- 2 -

5 0 0
                                    

8:00am to 5:00pm barista sa Cafe Xandra

8:00pm to 1:00am promo girl sa Bar 2000

Tinitignan ko pa lang ang schedule ko for two weeks ay nasistress na ako. Ano ba 'tong pinasok ko?!

"Good Morning, Dave. The usual?" Bati ko sa regular customer namin.

"Morning, Jeff. The usual, except make my coffee grande." Sabi ni Dave.

"Ok. Here's your two buttered muffin and latte grande. Cinnamon powder for free." Nginitian ko si Dave. Don't get me wrong pero si Dave ay parang tatay ko na. I think nasa mid 40s na siya. Hindi naman ako nadismaya na kahit papaano ay naibsan ang pagkainis ni Dave.

"Thank you, sweetie." at umalis na si Dave habang iniwan naman ako ng tip.

Kahit na matatawag na 'daily routine' ang trabaho ko sa cafe na ito ay hindi ako magsasawa. Dahil sa cafe na ito ay nakapagtapos ako ng business degree sa college. Minsan nga tinatanong ako ni Kendra kung bakit daw ba ako nagtitiyaga sa cafe na ito kung pwede naman akong magsimula ng sarili kong business.

"Nak, Jeff." Bati sa akin ni Mrs. Helen Chua at niyakap ako. "Is everything ok here?" Tanong niya sa akin.

Si Mrs. Chua, ang may ari ng cafe. Parang tunay na anak na ang turing sa akin ni Mrs. Chua. Nang mga panahon na wala akong matutuluyan siya ang kauna-unahang tao ang tumanggap sa akin na walang pag-aalinlangan. Minsan nga naitanong ko kay Mrs. Chua kung bakit ganoon na lang ang pagtulong niya sa akin. Kinwento niya sa akin na kasing edad ko na sana ang anak niya kung hindi ito namatay noong bata pa.

At doon ko narealize na kaya hindi ko maiwan si Mrs. Chua ay dahil sa kanya ko nahanap ang pamilya na noon ay kinuha sa akin.

"Morning Nay. Ok naman po kami rito. Walang problema." at niyakap ko rin siya ng mahigpit. "Kamusta ang check-up niyo?"

"Nak, huwag mo na akong alalahanin. Alam ko na ang sasabihin mo." Kahit nakangiti siya kita pa rin sa mukha niya ang kalungkotan.

Halos sobrang isang taon na nang sabihin sa kanya ng doktor niya na stage two na raw ang cancer niya. Pero hindi naniniwala si Nanay Helen sa sinasabi ng doktor niya kasi tanging diyos lang daw ang nakakaalam kung kailan siya mawawala sa mundong ito. Minsan kapag nakikita ko ang malaking pagkakaiba sa pangangatawan niya, pinipilit kong hindi umiyak para sa kanya. Kailangan kong maging matapang para sa kanya. Ako na lang ang tanging pamilya na inaasahan niya na maging matatag para sa laban niya, para sa laban naming dalawa.

"Ok. Hindi na ako magsasalita pa." Nginitian ko siya. "Mabuti pa ihatid na kita sa opisina mo at ipagtimpla kita ng paborito mong green tea."

"Thank you, Nak." Bago pa ako makalabas ng opisina niya ang muli niya akong niyakap. "I love you, Jeff."

Kahit anong pilit kong lunukin ang nagbabantang luha sa mata ko ay tumulo pa rin ito. "I love you too, Nay."

Pinahid niya ang mga luha ko nang bumitaw na siya sa pagkakayakap niya sa akin. "Don't cry for me, Jeff." Iyon ang huling sinabi niya bago ako lumabas ng opisina niya.

Hindi ko yata kakayanin na tumagal pa sa loob na hindi iiyak.

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon