- 4 -

7 0 0
                                    

Pagdating namin sa bar ay halos magkapalitan na ng mukha ang mga tao sa dance floor. Giling dito, lower doon sa malakas na music.

"Ok, girls. This is it!" Excited na pahayag ni Kendra.

Nagsipunta na sa iba't ibang bahagi ng bar ang ibang promo girls para simulan ang trabaho.

"I know you can do it!" Inganyo ni Kendra sa akin.

"I'm sure mag-eenjoy ako sa trabaho na ito. Feeling ko nga magreresign na ako sa cafe para maging full-time na promo girl ako eh." Sarkastikong sabi ko kay Kendra.

"Come on! Don't be such a pessimistic." Bahagyang binangga ako ni Kendra.

Inirapan ko na lang siya at pumunta sa iba't ibang table. Kinakabahan ako sa tuwing mararamdaman ko ang mga titig na natatanggap ko sa mga tao, specifically sa mga lalaki. Gusto ko tuloy itanong sa kanila kung may damit pa ba akong natitira sa utak nila. Hay naku! Men!

"Miss." Tawag sa akin ng lalaking nalampasan ko. Lumingon ako and next thing I know nasa harap ko na siya. "Pwede bang tikman iyang pinopromo mo?" Tanong niya sa akin.

"Sure, Sir." Binuhusan ko naman ang basong hawak niya at agad niyang ininom ito.

Akala ko talaga noong una ay maeexperience ko ang unang 'hipo' ko sa pagpopromo girl sa bar. Much to my amusement ay bumili pa siya ng limang bote ng wine.

Hindi ko namalayan ay tapos na pala ang 5 oras ng pagpopromo ko. 1 down, 13 days more.

**

Pagkauwi namin sa apartment ni Kendra ay agad akong napahimlay sa sofa. Ang sakit ng paa ko sa kakasuot ng heels isama mo pa ang pisngi ko na sumasakit din sa kakangiti sa possible buyer.

"Not bad for your first night. Akalain mo nakabenta tayo ng 35 bottles of wine at 15 doon ay dahil sa'yo. Bilib na talaga ako sa charm mo bez." Masayang-masaya na sabi ni Kendra mula sa kusina.

"Beginner's luck." Sagot ko habang nakapikit.

Dinig ko na umupo sa katabing upuan si Kendra. "Wine?" Alok niya sa akin.

"Pass. Inaantok na ako." Bumangon na ako at nakipagbeso kay Kendra at umakyat sa kwarto ko para matulog.

A COFFEE kind of LOVE (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon