Collette's POV
"Okay class, dismiss."
Nag-uunahan na lumabas ng classroom ang mga estudyante habang ako naman ay abala sa pagliligpit ng mga gamit ko. Pagkatapos ko roon ay lumabas na ako at dumiretso na sa opisina ko sa guidance office dahil isa rin akong guidance councillor.
"Ma'am Hermosa!"
Napatingin ako sa nagsalita at nakita si Maddy, isa sa mga estudyante ko. Nakangiti itong pumasok sa loob habang nasa likuran niya ang kaniyang kamay.
"Madison, ano na naman ang ginawa mo?" mataray kong tanong dito at tinaasan siya ng kilay. Tinawanan niya naman ako at iniangat ang kaniyang kamay kaya agaran akong napatayo sa matinding pagkagulat.
"Ginupitan ko ng buhok ni Betty at sabi ni Ma'am Yen ay puntahan daw kita," nakangiti nitong sagot na hindi kababakasan ng pagsisisi sa kaniyang mukha at boses, mukha ngang nag-enjoy pa siya sa ginawa niya.
Ilang saglit lang ay dumating na si Miss Yen kasama ang estudyante nitong si Betty na hindi na pantay ang pagkakagupit ng kaniyang buhok.
"BRUHA KA TALAGA!"
Sinugod ni Betty si Maddy at nagsimula silang magsabunutan sa aming harapan kaya naman inawat agad namin sila. Mas lalo kaming napangiwi nang makitang may panibagong buhok na hawak si Maddy kaya umiyak na lamang ng malakas si Betty.
Pinatahan naman siya ni Miss Yen samantalang inagaw ko na kay Maddy ang hawak nitong gunting, at nagkausap-usap kaming apat sa loob. Napag-alaman ko na kaya naman pala ginupitan ni Maddy si Betty ay dahil panay ang pagtatawag sa kaniya ni Betty ng bruha kaya ang ginawa niya ay ito ang ginawa niyang bruha.
"Pinaramdam ko lang sa kaniya ang feeling ng pagiging bruha," sagot ni Maddy at sumagot naman si Betty.
Sumasakit ang ulo ko sa sumbatan nilang dalawa kaya naman tinapos ko ang usapan sa pagsasabi ng, "tawagin niyong pareho ang parents niyo upang magkausap-usap tayo bukas."
Matapos iyon ay kinuha ko na ang bag ko at naglakad na palabas ng opisina sabay inilock ang pinto. Sinimulan kong maglakad paalis at gaya ng dati ay ako na naman ang huling uuwing guro.
"MA'AM!"
Napatalon ako sa gulat dahil sa biglaang paglitaw ni Madison na sinabayan niya ng malakas na pagtatawag sa akin, at tinawanan pa ako nito.
"Ano ba?! Pwede bang sa susunod ay huwag mo na ulit akong gugulatin?" sermon ko sa kaniya na tinawanan nito at sinabayan ako sa paglalakad.
"Ma'am naman, isang taon ko ng ginagawa ang panggugulat sa'yo, dapat ay sanay ka na," saad nito habang nakangiti at inilagay sa kaniyang batok ang kaniyang magkasiklop na palad kaya naman mukha siyang lalaking tambay kung maglakad.
Napakaganda niyang babae pero... ewan ko ba. Sobrang sakit niya sa ulo at para siyang lalaki kung umasta, nagsalita, maging sa pananamit.
"Oo at isang taon mo na rin akong binibigyan ng sakit sa ulo. Tignan mo, tumatanda na ang hitsura ko dahil sa ginagawa mo," inis ko namang panunumbat kaya napatingin ito sa aking mukha at ngumuso.
"Mukha ka naman talagang matanda kaya anong bago?"
Sininghapan ko ito at sinipa ang kaniyang hita gaya ng lagi kong ginagawa sa kaniya kapag uwian na namin.
Si Madison ay isa sa mga estudyante kong matindi ang ibinibigay na sakit sa akin sa ulo pero para ko naman siyang kaibigan kapag uwian na, pero wala siyang plus points sa akin, at hindi ko siya paboritong estudyante. Nang dahil sa kaniya ay na highblood ang dating guidance councillor kaya naman ako ang ipinalit tutal ay mas bata ako, at hindi mahahighblood or mamamatay agad.
What a worst position I'll ever have.
Dalawang taon pa lang akong nagiging guro pero ginawa na agad akong guidance councillor at hanggang ngayon ay naroon pa rin ako. Sanay na ako sa araw-araw na gulo ng mga estudyante pero rinding-rindi pa rin ako sa kanila.
Normal lang naman ito tutal ay mga highschool pa lang sila. Nagsisimula ang mga kalokohan, hindi naiintindihan ang ginagawa, padalos-dalos, at ang babaw mag-isip. Gaya na lamang ni Maddy.
"Madison, huling kalokohan na ito ha? Lagi na lang napapatawag ang mama mo dahil sa mga pinaggagagawa mo, hindi ka ba naaawa sa kaniya?" pagbubukas ko ng usapan habang naglalakad kami na sinasabayan namin ng pagkain ng ice cream.
"Kasalanan mo po iyon teacher dahil ikaw naman ang nagpapatawag sa kaniya at hindi ako. Hindi ka ba naaawa sa mama ko?" pamimilosopo nito na ikinangiwi ko.
May punto siya pero bwisit pa rin siya. Tama nga ang mga instructor ko noon. Kung kami ay mga demonyong mga estudyante, what more ang mga magiging estudyante na namin?
They're more worst than Satan.
Natigil ako sa paglalakad nang may makasalubong ako at nahulog sa semento ang hawak kong ice cream kaya naman yumuko ako.
"Pasensya na," usal ko habang nakangiwi at nag-angat ng mukha. Agaran naman akong nahinto ng makita ang mukha nito.
Hazie.
Napatingin ito sa kaniyang wristwatch at dinaanan lang ako na ikinatanga ko. T-teka, si Hazie ba talaga iyon o guni-guni ko lang iyon gaya ng palagi kong nakikita?
"Ma'am, ayos ka lang?" tanong ni Madison dahilan upang bumalik ako sa reyalidad at nilingon ang lalaki pero wala na ito.
Napahawak ako sa dibdib ko. Sa loob ng limang taon ay ngayon na lang ulit kumabog ng ganito ang puso ko. Matagal-tagal na rin noong huli itong tumibok na animo'y sabik na sabik at kinikilig.
"Huwag mo sabihing aatakihin ka na sa puso. Ma'am hindi pwede 'yan, kapag nangyari 'yun ay wala ng pamalit na guidance councillor sa'yo," saad ni Madison sa aking tabi pero hindi ko siya pinansin at nginitian na lang ito.
Hazie Finnegan, talaga bang bumalik ka na o guni-guni lang ulit kita?
Gusto kong maniwalang bumalik na siya pero ni hindi niya man lang ako sinulyapan kanina na para bang isa lang akong taong hindi niya kilala. Walang lumitaw na emosyon sa mukha niya. Hindi iyon gaya ng dati na kikislap sa tuwing nakikita ako. Tataas ang magkabilang gilid ng kaniyang labi upang matamis akong nginitian. At yayakapin ng mahigpit.
Mapait akong ngumiti kasabay ng pagtulo ng aking luha.
Hazie, miss na kita. Miss na miss na kita.
|•••|
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
|•••|
A/N: Ang pagpapatuloooy.
Kung hindi mo pa nabasa ang REMEMBER ME, BINIBINI? ay basahin mo muna bago ito. Mas malilinawan na ka sa mga pangyayari.
Sana ma-enjoy mo ang pagbabasa ng love story ni Hazie at Collette❣️
BINABASA MO ANG
Remember Me, Hazie?
Romance|| PART TWO || Ilang taon na rin ang lumipas matapos ang nangyaring aksidente at ilang taon na ring nangungulila si Collette Hermosa sa lalaking dapat ay pakakasalan niya. Paano kung isang araw ay muling magtagpo ang landas nila? Ngunit sa pagtatag...