Oo, aaminin ko, minsan na akong naniwala sa Fairytale noon. Naging fan ako ni Cinderella, Snow White, Rapunzel, Belle at kung sino-sino pang character ng Disney. Nangangarap na balang araw ay may magandang love story ang naghihintay para sa akin. At pagtatagpuin kami ni Prince Charming ng tadhana.
Pero, ngayong 28 years old na ako, lahat ng paniniwala ko noon ay nag-iba na...
Una sa lahat, hindi lahat ng makikilala mong Prince Charming ay charming. May mga barumbado, bastos at walang pakialam sa iyo. Yung iba pa, gagamitin ka lang at magapapanggap na mabait pero pagkatapos nilang makuha ang gusto nila, mawawala na lang sila na parang bula.
Hindi din nagtatapos ang lahat sa 'happily ever after'. Sa lahat ng relasyon na pinasok ko nakabuntot palagi sa pagiging masaya ang pagiging malungkot. I always feel that you should always make an effort to make any relationship work. Hindi katulad sa mga fairytales na kahit nagkalayo ng matagal ang bidang lalaki at babae ay sila pa din hanggang sa huli.
Yes, I am bitter. Yes, I am different now.
Hindi na ako yung dati na napapaikot ng mga lalaki. Ako na ang laging nananalo ngayon sa mga larong hindi ko naman alam kung para saan. My pride is the only thing left now. At hinding-hindi na ako babalik ulit sa dating ako.
People change, feelings change.
---

BINABASA MO ANG
My Prince Charming is Dead
ChickLitI always thought that when I meet my Prince Charming, we will live happily ever after. Hindi pala lahat ng pinaniwalaan mo noong bata ka ay totoo na. You will know that all that you believed in are all lies in the real world. Prince Charming will co...