Chapter 02

52 11 4
                                    

Chapter 02

Marionne's Point of View

PAPAUWI na kami ni Mommy galing mall, nakabili na din ako ng mga school supplies. Habang bumabyahe, napapatingin ako sa mga billboard na nakikita ko. Minsan, nakikita ko ang mga picture ng Idol ko kaya napapangiti na lamang ako na parang baliw.

Maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay namin. Hindi ko na rin namalayan dahil masyadong marami akong naiisip.

Pumasok na kami sa bahay namin at nagpalit na agad ako ng damit pang bahay. Nag ayos na din ako ng mga gamit ko para sa eskwelahan para bukas. Naku! Ano kaya ang section namin? Feeling ko tuloy mahihiwalay ako sa dalawa kong kaibigan. Pero okay lang, at least matututunan kong maging independent. Hindi dapat akong masanay na nanjan sila palagi.

Nang matapos ako sa paghahanda ng gamit ko ay nagpahinga na muna ako. Para naman bukas ay may lakas ako para sa school.

Umidlip muna ako sandali at nagising din ako nang gisingin ako ni Tita Lea, dahil kakain na pala kami.

Mataimtim kaming kumain. Minsan ay nag uusap ang mag ama, samantala naman ay yung bunsong kapatid ko ay napakaingay. Nag uusap din naman ako tuwing tinatanong ako.

Nang matapos kaming lahat ay nagsibalikan na sa kanyang kanyang ginawa ang lahat. Ako naman ay tumaas na ako sa aking kwarto para maituloy ang pagtulog ko at maaga pa ako bukas para sa school.

KINABUKASAN

Nagising ako sa tunog ng aking alarm clock sa aking cellphone. Naglagay na talaga ako ng alarm para hindi mapasarap ang tulog ko at tanghaliin ako. 12:30pm pa naman ang pasok namin kaya lamang ay kailangan kong maligo ng maagap upang matuyo yung buhok at mapony ko ito.

Kumain na muna ako ng umagahan, nagpapak lamang ako ng hotdog at itlog dahil maselan ako sa pagkain kapag umaga. Kung hindi ko lang kailangang kumain ngayong umaga ay hindi ako kakain dahil hindi ako sanay kumain ng 'breakfast' dahil mas gusto ko ng may sabaw na ulam. Dahil umagahan ay puro tuyo ang ulam, ibigsabihin walang sabaw na ulam. Mas nasanay akong magpapak ng ulam tuwing umaga.

Nang matapos akong kumain, naghanda na din ako ng mga damit pangsamantala upang hindi madumihan ang uniporme ko. Naghanda ako ng pangbahay na damit at short. Dumiretso na agad ako sa banyo na dala dala ang aking tuwalya.

After 20 minutes..

Nang matapos ako ay nagbihis na agad ako. Naglagay ng lotion at deo. Yan lang ang routines ko araw araw sa buhay. Bored noh?

Time check: 11:00PM

Magpapasukan na pala. Kumain na ako ng tanghalian ko para hindi na ako kakain mamaya dahil dadating na dito si Aila. Last year, dito lang kami tatambay sa loob ng bahay ko dahil nasa harap lang ng bahay namin ang School namin na LCCL-NHS, Cool noh? Kaya lang hindi ito private, isa lamang itong publikong paaralan dito sa lugar namin.

Matatapos na akong kumain nang dumating si Aila sa bahay namin, tatawagin ako ng pagkalakas lakas niyang boses. Minsan naiirita na ako jan sa babaeng yan. If nagtataka ka kung maypaka plastik yung trato ko sakanya which means totoo. Yes, medyo plastik ako sakanya. But before naijudge nyo ako, siya po ang nang una mang plastik. Hindi naman siya ganyan kay Eunice. Sakin lang talaga. One time nga sabi niya, "Ganda mo noh?". But guess what? Hindi po ako maganda, alam kong lahat tayo may ganda. Ilang ulit niyang sinasabi tapos biglang tatawa. May pagka noh? Hahaha charot lang.

Hindi ko na pinansin at diretso na akong pumunta sa CR para mag toothbrush. Tumaas na agad ako sa kwarto ko para makapag palit na ako ng school uniform ko, nang matapos ako ay agad na din akong lumabas at nadatnan ko agad si Aila sa likod ng bahay namin at doon ay nag sasalamin sa mirror namin. Gandang ganda sa sarili ah? Wow.

Dumiretso na ako sa sala at nag suklay na ako ng buhok ko para matuyo na ito ng tuluyan. Tumabi sakin si Aila at nagsimulang magdaldal sa lovelife niya na hindi ko naman alam kung totoo talaga. Kase halos ng kikwento samin niyan ay hindi totoo. Kaya minsan hindi ko na alam kung ano ba ang totoo sa hindi. Hay naku.

"Uno, nakita ko na nga pala yung sections natin! And guess what? Pareho kami ni Eunice ng section! Omyghash! Pero ikaw section 2." Aniya.

Nabigla ako nung sinabi niya yan, kaya lang nakabawi din ako sandali lamang. Okay lang naman na section 2. If I know, sayang saya itong si Aila dahil Section 2 ako. Wapakels!

"Okay lang yon. Mas okay nga iyon para naman hindi ko maencounter yung nga papeymus sa Section 1. Ang yayabang, porket mangtatalino. Hmp!"

"Oo nga eh. Gusto ko ngang maging Section 2 ulit eh, para you know."

Ang ibigsabihin nung 'you know' niya ay yung crush niyang si Renz. And yup, Section 2 kami last year. Pero etong si Aila, puro lande ang inaatupag. Matalino naman siya kaya lang masyado siyang confident sa sarili niya na dapat ay humble siya.

Kaya ayaw kong maging matalino eh. Tsk tsk! Hahahaha.

"Anong oras na nga pala?!" gulat na sabit niya.

Tiningnan ko ang aking cellphone at tiningnan ay oras. Nagulat ako ng makitang 12:50pm na! Omygulay! First day na first day late kami. Hindi na ako nagsalita at kinuha ko na agad yung bag, nakita naman siguro ni Aila na nagmamadali ako kaya siya ay nataranta na din siya.

Nagmamadali akong tumabok sa loob ng eskwelahan ng makita kong sasarado na yung gate nung guard. Buti nalang ay pinapasok pa rin kami. Thanks God!

Naghiwalay na ako kay Aila dahil magkaiba nga kami ng Section. Pumunta ako sa Dulo. Napunta ako sa unahan. Napunta ako sa gitna. Oo nga pala! Hindi ko alam kung nasan ang section 2 dito sa pilahan. Buti nalamang ay may nakita akong old classmate ko at sinabi niya kung nasan yung pila ng Section 2. Pumunta ako dun sa dulo ng Pila ng Section 2 dahil ako nga ang huling pumasok.

Nagsimula ng mag flag ceremony. Nang matapos ang mga iyon ay nag usap yung principal namin ng 'Welcome back chu chu' hanggang sa makapasok na kami sa classroon namin.

Napunta ako sa first row dahil puno na yung sa right eh, wala naman kaseng pumupunta sa left kaya dun kami pinapunta ni Mam. Alternate pa naman ang Boy and Girl, HUHUHU. Buti nalang yung nakatabi kong mga lalaki ay naging kaklase ko na noon. So naging smooth naman ang takbo ng klase. Aral dito, aral doon. Nang magrecess na, nagkita kita na kami nina Aila at Eunice. Kwentuhan dito, kwentuhan doon. Hanggang sa magtime na ang recess at back to normal na ulit.

Time check: 6:45PM

*ring* *ring* *ring* (tunog yan ng bell hahaha)

Buti naman at makakasurvive na ako sa First Day of Class. What a day!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Typical Life StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon