Chapter 01

83 12 8
                                    

ABALANG naghahayin si Marionne sa hapag kainan upang makakain na sila ng kaniyang pamilya, nang matapos na ito. Isa isang tinawag ni Marionne ang kaniyang ina, ama, tita, kuya at ang kanyang kababatang kapatid.

Mataimtim na nagdasal ang Pamilyang Perez sa harap ng hapag kainan at nang matapos ito ay nag simula na silang kumain.

"Marionne, kaylan nga pala ang pasukan niyo?" ani ng kaniyang ina na si Gloria.

"Ahm, sa susunod na lunes na po. Hihingi nga po pala ako ng pang bili ng mga school supplies, mommy"

"Nako, sa mama lisa ka humingi ng pera. Wala pa akong pera sa ngayon" aniya. Tumango na lamang si Marionne at tinapos ang kanyang pag kain. Nang makatapos ang lahat sa pag kain, kani kaniyang balik ang mga ito sa mga sarili nitong ginawa. Maliban na lamang kay sa Tita ni Marionne na si Lea, dahil ito ang gumagawa ng gawaing bahay.

Maya-maya, may biglang sumigaw sa gate ng bahay nina Marionne na isang dalaga. "Marionne!" sigaw ng dalaga.

Nagulangtang si Marionne sa sigaw ng kaniyang bestfriend na si Aila. Mabilis na humakbang palabas si Marionne palabas ng bahay upang hindi na magsisigaw ang kanyang bestfriend at baka makabulahog pa iyon sa mga kapitbahay.

"Oh bakit ka nandito?" aniya

"Tatanong ko lang naman kung may gamit kana para sa school? Mag papasukan na noh."

"Wala pa nga eh, pero bago mag linggo ay siguradong meron na ako. Bakit? Ikaw ba?"

"Meron na ako. Oo nga pala! Ano kayang magiging section natin? Sana mag kasama pa rin tayo." Maluha luha sabi ni Aila.

"Sana nga, hindi ko yata kakayanin kung hindi ko kayo kaklase. Walang maingay kung sakali." she chuckled.

"Hmp, ewan ko sayo. Oo nga pala, nag text ba kayo si Eunice?" tanong ni aila

"Hindi nga eh, nakakainis talaga yung babaitang yon. Baka sa pasukan na tayo magkita kitang tatlo" kibit balikat na sabi ni Marionne

"Hala sige, uuwi na din ako. Napadaan lang naman ako. Bye Mari! See you!" sabay kaway sa kaibigang si Marionne.

Pumasok na si Marionne sa loob ng kanilang bahay at nag kukutkot na lamang siya ng kanyang cellphone. Nagbukas ito ng social media na Facebook at nag scroll na lamang siya ng scroll. Nang magsawa ito ay binuksan naman niya ang kaniyang twitter at tiningnan kung anong issue tungkol sa kaniyang Idol na sina Chandria & John Padilla. At napagkaalaman niya na may mga haters nanamang umaatake sa kaniyang mga Idols.

'Hmp, bakit ba ganto tong mga haters. Hindi na nagsawa kakabash. Hindi nalamang magfocus sa kanilang Idol' sabi ni Marionne sa sarili niya.

Nang matapos na siya sa pagpatol doon sa mga haters ng kaniyang Idols ay chinarge niya muna ang kaniyang cellphone. Nahiga na lamang siya sa kaniyang kama at nagisip isip. At hindi naman namalayan ni Marionne na nakatulog ito dahil na rin sa pagod.



KINABUKASAN

Marionne's Point of View

Nang magising ako, nagsimula na agad akong gawin ang gawaing bahay upang makatulong kahit papaano. Nag walis ako sa garahe, sa loob ng bahay, at sa labas ng bahay. Nag laba na rin ako ng mga damit namin kahit na kokonti pa lang ang labahin dahil kakalaba ko lamang noong isang araw. Nang matapos ako agad, nag pahinga muna ako saglit at naligo na ako para maalis ang mga alikabok at libag sa katawan ko.

Naisip ko rin na pumunta muna kay Mama Lisa, ang aking Lola. Halos lahat ata ng gusto kong bilin ay binibili niya pero hindi ako spoiled noh. Siya din minsan nag bibigay ng pera para sa gastusin ko kaya sobra akong nagpapasalamat na naging lola ko siya. Dahil mabait na nga, maganda pa. Hahahaha walang halong biro.

A Typical Life StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon