[1]

179 9 11
                                    

Ehlae's POV

Nag-train ako pauwi dito sa probinsiya at nakahanap ako ng pinakamalapit na bus stop mula sa train station. Magb-bus sana ako pauwi sa bahay kasi nakalimutan ko na yung daan pauwi pag ilalakad ko lang.

Kaso 2 hours na akong nag-aantay dito sa waiting shed ng bus stop pero ni isa, wala pang dumadaan na bus maski tao. Wala parin talagang nagbabago dito sa probinsiya. Tahimik parin.

Sinuot ko nalang yung bag ko at tumayo nalang ako sa kinauupuan ko at nagsimulang maglakad. Nadaanan ko naman yung mini-mart dito kaya pumasok nalang ako para mag-palamig.

Mainit rin kasi sa labas. Sabagay, summer na at 4 days palang yung lumilias bago natapos yung school year.

Umupo ako sa natitirang bakanteng upuan at nasa posisyon na ako para matulog hanggang sa may nagsalita. "Kuya, upuan ko po yan." Sabi ng bata habang tinatapik ako.

"Natutulog ako. Wag kang magulo. Pagod ako. Umalis ka na nga!" Sigaw ko at narinig kong umalis siya.

Ilang segundo lang ang lumipas, may marahas naman ngayon na tumatapik sakin. "Excuse me pero may nakaupo na diyan." Boses babae.

"Tss. Pake ko naman. Pagod ako." Matigas kong sagot habang nakayuko parin yung ulo pero nagulat ako nang biglang hinatak yung buhok ko kaya napaangat yung ulo ko.

"A-Aray! Ano ba?!" Sigaw ko at inalis yung pagkakahawak nung babae sa kamay ko.

Padabog kong sinuot ulit yung bag ko at akmang tatayo na pero pinigilan ako ng babae.

"Ehlae? Ikaw na ba yan?" Nagulat ako hindi dahil kilala niya ako, pero dahil Ehlae yung tinawag niya sakin. Sa pagkakaalam ko, mga kaibigan ko lang dito sa probinsiya ang tumatawag sakin nun.

Napalingon agad ako sakanya at pinagmasdan yung mukha niya. "Freya?"

***

"Kelan ka pa nakarating dito?" Tanong niya. Tinitingnan ko parin yung mukha niya habang iniinom yung in-order ko na mango shake.

"Huy!" Nagulat ako nang bigla niyang pinitik noo ko.

"H-Ha?"

"Kanina ka pa napapatulala. Okay ka lang ba?" Tanong niya at halata sa mukha niya na nag-aalala siya.

Hindi ko nalang yun pinansin at napalingon nalang ako sa bata kanina na natutulog habang nakasandal yung ulo sa hita ni Freya.

"Anak mo?" Tanong ko habang nakanguso sa bata

"Hahahahahahahahaha!" Napasimangot ako dahil di niya pinansin yung tanong ko at tumawa lang.

"H-Hahahahaha! Kapatid ko to. Si France."

"Ah." Tumango nalang ako. "Kaninang tanghali lang ako nakarating dito." Sagot ko sa tanong niya kanina.

"Ah." Sabi niya at nalunod na kami sa katahimikan.

"Uhmm. Condolence nga pala." Lumingon ako sakanya kasi nagsalita siya pero di siya nakatingin sakin.

"San?" Kunwaring tanong ko.

"Kay tita."

Nasipa ko yung ilalim ng mesa kaya medyo nagulat si Freya at biglang nagising si France. "Matagal na yun. Kinakalimutan na dapat yung mga taong patay na." Matigas kong sabi.

"Mommy, ano po meron?" Nakaupo na si France sa tabi ni Freya.

"Wala, wala. May kausap lang ako. Tulog ka na ulit, France." Sabi ni Freya kaya humiga nalang ulit si France at sinimulang tapikin ni Freya.

"Sorry." Sabi ko nalang. Na-guilty naman ako bigla kasi nagising ko yung mahimbing na natutulog.

"Wala yun. So, san na punta no ngayon?" Tanong niya.

"Sa bahay namin dati. Nandun pa naman yung mga naiwan naming gamit eh. Atsaka tamang-tama na mga importanteng gamit ko lang kelangan ko." Sabi ko.

"Satin kana ulit mag-aaral?" Tanong niya at tumango naman ako.

"Nako! Tamang-tama! Bukas yung farewell party para sa mga aalis. Sama ka?" Yaya sakin ni Freya.

"Ha? Wala naman akong kilala dun atsaka.. nahihiya ako."

"Diba nga walang palitan ng section satin bawat school year so tayo-tayo parin magkakakilala. Miss ka na nila!" Excited niyang pagsabi.

"Eh. Aayusin ko pa mga gamit ko sa bahay." Pagpapalusot ko.

"Wag ka mag-alala, Ehlae. Tutulungan naman kita pag-uwi. From 10 ng umaga hanggang 1 ng hapon lang naman yun." Tiningnan ko yung mukha niyang sobrang nagmamakaawa kaya pumayag nalang ako.

Tiningnan ko yung oras sa phone ko at 6 na pala. Masyado napahaba yung pagpapalamig ko dito sa mini-mart.

"Pagabi na ah. Uwi na tayo." Yaya ko kay Freya.

"T-Tayo? Ha?" Nakita kong namumula siya kaya binawi ko kaagad yung sinabi ko.

"A-Ano pala. Ihahatid ko kayo sa bahay niyo at uuwi na ako sa bahay ko. Hehehehehe." Medyo na-weirduhan ako sa sarili ko kasi parang hindi ko kaya maging maangas sa harapan ni Freya. Parang biglang bumabalik yung dating ako.

***

Freya's POV

Lampas 7 na ata at naglalakad parin kami ni Ehlae habang buhat-buhat niya sa likod si France. Himala at mahimbing ang tulog ng magaling kong kapatid.

"Freya!" Napalingon ako sa likod kasi may tumawag sakin at napalingon rin si Ehlae.

"Hi!" Ka-club ko lang pala sa school.

"Boyfriend mo?" Tanong niya habang nakanguso kay Ehlae.

"H-Ha?! Hindi ah. Kaibigan lang. Alis na!" Pagpapaalis ko sakanya pero rinig ko parin tawa niya.

"Freya, dito ka sa tabi ko." Biglang utos sakin ni Ehlae kaya automatic rin akong napasunod.

"Baket?"

"Wag kang aalis sa tabi ko ah." Hindi nalang ako sumagot sa sinabi niya kasi feeling ko may malalim siyang pinaparating. Ewan.

Tiningnan ko nalang siya habang nakasandal na yung ulo ni France sa balikat ni Ehlae. Mukha silang mag-ama. Ang cute.

Umiling nalang ako pero di ko parin mapigilang di mapangiti. Ang cute lang kasi.

"Andito na tayo." Sabi ni Ehlae at inilipat na niya si France sakin.

"Kumain muna kayo bago matulog ah." Paalal niya at tumango nalang ako. Bubuksan ko na sana yung gate pero pinigilan niya ako.

"Ano nanama--"

"G-Gumanda ka. Haha. Sige, pupunta ako dito bukas ng 8. Good night." Sabi niya atsaka nagmadaling tumakbo.

Napangiti nalang ako habang papasok ng gate. Siguradong magugulat sina Kath, Prince, Coleen at Nathan bukas pag nalaman nilang nagbalik na si Ehlae.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

[TAERENE] You're My Miss RightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon