02: I'm Not Hazie

20 8 0
                                    

Collette's POV

Gaya ng nakasanayan ay bumangon ako ng 4 am. Nagsimula akong magluto ng pagkain ko at habang naluluto iyon mag-isa ay naliligo ako sa malamig na tubig. Palibsa'y wala rito sina Mama at Papa na mag-aasikaso sa akin. Isa pa, matanda na ako, kaya naman kailangan kong kumilos ng mag-isa, kung hindi ako kikilos, sino ang gagagawa?

Kung sana nga lang ay narito si Hazie, paniguradong hindi ako maghihirap ng ganito dahil tutulungan niya ako.

Pagkatapos maligo ay kumain na ako. Hinugasan ang pinagkainan ko, nagsuot na ng uniporme at inayos na ang aking sarili. Binitbit ko na ang mga gamit ko at siniguradong walang makakalimutan, lalo na ang mga instructional materials na gagamitin ko sa pagtuturo mamaya.

Lumabas na ako sa bahay hanggang sa makita ko ang nakaparadang kotse ni Hazie at nakasandal siya roon. Nag-angat ito ng mukha at nginitian ako kaya naman kinawayan ko siya pero agaran din itong naglaho sa hangin.

'Yung nakita ko kahapon, paniguradong guni-guni ko lang iyon gaya ng nangyayari ngayon.

Bumuntong-hininga na lang ako at naglakad na. Sumakay ako ng tricycle at nagpahatid hanggang sa makarating ako sa eskwelahan. Inabutan ko ito ng singkwenta at umalis na ng hindi nagbibigay ng sukli, ah oo nga pala, wala na iyong sukli dahil sa layo ng bahay ko rito.

Pumasok na ako sa loob ng eskwelahan at dumiretso sa guidance office, at gaya ulit ng dati, ako na naman ang una at maagang pumasok.

Inayos ko ang mga papel na nasa ibabaw ng aking desk at pinagmasdan ang kabuoan ng opisina ko. Napansin ko na may alikabok na ang ilang gamit kaya naman tumayo ako at nagsimulang maglinis.

Wala dapat alikabok dito, paniguradong pagagalitan ako ni Hazie.

Tumingkayad ako mula sa pagkakatuntong ko sa isang monoblock upang abutin ang kurtina at palitan iyon pero masyado pa iyong mataas kaya naman muli pa akong tumingkayad. Naabot ko na ang kawayan nito pero biglang umuga ang tinutuntungan ko at nawalan ako ng balanse. Nahulog ang katawan ko pero naramdaman kong may sumalo sa akin kaya naman napatingin ako roon at nanlaki ang mata.

"Are you okay?" tanong nito na ikinalunok ko.

Sa boses pa lang nito ay sigurado na ako. Si Hazie 'to!

Idinampi ko sa pisngi nito ang palad ko at iniangat ang aking mukha. Nagdampi ang aming labi pero dalawang segundo lamang ang itinagal nu'n dahil bigla niya akong binitawan kaya naman bumagsak ang aking katawan sa sahig at napangiwi sa sobrang sakit ng pagkakabagsak ng pang-upo ko.

"What the hell?" bulyaw nito sa akin kaya naman napatingin ako sa kaniya. Bakas sa mukha nito ang pagkagulat at pagkainis dahil sa ginawa ko kaya naman nakaramdam ako ng paninikip ng aking dibdib.

"Hazie," usal ko at tumayo sabay hinawakan ang kamay nito. "Ang tagal kitang hinintay." Mahigpit ko itong niyakap at sinigurong hindi na siya mawawala pa sa akin.

Matagal kong hinintay ito. Ang mayakap ulit siya ng mahigpit. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko, natutuwa ako dahil narito na siya, bumalik siya, pero may parte sa aking nasasaktan dahil hindi siya gumagalaw upang yapusin ako pabalik.

"Miss, hindi ko alam kung anong problema mo pero... nakadrugs ka ba?"

Nag-angat ako ng ulo upang tignan ito at pinagmasdan ang kaniyang napaka-gwapong mukha, limang taon na rin ang lumipas, limang taon na ang nakalipas pero mas lalo siyang gumagwapo, unti-unti niya nang nagiging kamukha ang kaniyang ama.

"Hindi ako nakadrugs. Hazie, namiss talaga kita," nakanguso kong sambit na ikinakunot ng noo nito at tinapal ang mukha ko dahilan upang mapalayo ako sa kaniya.

Remember Me, Hazie?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon