi niya "Wala lang"-sabi ko.

"Anong oras sisimulan yung party?"-tanong ni Joshua "Sabi ni Dad 3:30 dating ni lolo baka mga 4:00. Guys mamaya may papakilala ako sa inyo"-sabi ni Loisa.

Ang friendly nya talaga, kaya maraming natutuwa sa kanya eh.

"Bukas baka magswimming kami kasi hobby na namin yun pagdumadating si Lolo, diba maris?"-tanong nya sa akin, "Oo. Lagi nila ako kasama eh."-sabi ko. "Sama kayo?"-tanong ni Loisa sa dalawa. "Sige."

Loisa's POV

Malapit na dumating si Lolo. Ako nga pala ang pinakafavorite na apo ni lolo.

"Anak Loisa pagdating ng lolo mo gusto ko ikaw ang unang yayakap sa kanya ha?"-sabi ni Dad. "Sige po"- sabi ko.

My Princess met Her PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon