Kabanata 20

36.3K 1K 186
                                    

Kabanata 20

Visit

Nauna akong nagising sa aming dalawa kinabukasan. Nakasiksik ang kanyang mukha sa leeg ko habang mahimbing na natutulog.

I can hear his low snore beside me, he's really tired from driving yesterday.

Maingat akong umalis sa tabi niya nang bigla siyang gumalaw. I thought I disturbed him but he goes back to sleep soundly. He's hugging my pillow, mukhang tuluyang nakalimutan na may katabi siya.

Kahit sa mahabang kurtina na nakatakip, nakikita na sa likod ang mataas na sinag ng araw.

Matapos inayos ang sarili sa banyo, tahimik na lumabas na ako ng kwarto. Nang makababa sa hagdan, agad kong nakita ang mayordona na kakalabas lang galing sa kusina, na may dalang juice sa isang tray.

Nanlaki ang mata niya nang makita ako. Nahihiya akong yumuko bilang pagbati.

Ang makita ako sa mansyon matapos ng mga nangyari ay talagang nakakagulat.

Hindi niya alam kung ilalapag niya ba ang tray para malapitan ako. Wala siyang malalapagan kaya tinignan niya na lang ako at nilapitan.

"Ayos ka lang ba? Mabuti't nakabalik ka!"

She looks happy. Ngumiti ako.

"Ayos lang po ako. Kayo po ba?"

"Maayos ako! Naku, ikaw na bata ka talaga!"

Tumawa lang ako nang makitang gusto niya talaga ako hawakan, hindi lang magawa dahil may bitbit.

"Halika, dito muna tayo."

Itinuro niya ang daan patungo sa swimming pool. Sumunod ako habang abala siya sa pangangamusta sa akin.

Nadatnan ko ang Doña sa swimming pool, mag-isa. Mukhang kanina pa gising at dito na naligo.

Umahon siya nang makita ako.

"Good Morning po," bati ko.

"Good Morning, hija. Maupo ka."

Inilapag ng mayordona ang juice sa maliit na lamesa, malapit sa dalawang sun lounger. Nagpaalam din dahil maghahanda pa raw ng almusal.

Hindi pa masakit sa balat ang sikat ng araw dahil sa maaga pa, saktong-sakto ang oras para maligo. I'm tempted to swim but I remember before it's too deep for me.

Naupo ako sa isang sun lounger at nasa katapat ang Doña. She sends her apologies to me last night, halos hindi siya tumigil kung hindi lang sinaway ni Declan nang makitang hindi ako komportable. 

Halos hindi ko matanggap na ang Doña ang nanghihingi ng tawad sa akin kagabi, nakakapanibago. Mataas ang tingin ko sa Doña noong unang kita ko pa lang sa kanya kaya medyo hindi ako komportable.

"I'm relieved that you're finally here," biglang sabi niya.

Ngumiti lang ako, hindi alam kung saan iyon nanggaling.

She stood up and grabs a black robe.
She's beautiful even with her age, mukhang hindi man lang nadadagdagan ang edad.

Bumalik siya sa pagkakaupo nang maisuot na ang roba.

"He left the hacienda the day you left, hija. He never goes back for months because he's searching for you. Kagabi lang siya muling nakauwi, kasama ka."

Inilipat niya ang kanyang tingin sa harapan. Nananatili naman akong nakatitig at nakikinig sa kanya.

"Alam kong may galit siya sa amin ni Amando kahit hindi niya sabihin. His treatment towards us changed, when you left." She glanced and smiled at me. "Hindi kita kailanman sinisi dahil alam kong nadamay ka rin sa kasalanang nagawa namin ni Amando."

DM #1: Declan AndradaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon