Chapter I

11 5 0
                                    

What are your reasons for taking this program? I know na ang bawat isa sa inyo ay mayroong dahilan kung bakit kayo nandito sa klase ko right?


My professor said in front of the class while looking at each one of us.


It's our first day of class so introduction lang sa mga subjects and course ngayon. Ang dalawa kong kaibigan ay nakahiwalay ng upuan dahil alphabetical order ang seating arrangement. Biruin mo 'yon college na kami tapos ganito pa rin?


Honestly? I don't know kung bakit ako nandito, sino ba naman ang mag-aakala na ang dating kamuntikan nang bumagsak sa math subject niya noong Junior High School ay nandito sa Unibersidad ng Pilipinas, ang nangungunang paaralan sa bansa at nag-aaral ngayon ng engineering?



Nawala na ang focus ko sa prof na nasa unahan, napupuno nanaman ng mga katanungan ang aking isipan, ngunit hindi ko alam kung kailan o magkakaroon pa ba ng oras na mahahanap ko ang kasagutan.


Ms. Levian! I've been calling you 3 times already! Nasaan na ba ang isip mo at first day of class pa lamang ay nawawala ka na sa huwisyo?
Medyo napalakas ata ang boses ni Ma'am Divina dahil pati ang mga nasa labas ng lecture room ay napatigil sa kanilang ginagawa at ngayon ay nakatingin na sa aming klase.


Sorry ma'am can you please repeat the question po? Mahinang sabi ko na lamang upang hindi na madagdagan pa ang galit ng aking guro. Sa harap ay nakikita ko ang kaibigang si Chelly na nagpipigil ng tawa dahil sa kahihiyang nangyari sa unang araw ng aming klase.



First day of class and here I am. Unang sabi ng aking guro sabay hinga nang malalim. Okay class I think this is not the right time para magalit ako ang magsermon, I know that all of you are still adjusting but please I want your full attention sa mga next lectures. Dismiss.


Nakahinga ako nang maluwag sa sinabing iyon ng aming prof. Grabe Justice ano bang nangyayari sa'yo!



Ano hustisya! Bingo ka kaagad aba dinaig mo pa ako. Pang-aasar ni Chelly habang naglalakad papalapit sa akin.



Astraia Justice! Ano nanaman bang iniisip mo? Nakatingin pa naman ang mga seniors sa atin mukhang student council pa naman ang mga 'yon sabi nung isa nating kaklase. Sabat naman ni Carli ang isa ko pang kaibigan.



Kami na ang magkakasama simula elementary pa lamang, halos kapatid ko na nga ang mga bruha na 'yan. Magkakasabay kaming lumaki at tila hindi na mapaghiwalay. Hindi naman kasi kami taga Maynila sinamahan lang nila ako na hanapin ang isang taong matagal ko nang nais makita.



Grabe ang epic mo mare! tara na nga't maghanap ng jojowain para naman ganahan ako sa engineering. Jusko ang brain cells ko talagang pipisautin, uubusin, at dudurugdurgin ng kursong ito! Madramang pahayag ni Chelly. Kung alam niyo lang na siya ang pinakatamad pero pinakamagaling sa math sa aming tatlo pero kahit ganoon ay hindi mo siya kakikitaan ng kayabanagan sa katawan. Batch Valedictorian kaya namin 'yan.



Lumabas na nga kami ng lecture room, vacant kasi naming ng 2 hours pero hindi naman namin alam kung saan tatambay dahil nga bago pa lamang kami sa lugar na ito. Habang naglalakad ay palinga-linga kaming tatlo dahil nakakatuwang ang daming tao.



Hindi mo nga matukoy kung sino ba ang estudyante at sino ang hindi dahil open ang campus namin at isa pa, walang required na uniform kung kaya't awra lang nang awra.




Hoy! mga bakla puwede na palang sumali sa mga org? ang aga naman yata? Mahinang sabi ni Carli sa amin sabay turo doon sa isang pinto na may nakasulat na "IE: Hataw Sayaw" napatingin naman kami ni Chelly at bigla ko nanamang naalala ang taong matagal ko nang hinahanap.




Mahilig din siyang sumayaw at hindi maikakailang kaya niyang makipagsabayan sa iba't-ibang mananayaw sa buong mundo dahil tulad nga noong kami'y mga bata pa ay palagi na siyang nakakalahok sa mga international dance contest. Kaya nga kami nagkalayo, mahirap pala talaga kapag hindi ka kasama sa mga pangarap niya. Napatawa nalang ako sa aking naisip at dali-daling sumunod sa aking mga kaibigan na noon ay nakalapit na sa hall kung saan nandoon ang mga aspiring dancers' ng aming department. 



Rex! wait for me! sigaw noong babaeng naka maroon shirt sa leader ng org. Nagulat pa ako dahil kapangalan niya ang taong matagal ko nang hinahanap. Bumalik ako sa ulirat nang sumigaw ang ‘Rex’ na tinutukoy noong babae.



Clementine Alessia! I told you not to call me Rex in public places like this! Tila galit na galit na sigaw ng lalaki.



Okay, fine fine Mr. Austin then. Sabi noong Clementine habang pumupungay ang mata sabay kagat sa ibabang labi.
Hala! may LQ pa ata sila, pero ano raw? Austin? Is that his last name? or second name?



Is this still a coincidence that my long-lost childhood friend that I’ve been looking for half of my life has the same name as this guy?




What the fuck is wrong with you? Can you please stop acting like my girlfriend? Can’t you see I only see you as a friend! Halos pumutok na ang ugat ng lalaki habang sinasabi ito.



Mare bakit naman hindi ka sumunod sa amin? Akala ko ba gagawin natin nang sabay ang lahat? Bakit inunahan mo kaming maghanap ng jowa ha!




Nabalik ako sa realidad sa kurot na natanggap ko sa aking tagiliran, hindi ko pala namalayan na natuod na ako sa aking kinatatayuan.



Hindi ko na rin narinig ang sagutan noong magjowa kanina. Pero hindi pa rin maalis sa isip ko na posible kayang ang Rex na hinahanap ko at ang lalaking iyon ay iisa?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Warmth Amidst ChaosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon