Loisa's POV
Loissssssaaaaa!- ang sakit sa tenga grabe.
Ano ba? Aga aga nanggigising. Bakit?- tanong ko. Sino pa edi si Maris, ewan ko kung pano napadpad dito yan. Pumasok ka na male-late na tayo- sabi niya.
Sige na. Lumabas ka na.- sabi ko, Ay teka, eto yung suotin mo ngayon.- sabi ni Maris sabay bigay nang damit. Bakit ganito?
Naligo na ako, kaya pagkatapos kong magbihis pumunta na ako sa kitchen para mag-breakfast kaso walang nakahanda eh.
Tara na nga. Sa school na lang tayo kain.- sabi ni Maris, sabay hila sa akin sa labas.
Pagkapunta namin ng school, maraming estudyante ang nakakalat sa labas ng gate.
Bawat madadaanan ko ay nagbibigay sa akin ng rose. Ganito ba talaga ako kaganda, para magustuhan ng lahat?
Ate, may nagpapabigay po-sabi nung isang lalaki na mukhang 1st year h.s.
Binuksan ko ka agad yun.
OMG!
Loisa,
Pumunta ka sa room natin. May inihanda akong suprise. Sana magustuhan mo at sana masagot mo yung mga tanong ko. Pumunta ka na ngayon, bilis.
-JoshuaParang tumigil yung ikot ng mundo ko. Ano pang hinihintay mo. Punta na.- dyan lang alo natauhan.
Pagkapunta ko dun, lumakas yung tibok ng puso ko.
May naglagay ka agad ng piring sa akin. Dinala ako sa isang upuan.
Sana naman po lord, hindi to katulad ng mga napapanood ko sa t.v. kasi kung ganun yung mangyayari sa akin mamamatay ka agad ako ng maaga.
Tinanggal nila yung piring ko. Wow! Is this real?
Nakita ko si Joshua naggigitara sa stage, or should I say mini stage.
Nakatitig lang ako magdamag sa kanya, ang gwapo talaga niya. Kahit kaibigan ko siya di ko maiiwasan na mainlove sa kanya.
Pagkatapos niyang maggitara, may malaking banner na nakalagay Loisa, can you be my girlfriend?
How so sweet, Josh??Pagkababa niya, kinuha niya yung kamay ko at inabot ko naman.
Ang lambot ng balat niya, teka? Panaginip ba to? O eto yung epekto ng mga romantic movies?
Can you be my girlfriend?- tanong niya sa akin, akala ko sa movie lang nangyayari tong mga ganito.
YES!- sigaw na sabi ko, lumapad naman yung ngiti niya. Agad kong hinawakan yung mukha I love you!- sabi ko I hate you too- sabi niya. Aba! Ano to lokohan? Ibig sabihin nun I love you too.- natauhan ako nang sabihin niya yun.
Pakiss nga- sabi niya Kiss your face- sabi ko. Naglakad ako palayo sa kanya.
Kasabwat pa talaga niya yung mga estudyante dito?
Kain na tayo. Alam ko di ka pa kumakain.- sabi niya in a sweet tone. Ang sweet talaga niya. Swerte ako sa kanya.
Pagkatapos namin kumain pumunta kami sa Mall. Pinagpaalam na niya daw ako sa teacher ko.
Gusto mo nito?- sabi sa akin ni Josh sabay pakita ng Dress, impyernes ang galing niya mamili ng damit. Ang ganda niyan ah. Sukat ko- sabi ko. Agad akong nagpunta sa fitting room.
Pagkatapos nun binili namin yung dress, masyado marami na rin kaming nabili. Kaya napagpasyahan namin na umuwi na.
Habang nakasakay kami sa kotse niya ang tahimik namin Alam mo Josh unang beses pa lang kita makilala, may naramdaman ka agad ako sayo.- pagbabasag ko ng katahimikan.
Ano?- sagot niya, Love at first sight? Parang ganon lang?- sabi niya ulit. Nag-isip muna ko Hmmm? Parang ganon na nga.- sabi ko.
Pagkatapat namin sa bahay, nagpaalam ka agad ako. Kiss ko?- sabi niya, Nasa tapat po tayo ng bahay namin, Mr. Garcia.- sabi ko. Nag-wave na lang ako ng kamay sa kanya. Pagkatapos umalis na siya..
