Collette's POV
Lumipas ang mga araw at ngayon ay nakabalik na ako. Sumakto kasi na may sabado at linggo kaya na extend pa ang pamamahinga ko, ngayon balik stress na naman.
"Collette."
Natigil ako sa paglalakad at nilingon ang tumawag sa akin. Natanaw ko ang isang magandang babae na nakangiti sa direksyon ko at nagsimula itong maglakad palapit sa akin.
Pinagmasdan ko ng mabuti ang mukha nito hanggang sa manlaki ang aking mata at napatakip sa aking bibig nang mapagtanto kung sino ito.
"Venice? Oh my god, Venice!" tili ko at mahigpit itong niyakap pero agaran din akong lumayo sa kaniya at pinagmasdan ito mula ulo hanggang paa. "Wow, napakaganda mo pa rin pero mas gumanda ka pa lalo."
Natawa ito at hinawi ang buhok niyang humaharang sa kaniyang mukha.
"Well, alam mong maarte akong babae kaya alagang-alaga ko ang sarili ko," tugon nito sabay nginitian ako. "Matagal na rin tayong hindi nagkita. Nakakamiss kang bruha ka."
Muli na naman kaming nagyakapan ng mahigpit. Siya lang ang kaibigan na close na close ko kaya naman ganito kami, dahil nga kay Hazie ay mas napalapit pa kami.
Maraming ginawang tulay si Hazie para sa akin. Siya ang dahilan kung bakit isa na akong guro ngayon, kung hindi ko siya nakilala ay paniguradong hindi ako pasado. Siya ang nagdugtong sa akin sa anim na siraulo. At siya rin ang mas nagpatibay sa samahan namin ni Venice. At lalong-lalo na siya ang nagturo sa akin na 'wag umiyak sa mga walang kwentang bagay, lalo na sa walang kwentang tao.
"Pwede bang lumabas tayo mamaya kapag tapos na ang klase mo? Gusto talaga kitang makasama," wika ni Venice na tinanguan ko bilang pagsang-ayon.
Nagkasundo kaming dalawa na magkita rito sa labas sa pasadong 5 pm dahil iyon naman ang oras ng uwian ko at may aasikasuhin pa raw siya kaya naman nagpaalam na ito.
Sabik kong pinalipas ang oras at mas lalong natuwa nang dumating na ang 5 pm kaya naman lumabas na ako.
"Ma'am!"
Nahinto ako at nakita si Madison. Oo nga pala, palagi nga pala kaming sabay na umuuwi at mukhang wala si Jaxon para sunduin siya.
"Maddy, lalabas ako ngayon kasama ng kaibigan ko, gusto mo bang sumama?" alok ko rito na hindi niya naman tinanggihan dahil wala naman daw maghahanap sa kaniya sa bahay nila dahil abala ang lahat, lalo na si Jaxon.
"Venice!" sigaw ko at kinawayan ito kaya nakangiti siyang naglakad palapit sa akin. "Nga pala, pwede ba nating isama itong si Maddy?" tanong ko kaya naman napatingin ito sa direksyon ni Madison at matamis na ngumiti.
"Sure, why not?" tugon ni Venice kaya naman natuwa ako.
Sumakay kaming tatlo sa kotse ni Venice at pinaharurot niya iyon paalis.
"Venice, kumusta ka na? Nakapag-asawa ka na ba?" untag ko rito na tinawanan niya.
"Hindi pa, pero may boyfriend ako at apat na taon na kami. Nagpaplano na nga kaming ikasal dahil baka may umepal pa," turan nito na tinawanan ko.
"Bilib din ako sa inyong dalawa. Kayo na ata ang pinakamatandang mga babae na nakilala kong wala pang asawa," singit ni Madison kaya nagkatinginan kami ni Venice at sabay na natawa.
"Maddy, hindi pa naman kami ganu'n katanda, 27 pa lang kaming pareho at ineenjoy pa namin ang buhay namin," paliwanag ko rito na nginusuan niya at dumungaw sa bintana.
"Basta ako, kapag may nagtagal sa akin na lalaki sa loob ng dalawang buwan ay pakakasalan ko na agad," bulalas nito sa hangin na nginiwian ko.
"Masyado naman atang mabilis iyon," wika ni Venice na inilingan ko.
BINABASA MO ANG
Remember Me, Hazie?
Romance|| PART TWO || Ilang taon na rin ang lumipas matapos ang nangyaring aksidente at ilang taon na ring nangungulila si Collette Hermosa sa lalaking dapat ay pakakasalan niya. Paano kung isang araw ay muling magtagpo ang landas nila? Ngunit sa pagtatag...