Heaven

29 6 2
                                    

        Marahan kong idiniin at pinadadaaan ang bow sa kwerdas ng aking biolin. Habang nakapikit, dinadama ko ang bawat pag nginig ng mga kwerdas; malamlam iyon at puno ng emotion. Madilim ang bawat nota sa umpisa ngnit unti unting lumiliwanag at lumalakas. Nanunuot ang ritmo at nagsisimula na akong makaramdam ng pananayo ng balahibo.

        Ang pakiramdam na iyon ay unti unting bumabalot sa akin. Mula ulo, hangang paa. Habang patuloy sa pag taas ang mga nota, unti unti itong nagiging sopistikado. Habang papalapit ako sa gitna, tuluyan na akong nahumaling sa pakiramdam na ito. Nahuhulog na ako sa lawa ng sakdal, hindi ko na madama ang kamay ko na parang ang tono ang kumukontrol dito.

        Patuloy ang pag taas . . . 

        Taas . . . 

        Taas . . .

        Sobrang taas na halos hindi ko na maramdaman ang paa ko sa lupa. Walang humpay kong dinidiinan ang mga kwerdas, gayun din naman ang bow sa pagtaas nito at pagbaba.

        Taas pahilis, diretsong pababa. Maikling mga pagkiskis, mabibilis at lalo pang bumibilis. Alam kong tama ang ginagawa ko at ito ang ikinasisiya ko.

        Malapit na akong matapos. Isang mabagal na ritmo, biglang bilis at sa unang pag kakataon nagawa kong tapusin ang piyesa ko sa pinaka mahusay at eleganteng paraan. Tinigil ko ang pag tugtog sa isang mataas at pababang tono.

       

         Napuno ng katahimikan ang paligid. Iminulat ko ang aking mga mata. Ilang segundong walang reaksyon sa paligid. Madilim pa rin at malamig. Humupa na ang pananayo ng aking balahibo. Pagkatapos ng ilang segundo, naghari ang malakas na palakpakan mula sa dilim. May ligaya sa mga palakpak ngunit patay ang buong paligid.

        Iginala ko ang aking mga mata sa kadiliman sa aking harapan. Naghahanap, nangingilala. Hindi ako tumigil hangang sa makatagpo ako ng isa.  Nasa bandang kaliwa sya, at nakangiting pumapalakpak.

        Bumukas na ang ilaw at naliwanagan ang napakadilim na Concert Hall. Nakikita na ang mga mukha ng halos 2 libong manunuod sa napakalawak na bulwagang ito. Ngunit kahit sa daming ito ng mga manunuod, nakararamdam pa din ako ng pag kalungkot. Tinitigan ko ang taong nagiisa kong malapit na kakilala tapos ay tumingin sa upuan sa kanyang kanan. Nginitian ko siya ngnit nawala iyon nang makita ko ang upuan sa kanyang kanan.

        Nagsimula na akong yumuko, yuko sa kaliwa, yuko sa kanan at yuko sa harap. Tumayo silang lahat at saka ako tumalikod at nag lakad pabalik sa aking silid sa likod ng tanghalan.

        Sa likod, naupo ako sa upuan at humarap sa salamin. Bakas ang kaba sa aking pawis ngunit kalungkutan ang nasa mga mata. . Nakatitig ako ngayon sa isang hindi kaputiang lalaki na hindi ganoon katangkad. Kayumangi ang kulay na buhok at may mapanuring mga mata na may medyo makapal na kilay at paputlang labi na di karaniwan sa ibang lalake.

        Inoobserbahan ko nagyon ang isang taong sa tngin ko ay hindi ko na kilala.

        "Sino na nga ba ako . . ."

        Bulong ko sa aking sarili.

        "Are you alright?"

        Nagulat ako nang makita ko mula sa salamin na nasa may pintuan na ng aking silid ang kaninay' pinagtuonan ko ng pansin habang nasa tanghalan pa ako. Dahan dahan siyang naglakad papalapit sa akin ng may ngiti sa mga labi ngunit may bakas ng pagaalala sa mga mata.

        "I'm just fine, thank you for your support."

        Ani ko sa kanya habang binibigyan siya ng isang simplem ngiti.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 21, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heaven & EarthTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon